Kasalukuyan akong nakahiga sa higaan ko at iniisip ang mga bagay na kailangan kong gawin bukas. Kakatapos lang namin sa examination ni Enzo at naisipan niya munang umuwi sa kanila dahil malapit na din ang birthday ni Enzo. Napatayo ako sa aking higaan at kinuha ang aking cellphone. I want to text Enzo dahil alam ko ang frustration sa kaniya lalo na ngayon na nakikilala na siya ng lahat. Tinitignan ko ang cellphone ko kung meron ba siyang text sa akin. Pero ni isang text ay wala siyang na-send. Napahinga na lang ako nang malalim sabay napahiga na lang ako muli sa aking higaan at nag-iisip ng aking mga dapat gawin. Habang nakahiga ako nagulat na lang ako dahil sa biglang pagpasok sa loob ng kuwarto ni Jayjay. “Ate, na sa tv kayo ni Kuya,” sambit niya sa akin. Napakunot ang aking noo at n

