Chapter 08

1381 Words
Enzo’s POV   Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan kung bakit narinig ko ang pangalan ko.   Habang nakaupo ako sa bench, sinubukan kong basahin ang article na nakita ko kanina about kay Elle Marino and what I heard to the both ladies are true. Pero bakit? That’s the question, bakit ako pa ‘yung binanggit niya, it’s been five years since I stopped on showbusiness and I want to have a new and normal life, bakit kailangan pa niyang banggitin ang pangalan ko?   Napahawak na lang ako sa aking noo sabay napahinga nang malalim dahil sa kaniyang mga sinabi.   “What the, hindi ba niya alam ang ginagawa niya?” tanong ko sa sarili ko, “being a famous actress and mentioning someone’s name lalo na’t kilala na siya before may affect to someone’s life if maari,” inis na sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung makakapasok pa ako nito sa university dahil sa ginawa niya.   “Ano ba kasing problema niya,” saad ko muli sa sarili ko. Baka ngayon kailangan ko munang gamitin ang Lorenz na pangalan ko sa university para kahit pa paano ay mabawasan ko ang yung pagkakakilanlan ko nung nasa showbiz pa ako.   Napatayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa pinaka gilid ng roof top upang walang taong makarinig sa akin. Agad kong ni-dial ang manager ko dahil sa nangyari ngayon. “Himala Enzo napatawag ka,” sambit nito sa akin.   “Ano yung nangyari ngayon? Bakit naman kailangan pang i-mention ang pangalan ko sa isang interview?” tanong ko sa kaniya. Narinig ko siyang huminga ng malalim dahil sa aking sinabi.   “Kuya naman, alam mo naman ang pinag-usapan natin hindi ba? Ayaw ko munang magkaroon ng link sa mga artist kahit sa mga kaibigan ko na artist noon,” saad ko sa kaniya.   “Enzo yun nga ang sinabi ko sa kanila, pati din sa management, kasi tumawag sa akin kanina yung staff ng show about nga sa mga sasabihin ni Elle at nabanggit nila sa akin ang patungkol doon, ang sabi ko sa kanila kahit ibahin na lang ni Elle ang sagot niya dahil nga sa pinag-usapan natin pero hindi pumayag ang management doon,” saad niya sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim sabay napahawak sa aking noo. “Kuya naman alam mo naman ang sabi ni Mom diba?” sambit ko sa kaniya, “kailangan kong mag-aral, pero paano ako makakapag-aral kung out of nowhere mag-iingay na naman ang pangalan ko,” saad ko sa kaniya.   “Enzo gusto ng management na bumalik ka na, kaya gumagawa sila ng paraan para mapabalik ka,” tugon niya sa akin.   “Kuya Raf naman alam mo naman ang pinag-usapan natin hindi ba bakit kasi ayaw nilang sundin yun?” tanong ko sa kaniya, “gusto ko muna ng pribadong buhay bakit ba kailangan pa nilang manghimasok doon,” saad ko sa kaniya.   “Enzo wala akong magagawa doon, ayaw talagang tanggapin ng management ang sinabi ko,” saad sa akin ng manager ko.   “Ayaw nila?” inis na tanong ko sa kaniya, “ipapakausap ko na lang kay Dad para matapos na,” saad ko sa kaniya. Narinig ko siyang huminga ng malalim dahil sa aking sinabi.   “Sige na Enzo gagawan ko ng paraan para i-down na nila ang article pati na din ang video sa youtube,” sambit niya sa akin. Napapikit na lang ako sabay napahawak sa aking noo dahil sa aking narinig.   ”Okay, as soon as possible sana ngayong araw din, kailangan kong pumunta sa university ko bukas at hindi ko alam kung paano ko iiwasan ang mga tao kung sakaling makilala nila ako dahil sa interview ng Elle Mariano na iyon,” saad ko sa kaniya. Agad kong binaba ang tawag mula sabay napahawak sa aking noo dahil sa stress na aking nararamdaman.   Agad kong binulsa ang aking cellphone at naglakad papasok sa loob ng building upang makabalik na sa loob ng condo. Nang makabalik na ako sa loob agad ko namang nakita sila Mom at Ate Emma na nag-uusap sa may lamesa.     “Oh, bumalik ka na pala anak?” tanong sa akin ni Mom, “Hindi mo ba nagustuhan yung view sa taas?” tanong sa akin ni Mom.   “Mom, meron akong tanong sa iyo,” saad ko sa kaniya.   “Yes ano iyon?” tanong sa akin ni Mom   “I saw on the social media, about the new artist Elle,” sambit ko sa kaniya. Bigla naman napatingin si Ate Emma sa akin dahil sa aking sinabi.   “Oo kanina, I saw her interview sa isang show tapos na mention nga niya ang pangalan mo Enzo,” sambit ni Ate Emma. Napahinga na lang ako ng malalim sabay napahawak sa aking ulo dahil sa sinabi ni Ate Emma.   “Elle Mariano?” tanong sa akin ni Mom. Napatingin ako sa kaniya sabay napatango-tango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.   “Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong i-mention sa ganong tanong, I’m so afraid if someone might look at me because of what she said. Isa pa naman siya sa mga rising stars ngayon,” sambit ko sa kaniya. Nilapag naman ni Mom ang kaniyang hawak na plato sabay lumapit sa akin. “Anak huwag mo ng alalahanin ang mga tao, isa pa imposible na walang isang tao na makakilala sa iyo kahit matagal ka ng wala sa showbiz,” saad niya sa akin. “Yun nga Mom, baka bigla naman sumabog ulit ang pangalan ko dahil sa ginawa niya, ang ayaw ko lang naman kasama ng pag-alala ng mga tao sa pangalan ko ay kasama din ang issue ko,” saad ko sa kaniya.   “Ang issue na hindi ka naman talaga kasangkot Enzo,” saad ni Ate Emma, “yung dalawang mga kumag ang may kasalanan noon kaya pati pangalan mo nadamay buti nga sa kanila hindi na sila ganon ka kilala dahil sa mga pinaggagawa nila sa iyo noon. Palibhasa kasi ikaw ang sikat at bata sa inyo kaya ganon ka na lang nila tratuhin at pati ang mga bagay na hindi mo naman kayang gawin ay isinisi sa iyo kasi nakitaan ka nila ng kahinaan,” dagdag ni Ate Emma. Napatigil naman ako dahil sa kaniyang sinabi sabay napayuko.   “Kung naging matapang lang baa ko that time kaya ko kayang protektahan yung nabuo kong pangalan?” tanong ko sa kanila. Napatigil naman silang dalawa dahil sa tanong ko sabay nagkatinginan. Napahinga nang malalim si Mom sabay napatingin sa akin. “Alam mo Enzo masyado ka pang bata that time kaya it’s understood na hindi mo pa talaga kayang harapin ang mga bagay,” saad ni Mom sa akin. “Pero tama ba na tumakas ako sa industriya na iyon at hindi man lang nilinaw sa lahat ang katotohanan?” tanong ko muli kay Mom. “Enzo matagal na iyon okay, madami na ang nakalimot sa mga panahon na iyon at ‘yung ginawa mo ay tama lang, alam mo naman na kapag lumaban ka pa sa mga oras na iyon sa huli ikaw lang din ang dehado dahil bata ka pa at sa kanila kakaya-kayanin ka lang nila,” sambit ni Mom sa akin.   “What you did that time was right, besides you become one of the great stars when you were young so that’s nothing to worry,” sambit niya sa akin, “ang mahalaga ngayon yung present at future, what happens from the past will remain from the past kaya just move forward and learn from the mistakes that you made from the past, kasi yun na lang ang best na magagawa mo,” wika ni Mom.   “Bata ka pa Enzo, it’s good na hahanapin mo yung sarili mo para mas makilala mo pa kung sino ka talaga at kung ano pa ang mga capabilities na kaya mong gawin,” dagdag ni Ate Emma sa sinabi ni Mom sa akin.   “Tama ang Ate Emma mo, nanalaytay sa iyo ang dugo ng Salvador at Domingo, for sure you can do it,” nakangiting sabi sa akin ni Mom. Napangiti na lang ako sa kaniyang sinabi dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil sa kaniyang mga sinabi.   “Thanks po,” saad ko sa kanila.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD