Ang Simula ng Pagkamulat

2091 Words

HINDI NA YATA MABILANG NI JADA KUNG ILANG BESES NA NIYANG NAKIKITA ANG SARILI NA NAHUHULOG. Sa ilang beses niyang pagtatangkang tumakas mula sa kanyang kwarto sa dating bahay nila at sa mansyon ni Ambrose ay natutunan niyang hindi matakot sa maliit na distansya mula sa kwarto niya at sa lupang babagsakan. Dati ay sinadya niya pang mahulog, umasang mababalian siya para lang makalabas ng bahay, para maisugod sa ospital, para makapunta lang sa ibang lugar at makakita ng ibang tao. Pero hindi nangyari iyon, dinala lang siya ng mga tauhan nito sa isang parte ng bahay na animo ay sa ospital na may kumpletong kagamitan. Nagpatawag si Ambrose ng doktor para masuri siya, hindi kinakailangang ma-ospital, ayon dito. Hindi siya nabalian o nabagok ang ulo. Hindi niya makakalimutan ang panghihinayang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD