Hapon na din ng magising ako, napatingin ako sa study table ko at nakita ko doon si Sheena na nakayuko sa study table ko habang nakapikit. Napatayo ako sa couch at napatingin sa orasan ko. “F*ck, alas cingko na pala tapos, wala lang akong ginawa,” sambit ko sa sarili ko. Napalapit ako kay Sheena sabay napangiti sa kaniya. Dahan-dahan kong hinawi ang kaniyang buhok upang makita ang side profile niya. Seeing her with her bun hair makes my heart skip it’s beat. Hindi ko alam kung paano ko maitatago ang ngiti ko habang tinignan siya. Bigla naman siyang gumalaw dahilan upang mapaiwas ako ng tingin sa kaniya. Napasandal na lang ako sa aking study table at tinignan lang siya na nag-uunat. “Enzo, kanina ka pa di yan?” gulat niyang tanong sa akin. Napailing-iling ako sa kaniya bilang sagot niya

