“Enzo, kanina pa tayo nag-aaral dito wala talagang pahinga?” tanong niya sa akin. Binaba ko ang aking libro na binabasa at napatingin sa kaniya. “Tapos mo na ba yung pinapaaral ko?” seryoso kong tanong sa kaniya. Napahinga lang siya nang malalim sabay napayuko sa lamesa. “Enzo, 10 am na o kanina pa tayong 5 am nag-aaral,” reklamo niya sa akin. Napailing-iling naman ako dahil sa reklamo niya sabay inangat ang libro na aking binabasa. “Basahin mo na lang kasi tapos intindihin mo, madali lang naman iyon eh,” seryoso kong sabi sa kaniya. “Alam mo, napaka-sungit mo ngayon nakakainis ka,” singhal niyang sabi. Napatingin ako sa kaniya na walang kaemo-emosyon. “Wala na nga tayong pasok ngayon pero para kong natatandaan yung terror nating prof sa ‘yo, bwisit ka,” sambit niya sa akin. Sina

