Chapter 3

1215 Words
Enzo’s POV Habang nasa sofa ako at nakaupo bigla naman akong nagulat ng may humawak sa likuran ko. “Kuya samahan mo na kasi ako ililibre kita promise,” pangungulit na naman sa akin ni Sofia. Napatingin ako sa kaniya sabay tinignan siya ng masama. “Paano kung meron makakilala sa akin?” tanong ko sa kaniya, “alam mo naman na ginagawa ko ang lahat ng paraan para makalimutan nila ako diba,” sambit ko sa kaniya. “Kuya wala naman ng ganong nakakakilala sa iyo eh,” saad niya sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim sabay napatingin sa kaniya. “Sofia, alam ko na walang masyadong makakakilala sa akin pero ayaw ko naman na merong isang tao na makakilala sa akin pwede niyang sabihin sa lahat ng tao iyon,” saad ko sa kaniya. Bigla naman niyang ibinigay sa akin ang isang paper bag sabay ngumiti. Napatingin naman ako dito na nagtataka kung ano ang nasa loob nito. “Ano ito?” tanong ko sa kaniya. “Buksan mo kaya para makita mo,” sambit niya sa akin. Napahinga naman ako ng malalim sabay tinignan kung ano ang nasa loob ng paper bag. Napakunot naman ang aking noo ng makita ko ang isang jacket isang sombrero at isang shades na nasa loob ng paper bag. “Uso naman disguise diba?” tanong niya sa akin, “kung ayaw mo talagang makilala edi magsuot ka na lang ng ganiyan,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim at napatayo sa aking pagkakaupo. Pinasok ko ang damit sa loob ng paper bag. “Sige na para tigilan mo na ako sa pangungulit mo,” sambit ko sa kaniya. Napangiti naman sa akin si Sofia sabay yakap sa akin dahil sa aking sinabi. “Yie, so far nagiging best Kuya ka na,” sambit niya. “Tantanan mo ako sa kakaganyan mo,” inis kong sabi sabay akyat sa itaas upang makapagpalit ng aking damit. Matapos kong magpalit ng damit agad akong bumaba dala-dala ang aking belt bag. “Grabe Kuya kahit nakaganyan ka hindi ko pa din matago yung itsura mo,” saad ni Sofia sa akin. Lumapit naman siya sa akin sabay hinawakan ang aking mukha. “Kahit nakaganyan ka umaangat pa din yung appeal mo eh,” wika niya. Napapikit na lang ako sabay tanggal ng salamin ko at tumingin sa kaniya. “Kasalanan mo ito,” sambit ko, “pag may nakakilala sa akin grounded ka talaga ng isang buwan,” dagdag ko. Bigla naman nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko. “Huwag ka na lang sumama Kuya,” saad naman niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya sabay ngumiti. “Natatakot ka no?” asar ko sa kaniya, “tara na para makauwi na tayo ng maaga. Basta sila Mom at Dad na lang bahala sa iyo mamaya.” “Kuya naman eh,” saad niya sa akin. Pero wala na siyang nagawa kung hindi ang sundan ako palabas ng aming bahay at sumakay sa sasakyan. “Ako na lang ang mag-da drive tutal naman meron na akong license,” sambit ko sa kaniya. Agad naman siyang nagsuot ng seatbelt at tumingin sa salamin upang ayusin ang kaniyang sarili. “Kuya picture naman tayo,” sambit niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya ng masama dahil sa sinabi niya. “Huwag na,” tanggi ko sa kaniya. Pero sa huli ay hindi din ako nakatanggi sa kaniya. “Nice picture ah,” saad niya sa akin. Tinignan ko naman ang picture sabay napangiti. “Yeah, looks like young version of Mom and Dad,” saad ko sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin dahil sa sinabi ko. “What’s funny?” tanong ko sa kaniya. Napailing-iling naman siya bilang sagot sa aking sinabi. “Wala Kuya tara na umalis na tayo,” sambit niya sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim sabay ini-start ang sasakyan upang makaalis na. Habang nagmamaneho ako, napapatingin lang ako sa labas dahil ngayon lang muli ako nakalabas nang aming bahay at pumunta sa lugar na hindi ko naman laging napupuntahan. “Kuya may tanong ako sa iyo,” saad sa akin ni Sofia. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. “Ano iyon?” tanong ko sa kaniya. “Curious lang ako, bakit hindi ka na lang nag-stay Kuya sa pag-aartista. Tutal naman kaya mo naman sumikat ngayon eh,” saad niya sa akin. Napahinga ako ng malalim sabay napatingin sa kaniya. “Alam mo meron din akong gustong ingatan, hindi lang naman fame ang inaalala ko sa mga oras na iyon,” saad ko sa kaniya, “iniisip ko pa din sila Mom at Dad, ayaw kong ma-affect ang business natin dahil lang sa akin. Isa pa ayos na din iyon para naman makapagpahinga ako sa career ko na iyon,” dagdag ko. “Nakapag-ipon na din naman ako para kahit papaano wala ng problema si Mom at Dad sa akin,” sambit ko sa kaniya. “Siguro sobrang sikat mo ngayon Kuya kung pinagpatuloy mo ang career mo,” saad niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti. “Kahit naman gusto kong mag-stay meron pa din akong kino-consider,” sambit ko sa kaniya. --- Mga ilang minuto ng aming biyahe ay nakarating na kami sa mall. Ni-park ko ang sasakyan sa parking lot at inayos ang aking ayos upang hindi ako makilala ng mga tao sa loob ng mall. “Tara na,” saad ko sa kaniya. Agad kaming lumabas sa sasakyan at pumasok sa loob ng mall. Habang naglalakad kami ni Sofia ay hindi matanggal sa isipan ko ang hindi mag-alala dahil mayroong mga tao na mistulang nagtataka habang tinitignan kaming dalawa ni Sofia. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad nagulat ako ng bigla akong natumba dahil sa may taong bumunggo sa akin. “Kuya,” saad ni Sofia. “Ano ba naman kasi hindi tumitingin sa dinadaanan,” sambit ng babae sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya ng masama dahil sa sinabi niya. “Anak naman mag-sorry ka na lang,” saad ng kaniyang kasama. “Ate Emma?” biglang saad ko sa babaeng kasama niya. “Teka, ikaw ba iyan Enzo?” tanong niya. Napatayo naman ako sa aking pagkakaupo at napatingin sa kaniya. “Ikaw nga Enzo buti nakalabas ka,” sambit niya sa akin, “kasama ko pala ngayon si Sheena,” saad niya. Napatingin naman ako sa kasama niya ng masama dahil sa ginawa niya. “Ikaw pala yan, kala ko naman kung sinong tanga,” sambit niya sa akin. Bigla naman akong napalapit sa kaniya dahil sa sinabi niya sa akin ngunit agad naman akong hinarangan ni Sofia upang hindi ko ituloy ang aking binabalak. “Anak naman, ‘wag na kayong mag-away dito tinitignan na kayo ng mga tao oh mag sorry ka na lang,” sambit ni Ate Emma sa kaniya. Napapagpag na lang ako sa aking damit upang mawala ang dumi na nakuha ko sa sahig. “Sorry,” ngiting sabi niya sa akin sabay talikod sa akin. “Saan ba kayo pupunta dalawa, sumama na lang kayo sa amin,” saad ni Ate Emma sa amin. Napangiti na lang ako sa kaniya at sumunod na sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD