Sheena’s POV Nagulat na lang ako sa lakas ng katok sa aking pintuan, pero hindi ko magawang pansinin ang bagay na iyon dahil gusto ko pang matulog. Hindi ko expected na ganito ako kapagod ngayon, wala naman akong ginawa kahapon na makakabigay sa akin ng pagod ngayon. “Sheena,” rinig ko na sabi ni Mama. Dahan-dahan akong napadilat at tumingin sa kaniya. “Ma ang aga pa ang ingay mo,” reklamo ko sa kaniya. “Ano’ng oras na diba sabi mo pupuntahan mo si Enzo sa condo niya ngayon?” sambit niya sa akin. Napadilat ako at napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya sa akin. “What? Pupuntahan?” tanong ko sa kaniya. Agad akong napabangon sa aking higaan sabay napatingin sa aking orasan. “Ma ano’ng oras pa lang naman 4:30 am?” sambit ko sa kaniya. “Pero kailangan mo ng mag-ayos para punt

