Enzo’s POV Hindi ko alam na ganon pala ang nararamdaman ni Sheena sa akin. Na-miss ko lang naman sjya pero hindi ko naman alam na mali na pala ang ginagawa ko. Maybe madami na talagang nagbago sa aming dalawa kaya yung mga bagay na gusto kong gawin hindi ko na din magawa. Maybe it’s good na ganito ang magiging simula namin ni Sheena dahil hindi naman na kami mga bata. Habang nasa daan kami at namimili kung saan kaming kakain. “Saan mo ba trip kumain?” tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin dahil sa aking tanong sa kaniya. “Kahit saan na lang basta mabusog,” sambit niya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya sa akin. “Paano ko huhulaan ang kahit saan mo?” tanong ko sa kaniya, “meron ditong tatlong fast food chain, kung gusto mo sa tatlo na lang tayo

