Enzo’s POV Napasok ako bigla sa loob ng aking kuwarto dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko naisip ang mga bagay na iyon dahil sa kaniya lang naman magaan ang loob ko at kahit dati pa nagbibihis ako sa harapan niya dahil kumportable ako sa kaniya pero mali ata ang ginawa ko sa oras na ito. It’s like I harass her, stup*d Enzo, you’re not even thinking your actions. Napahinga na lang ako nang malalim sabay napahawak sa aking ulo dahil sa ginawa ko. Nakakaramdam ako ng hiya ngayon dahil hindi ko naman alam kung bakit ko pa ba ginagawa ang mga bagay na iyon maybe nakaramdam lang ako ng onting excitement dahil nagkita kaming dalawa ni Sheena but I didn’t consider our gender, still if we become close as before dapat meron pa ding boundaries sa aming dalawa dahil lalaki ako at babae siya and what

