Enzo’s POV Napatawa ako ng malakas dahil sa reaction niya matapos kong sabihin ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung bakit pero kung makikita mo ang mukha niya matatawa ka talaga. “I guess nasa akin na ang panalo ngayon,” sambit ko sa kaniya. Tinignan niya ako ng masama sabay napasandal sa kaniyang inuupuan. “Dami mong alam Enzo,” inis na sabi niya. Natatawa na lang ako dahil sa kaniyang sinabi sa akin. “Bakit ka naman nagagalit sa akin?” natatawa kong tanong sa kaniya. “Hindi nakakatuwa mga sinasabi mo,” inis niyang sbai sa akin. Napailing-iling na lang ako dahil sa sinabi niya. “Sino ngayong asar talo?” tanong ko sa kaniya. “Huwag mo akong kausapin,” inis na sabi niya. Hindi na langa ko kumibo sa kaniya at tinago ang aking tawa dahil halata na sa mukha niya ang pagkainis niy

