Tahimik lang akong nagmamaneho ng sasakyan habang tahimik din ang aking katabi na si Sofia. Hindi ako gumawa ng kahit ano’ng ingay o kung ano mang tanong na pwede kong itanong sa kaniya ngayon dahil alam ko sa sarili ko na galit ako. I can’t control myself kapag nagagalit ako, delikado na nagmamaneho pa ako. Minutes later ay nakarating na kami sa bahay. Bumaba lang ako sa sasakyan ko na walang sinasabi at hinayaan si Sofia na sumunod sa akin. Alam na niya ang deal, lagi kaming nag-uusap na dalawa lalo na meron siyang mali dahil alam ko ang galit nila Dad kapag meron akong nagagawang mali dati at mas lalo na sa kaniya dahil babae siya bilang Kuya niya ako na agad gumagawa nang move para malaman kung ano ang mali niya. “Sir Enzo andito po pala kayo,” bati sa akin ng maid namin. Napahi

