Nagising ako ng maaga dahil sa tunog ng alarm clock ko. Agad kong tinignan ang aking orasan at nakita ko na ala-syete na ng umaga. Medyo masakit pa ang ulo ko pero kaya naman siyang i-handle lalo na’t nakainom na din ako ng gamot. Kinuha ko ang aking tuwalya upang pumunta sa banyo upang maligo. Plano ko ngayong gawin ang mga ginagawa ni Sheena dahil wala din naman akong magawa sa condo na ito at puro din naman negative ang nakikita ko sa internet ngayon so gagawa na lang ako ng paraan para magkaroon ako ng pagkaka-busy-han tutal wala naman akong pasok ngayon. Second day na mag-isa lang at nasa condo na ito, tamang-tama lang siya at masaya ako na mag-isa ako ngayon dahil walang pipigil sa akin sa mga gusto kong gawin especially kapag trip ko lang na humiga sa kama, minsan kasi magpapakabi

