Chapter 43

3016 Words

Napadilat ako nang dahan-dahan dahil sa tama ng ilaw na galing sa bintana. Nagtataka naman ako dahil onting galaw ko lang ay may yumayakap sa akin nang mahigpit. Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko na nakayakap sa akin si Sheena. “Huwag kang makulit, natutulog pa ako,” sambit niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa posisyon naming dalawa ngayon. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon, alam ko kagabi nag-aaway pa kami kung sino matutulog sa couch at kama eh. “Sa couch na ako Enzo,” sambit niya sa akin. “Hindi ako na sa couch, ‘di yan ka na sa kama ko,” sambit ko sa kaniya sabay humiga sa couch. Nagulat naman ako nang maramdaman ko na bigla niya akong hinawakan sa kamay ko at hinatak papatayo sa couch sabay tinulak ako sa aking kama na aking ikinagulat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD