Chapter 09

1652 Words
Enzo’s POV   Habang nasa sofa ako at inaayos ang mga gamit ko bigla namang tumunog ang doorbell sa pintuan. Napatingin naman ako doon at nagtataka kung sino ang magdo-doorbell sa condo na ito. Napatingin naman ako kila Mom at ate Emma na kasalukuyan na nasa labas ng veranda upang magpahangin. Inilapag ko na lang ang hawak-hawak kong damit at tumungo sa pinto upang buksan ito. Nang mabuksan ko ito nakita ko doon si Sheena na nakatayo lang sa pintuan ng aking condo.   “Si Mama anjaan?” tanong niya sa akin. Napatango-tango ako bilang pagsagot ko sa kaniya. Agad kong binuksan ng malaki ang pintuan upang papasukin siya sa loob. Napangiti naman siya sa akin sabay pumasok sa loob ng aking condo.   “Ma,” sambit ni Sheena kay Ate Emma. Bigla naman napatingin si Ate Emma sabya pumasok sa loob upang lapitan si Sheena.   “Andito ka na pala,” saad ni Ate Emma sa kaniya.   “Ito na ‘yung request,” saad ni Sheena. Napatingin naman ako sa papel na hawak-hawak nila.   “Ano iyan?” tanong ko sa kanila. “Request sa university para makapasok ka,” sambit sa akin ni Sheena. Napatango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon ko sa kaniyang sinabi.   “Hindi ka pa ba kumakain anak? Kumain ka muna,” sambit ni Ate Emma sa kaniya.   “Oo kumain kayo diyan ni Enzo hindi pa naman siya kumakain magsabay na lang kayo,” sambit ni Mom sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay napakunot ang noo. “Kayo po ba hindi ba kayo kakain?” tanong ni Sheena sa kanila.   “Tapos na kami kumain, si Enzo na lang ang hindi pa nakakain, kumain na kayo diyan at meron naman diyan kanin at ulam,” sambit ni Mom sa kaniya. Napatingin muli siya sa akin dahil sa sinabi ni Mom sa kaniya. Sinenyasan ko na lang siya na tumungo kami sa table upang kumain.   Agad kaming naglakad patungo sa lamesa upang magsimula ng kumain. Iniwan naman kami nila Mom at Ate Emma sa kusina at tumungo muli sa veranda.   Kumuha ako ng plato upang maghanda ng makakain naming dalawa ni Sheena.   “Tulungan na kita,” sambit niya sa akin. Agad naman siyang kumuha ng plato at kumuha ng aming ulam sabay inilagay ito sa lamesa. Habang nag-aayos ako ng aming plato na gagamitin napatingin siya sa akin na para bang may mali sa aking mukha.   “May problema ba?” tanong ko sa kaniya. Napahinga siya ng malalim sabay napailing-iling bilang sagot sa aking sinabi. “Meron bang mali sa mukha ko? Kanina ka pa nakatingin,” saad ko sa kaniya. Bigla naman siyang napaiwas sa kaniyang pagtingin sa akin sabay napahawak sa kaniyang bibig.   “Nagtataka lang ako kung bakit hindi ka pa kumain kanina,” saad niya sa akin. Napatango-tango naman ako dahil sa kaniyang sinabi sabay napaupo. “Yun lang ba talaga ang dahilan kaya kanina ka pa nakatingin?” tanong ko muli sa kaniya hindi naman na siya napatingin sa akin sa halip ay kumuha na ng kanin at inilagay sa kaniyang plato.   “Bakit masama na pala ngayon magtanong?” tanong niya sa akin sabay kumuha ng ulam. Napatigil naman ako sa aking pagtawa sabay napailing-iling na lamang. “Wala namang masama, nagtataka lang ako bakit kailangan mo pang tanungin ang mga bagay na iyon,” sambit ko sa kaniya.   “Eh bakit kasi hindi ka pa kumain kanina?” tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi sa akin.   “Ayaw mo ba akong pakainin?” tanong ko sa kaniya, “okay lang naman na hindi ako kumain pero kasalanan mo kapag nagutom ako,” saad ko sa kaniya. Napahinga na lang siya ng malalim sabay sumubo.   Habang kumain kaming dalawa, nanatili kaming walang pansinan na dalawa at tila ba’yh may malaking pader na nakaharang sa aming dalawa. Malayong-malayo na nga talaga ang samahan namin ni Sheena, hindi na kami katulad noon na masaya lang. Ngayon para kaming hindi na magkakilala sa paningin ng bawat isa.   I want to be friends with her pero hindi ko naman alam kung paano ko ulit uumpisahan. Isa siya sa mga taong una kong naging kaibigan kaya magaan ang loob ko sa kaniya pero hindi ko alam kung paano ko pa ba ibabalik ang mga bagay na iyon.   Habang patuloy kaming kumakain. Gumawa ako ng paraan para magkausap kaming dalawa.   “Kumusta ka na Sheena?” tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatigil sa kaniyang pagkain sabay napatingin sa akin dahil sa aking tanong sa kaniya.   “Ayos lang naman ako,” sambit niya sa akin sabay nagpatuloy sa kaniyang pagkain. At matapos noon ay bumalik na naman kami sa dati na para bang wala kami sa paligid ng isa’t isa. “Pagnakapasok na ako sa university pwede mo ba ako samahan?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay ngumiti at napatango-tango.   “Oo naman, yun ang request sa akin ni Tita Ericka bakit ko naman tatanggihan ‘di ba,” saad niya sa akin. “So kapag si Mom ang nag-request papayag ka pero pag ako hindi ka na papayag?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay napatawa dahil sa sinabi ko.   “Baliw hindi syempre papayag din naman ako kasi wala ka pa namang kakilala sa university isa pa baka magalit din sa akin si Tita kapag hindi kita sinamahan,” saad niya sa akin. Napalunok naman ako sabay napatingin sa kaniya at ngumiti. “Sabi mo iyan ah, asahan ko na ikaw lagi kong kasama sa university,” nakangiti kong sab isa kaniya. Bigla naman natigil ang kaniyang pagngiti dahil sa aking sinabi. “O-oo naman, p-pero syempre meron ding time na hindi kita sasamahan,” utal niyang sab isa akin habang pinipilit na ngumiti. “Pero can we be friends?” tanong ko sa kaniya. Napayingin naman siya sa akin ng seryoso na at ang lahat ng ngiti na kanina’y na sa kaniyang mukha ay biglang naglaho.   “Uhm, tapos ka na ba kumain?” bigla niyang pag-iiba ng tanong. Agad siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan sabay iniligpit ang kinainan naming dalawa.   “Ako na ag maghuhugas nito don’t worry,” sambit niya sa akin sabay kuha ng plato ko at agad na pumunta sa lababo upang simulan na hugasan ang mga pinggan na aming ginamit. Napahinga naman ako ng malalim at napatingin lang sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa. Hindi ko alam kung bakit ba niya ako laging iniiwasan dahil sa simula pa lang hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon.   Maya-maya naman ay biglang pumasok sa loob sila Mom at Ate Emma.   “Enzo, Sheena, meron lang kaming pupuntahan dito muna kayong dalawa,” sambit ni Mom sa aming dalawa. “Ah Tita sasabay na din po ako sa inyo tatapusin ko muna itong hinuhugasan ko,” sambit niya kay Mom. “Sheena babalik din naman kami agad, samahan mo muna si Enzo dito,” sambit sa kaniya ni Ate Emma. Wala din naman nagawa si Sheena dahil agad din umali si Mom at si Ate Emma sa loob ng condo kaya sa huli kami ding dalawa ni Sheena ang naiwan. Nanatili namang tahimik sa loob ng condo ko dahil sa ilangan sa pagitan naming dalawa ni Sheena. Hindi ko din alam kung paano ko siya kakausapin ngunit bawat oras na mas tumatahimik sa loob ng condo ko na tila maririnig na ang buga ng hangin ng aircon dahil sa katahimikan. Nagpasiya na akong tumayo sa aking kinauupuan at pinuntahan si Sheena sa lababo upang tulungan siya sa paghuhugas ng pinggan.   Bigla naman siyang napatingin sa akin na para bang angulat dahil sa aking ginawa.   “Tulungan na kita dito, wala din naman akong ginagawa,” sambit ko sa kaniya. “Ako na Enzo, ayusin mo na yung mga gamit mo doon para wala ka ng aatupagin pa,” sambit niya sa akin.   “Kaya ko naman ayusin mamaya iyon kaya wala kang dapat ipag-alala,” sambit ko sa kaniya. Wala din siyang nagawa dahil sa huli ay nasunod din ako sa aking gusto.   Habang naghuhugas kami ng mga pinggan ay ramdam ko ang kaniyang pagkailang sa aking tabi. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya sabay napatingin sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin na tila ba nagulat dahil sa aking sinabi.   “Ah o-oo naman,” saad niya sa akin sabay patuloy sa kaniyang paghugas ng pinggan.   “Ang tagal na din pala no,” saad ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatingin sa akin na nagtataka dahil sa aking sinabi.   “What do you mean?” tanong niya sa akin.   “Yung sa atin,” saad ko sa kaniya sabay ngumiti, “matagal na din pala na wala tayong contact sa isa’t isa,” wika ko sa kaniya. “Ah, oo nga eh,” simple lang siyang sabi.   “Yung last nating usap na masaya tayo six year ago pa,” saad ko sa kaniya. Napahinga ako ng malalim sabay napatingin sa kaniya. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya, “sa six years na hindi tayo nakapag-usap ng masinsinan ngayon na lang ulit kita nakamusta ng ganito,” dagdag ko. Napayuko naman siya at nagpatuloy sa kaniyang paghuhugas ng pinggan. Napahinga ako ng malalim at tinuon ang aking sarili sa paghuhugas ng pinggan. “I tried to call you that night… nung kumalat na yung issue, kasi ikaw lang naman yung tao na kaya kong lapitan at sabihan ng problema… pero unavailable ka at hindi kita ma-contact,” saad ko sa kaniya.   “Bakit ako pa?” seryoso niyang tanong sa akin.   “Ikaw lang naman ang kaibigan ko eh… noon, pero hindi ko na alam kung kaibigan pa din ang turing mo sa akin ngayon o sadyang magkakilala na lang tayong dalawa.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD