Enzo’s POV “Tama pa ba talaga ang ginagawa ko?” tanong ko sa kaniya. Napahinga siya ng malalim sabay inilahad ang kaniyang kamay. “Kuya ka Enzo, ikaw ang nakakatanda, so alam ko na kung ano ang ginawa mo kanina ay para sa kabutihan ni Sofia iyon kaya huwag mo ng alalahanin ang bagay na iyon.” Ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis at paglalito ko sa sarili ko. “F*ck hindi ko na alam ang gagawin ko, parang kanina ako pa ang may kasalanan kung bakit nagkakaganon si Sofia.” Napaupo naman si Sheena sa tabi ko sabay napayuko sa kaniyang tuhod. “Alam mo Enzo, huwag mo kasing i-pressure ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman talaga kaya.” Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya sa akin. “What do you mean?” tanong ko sa kaniya. “Kung naguguluhan ka talaga, try to put yoursel

