Sheena’s POV Sa mga oras na ito hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip ngayon ni Enzo. Masyado ba akong naging mabait ngayon para lang isipin niya na-close na kaming dalawa? Kaya lang naman may-cease fire sa aming dalawa dahil nalaman ko na kung ano talaga ang dahilan kung bakit kami nag-away noon. Nanatili lang akong nakatulala sa labas ng sasakyan ni Enzo matapos naming magkaaminan kung bakit kami nag-away. Meron sa part ko na masaya ako kasi, nalaman ko kung bakit ganon ang sinabi niya. Inaamin ko naman na may mali ako kasi hindi ko din siya sinabihan pero kasi iba kasi yung nararamdaman ko sa mga oras na iyon dahil nga ang sabi ni Lexa sa kaniya na gusto niya si Enzo. Ano naman ang laban ko kay Lexa kung ganon hindi ba? Pero nagkaroon din ako ng pagkakaintindi dahil sa pagsabi ko

