Chapter 02

1109 Words
Enzo’s POV Matapos kumain ay umakyat na ako sa aking kuwarto dala-dala ang aking mga gamit na lagi kong dinadala sa trabaho ko. Madami akong naiisip na pwedeng gawin sa mga panahon na ito lalo na’t wala naman akong masyadong ginagawa. Habang umaakyat ako sa aking kuwarto nag-i-scroll lang ako sa aking social media accounts at nagulat ako ng makita ko ang isang kanta na ginawan ko ng cover sa aking news feed. Napakunot na lang ang aking noo dahil sa aking pagtataka sa aking ga nakikita. Hindi ko alam kung bakit lumabas na naman ito sa social media ko. “Ang tagal ko ng kinanta ito pero lumabas na naman sa social media?” tanong ko sa sarili ko. Napailing-iling na lang ako sabay pasok sa aking kuwarto at higa sa aking kama. Habang nakahiga ay nakatingin lang ako sa kisame ng aking kuwarto at iniisip ang mga pangyayari sa akin noong nag-aartista pa ako. Hindi ako makapaniwala na meronng mga tao na sobra akong mamahalin din ako nung mga panahon na artista pa ako kahit na hindi naman talaga nila ako totally kilala. Kinuha ko na lang ang aking cellphone at pinindot ang isa sa mga video na kumakanta ako. Hindi ko expected na magiging hit ito sa online dahil isa siya sa mga kantang binigyan ng revive ng management. “Lost in a dance~ Waiting for the chance~ All I really needed was to love you~ ~Night after night Searchin' for the light~ You saved me~ You gave me something I could feel~” Napatingin ako sa aking expression ng mukha sa video at nakikita ko ang hindi ko masayang expression doon. “This is the last video that I done before that disaster happened to us,” sambit ko sa aking sarili. Inilapag ko na lang ang aking cellphone habang patuloy na nagpe-play ang video. “Love is all that matters~ Faithful and forever~ Keepin' us together~ Love is all we need~ Prisoner of illusion~” Napapikit na lang ako sabay hinarang ang aking kamay sa aking mga mata. Nang matapos ang video bigla naman nag-play ang kasunod nitong video na patungkol sa interview sa akin. Agad akong napabangon sa aking higaan sabay kinuha ang aking cellphone at pinanood ito. “Makakasama natin ngayon si Enzo Pascual upang ipahayag sa atin ang totoong nangyari sa pinaka problema ng kanilang management,” sambit nito sa akin. Bigla kong naalala ang nangyari ng mga araw na iyon dahil sa video na ito. Kung sinabi ko kaagad sa management ang nalalaman ko ng mga panahon na iyon baka nasa showbiz pa din ako ngayon at hindi na kami nadamay. Pero ayaw ko din naman makialam sa mga nangyayari sa kanila. Maybe that is my mistake, 3 years ago, kung naglakas loob akong sabihin ang lahat baka naging maayos din ang lahat. Malaki din kasayangan iyon dahil iyon din ang oras na nag-renew ako ng contract sa kanila. Madaming projects ang nawala sa akin dahil lang sa kasalanan na sila naman talaga ang gumawa. That time akala ko pati sila Mom at Dad madadamay na, natatakot din ako baka sila Lola at Lolo madamay dahil lang sa pangyayari na iyon. It really traumatized me to go out kasi ayaw ko na meron pang mga tao na makakilala sa akin dahil parang isang malaking kahihiyan ang mapasama sa ganong klaseng mga tao. Everyone thought that every artist has a good heart pero sa mga nakatrabaho ko alam kong wala silang ganon. Ilang taon na din pero hindi ko pa din makalimutan ang lahat ng mga bagay na iyon. Pero matagal na din naman iyon maybe I should do something to move forward and to leave the past behind. Masyado na akong nilamon ng takot at pangamba ko sa araw-araw na gumigising ako na pakiramdam ko meron pa ding tao ang makakakilala at makakaalala ng mga nangyari. Siguro it’s okay to start over again at kalimutan na ang kasikatan ko noon. Mabuti na din siguro ang ganito dahil ang habang panahon na din ang naigugol ko sa pag-aartista, kailangan ko munang lumayo sa exposure sa mga tao na nakakakilala sa akin noo kahit na ngayon ay hindi na ako masyadong kilala. Napapikit na lang ako sabay lumabas ng aking kuwarto at nagbabaka sakali nandoon pa sila Mom at Dad. Paglabas ko ay nakikita ko silang hinahanda na ang kanilang dadalhin papunta sa opisina. “May kailangan ka Enzo?” tanong sa akin ni Mom. Napahinga na lang ako ng malalim sabay napatingin sa kanilang dalawa. “Mom, gusto ko pong mag-aral,” sambit ko sa kaniya. Napatigil naman sila Mom at Dad sa kanilang ginagawa sabay napatingin sa akin. “Gusto mong mag-aral?” tanong ni Dad sa akin. Napayuko ako sabay napatango-tango bilang aking sagot. “Opo, gusto ko pong masubukan na mag-aral na parang isang normal lang na teenager,” sambit ko sa kanila. Nagkatinginan naman si Mom at Dad dahil sa aking sinabi sa kanila. “Are you sure sa haharapin mo Enzo?” tanong sa akin ni Mom, “Paano kung merong makakakilala sa iyo at maalala ang mga nangyari from your past?” dagdag niya. “Pwede naman po siguro natin gawan na paraan iyon diba?” tanong ko sa kanila, “gusto ko lang talaga ma-experience yung ganong bagay kasi ang tagal ko na din hindi nakakalabas nang bahay para lang walang makakita sa akin. Siguro kailangan ko ng gumawa ng paraan para naman maka move forward ako,” sambit ko sa kanila. Bigla naman napatingin si Mom sa kaniyang cellphone bago lumapit sa akin. “Enzo, alam mo naman na umaasa pa din sa iyo ang management na bumalik ka kahit na hindi kana ganon ka sikat hindi ba?” saad niya sa akin, “isa pa meron ka pang limang taon na natitira sa contract mo na kailangan mong gamitin.” Sabay pakita ng document sa kaniyang cellphone “Pero Mom, gusto ko munang maging normal na tao,” sambit ko sa kaniya, “yung hindi kilala ng lahat normal lang,” dagdag ko. Napahinga naman ng malalim si Mom sabay napatingin kay Dad. Napangiti naman si Dad sa kaniya sabay napatango-tango. “Choice naman iyan ni Enzo, bakit hindi natin sundin?” masayang sambit ni Dad kay Mom, “minsan lang magawa ni Enzo ang mga bagay na iyon hindi ba?” Napatingin naman sa akin si Mom sabay ngumiti. “Sige kung gusto mo talagang gawin go for it, kakausapin ko na lang ang management mo na hindi mo muna itutuloy ang contract mo,” sambit ni Mom sa akin. Napangiti naman ako sa kanila sabay lapit sa kanila at yumakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD