Kasalukuyan kaming nakaupo ni Sheena dito sa labas kung saan merong table. Hanggang ngayon mamumuo pa din ang galit ko dahil sa mga sinabi ni Evan sa kaniya. Ano bang karapatan niya para sabihin ang bagay na iyon kay Sheena? Hanggang ngayon hindi ko pa din maalis sa isip ko ang nga sinabi niya sa akin kanina. “Don’t make me laugh Evan, huwag mo ng pakialaman ang sa akin,” diin kong sabi sa kaniya. Napatawa naman siya nang mahina dahil sa aking sinabi. “Oh so this girl is the one that you love, marunong ka pa lang magmahal Enzo?” sambit niya. “Kung ano man ang binabalak mo huwag mo ng ituloy,” diin kong sabi. “Why natatakot ka na? Mhh Interesting. Mukhang alam ko na kung sino ang magiging kahinaan mo Enzo? Matakot ka na Enzo.” Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa baga

