“Aalis muna ako, Ma,” sambit ni Sheena kay Ate Emma. Napahinga ako nang malalim sabay napatingin kay Sheena na palabas na ng bahay nila. “Malapit ka na pala bumalik, Enzo,” seryosong sabi ni Ate Emma. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti. “Yeah, pero I’m not sure about it, pa.” “Why, meron bang pumipigil sa iyo ngayon na bumalik?” tanong niya sa akin. Napatigil ako dahil sa sinabi ni Ate Emma at napaiwas ng tingin sa kaniya. “So meron nga?” tanong niya muli. Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil para akong nablangko dahill doon. “Is it about, Sheena?” napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang binaggit. Tinignan lang niya ako na para bang gusto niyang sumang-ayon ako sa kaniyang sinabi. “Alam mo Enzo, bata ka pa, madami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo. Pwede naman na m

