Lumabas kami ni Enzo sa loob ng kuwarto ni Sofia, paglabas namin biglang bumilis muli ang t***k ng puso ko dahil sa kaba ko nung makita ko ang mga tao sa baba. “Ang daming tao, Enzo,” sambit ko sa kaniya habang maahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa mahina niyang pagtapik sa aking kamay. “It’s okay, let’s go?” tanong niya sa akin. Napahinga ako nang malalim at pinilit na ngumiti sa kaniya. Kahit na ayaw ko at may kaba na nararamdaman ko pinilit ko na bumaba sa hagdan kasama siya. Nakakagulat lang na sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay unti-unti silang tumitingin sa amin. Napalunok lang ako at pinilit na ngumiti habang nakangiti sa kanila. Mas lalo pa akong kinakabahan dahil mga bagong mukha na hindi ko naman kilala.

