Sheena’s POV Lumipas ang ilang minuto nang aming pagbiyahe ay nakarating na kami sa campus. Napatingin ako sa labas ng sasakyan ni Enzo at nakita ko ang madaming mga student dahil 12:30 na din kaya andito na din yung mga student na may pasok ng 1 pm ganon din ang pauwi ng mga student galing sa morning class. “Dito na lang ako Enzo,” wika ko sa kaniya, “pupuntahan ko pa kasi yung mga kaklase ko, kailangan kong makita sila, basta kapag may kailangan ka just text me or chat me okay meron naman na akong number sa phone mo and friends naman tayo sa personal account mo,” sambit ko sa kaniya. Napatango-tango siya sa akin bilang pagsang-ayon sa aking sinabi sa kaniya. Agad kong kinuha ang aking mga gamit sabay bumaba sa sasakyan ni Enzo, nakalimutan ko din mag bihis ng uniform ko kaya kailangan

