Bumalik kami sa loob ng bahay ni Enzo matapos niyang mag-vent out ng sama ng loob niya. Dumadami na din ang mga tao kaya naisipan muna namin ni Enzo ang pumunta ng kusina kung asaan nandoon si Tita Ericka. “Andito pala kayo, kanina ka pa hinahanp Enzo ng Dad mo,” sambit ni Tita Ericka sa kaniya. “Asaan si Dad?” tanong ni Enzo sa kaniya. “Nasa labas pa may kinukuha lang mamaya papasok na dito sa loob iyon,” sambit ni Tita Ericka, napatango-tango naman si Enzo bilang sagot sa sinabi ni Tita Ericka. “Dito ka lang muna ah, pupuntahan ko lang si Dad,” sambit ni Enzo sa akin. Napangiti ako sa kaniya sabay napatango-tango bilang sagot sa kaniya. Naiwan naman kami ni Tita Ericka doon sa loob ng kusina, hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap lalo na meron pa ding hiya sa akin ang nabub

