Habang nakahiga ako sa aking sofa ay iniisip ko pa din ang mga nangyari kanina. Masaya ako dahil nagkabati na kami ni Sheena, pero yung nararamdaman ko ngayon ay sobrang kakaiba. Hindi ko alam kung paano ko i-e-explain yung feeling ko pero masaya ako kapag naiisip ko si Sheena. “Kuya, kanina ka pa tinatawag nila Mom,” biglang sabi ni Sofia sa akin. Napatayo ako sa aking inuupuan sabay napahawak sa aking ulo dahil sa biglang pagsakit nito. “Ayan, apaka yabang kasi inom pa,” pangbibwisit ni Sofia sa akin. Tinignan ko lang siya nang masama dahil sa sinabi niya sa akin. Bigla naman dumating si Mom dala-dala ang isang gamot na makakapagpawala ng hang-over. Hindi ko naman alam nag anito pala kalala yung isang baso na iyon, akala ko naman simple lang na alak matapang din pala iyon. “Hindi k

