KABANATA 3

2000 Words
K A B A N A T A 3: INIS na winawalis ko ang mga tuyong dahon sa gilid ng punyetang bahay. Sa lumipas na isang linggo ay hindi ko naman nakita ang anak ko sa walang kwentang bahay na 'to at 'yon gabi na rin na iyon ang huling kita ko kay Grimore. Akala ko ba ay rito sila nakatira? Nauubos na ang pasensya ko, dagdag pa ang ibang katulong na wala atang ibang kayang gawin kung hindi magchismisan. Hindi ko alam na ganito pala tumatakbo ang kanilang buhay. Their favorite pastime is gossiping about other new maids.I felt bad, not because of what they were saying, because I know that was not true. I felt bad because they needed to ruin others' names just to lift their own up. "Ugh! Huwag kasi kayong malikot!" inis na wika ko sa mga dahon na nililipad ulit pagkatapos kong walisin iyon sa isang gilid. Putcha! Kanina pa ako rito at nauubusan na ako ng pasensya sa mga pesteng dahon na 'to. Hindi ko alam na ganito pala ito kahirap, kung alam ko lang na ganito ay sana ay nag-practice pa ako. Sandali akong tumigil sa ginagawa saka umupo sa isang batong upuan doon habang tinitigan ang mga dahon na unti-unti na naman kumakalat ulit. Kung tawagan ko na lang kaya sila Club para sunugin na lang 'tong garden na 'to para wala ng hirap pa, araw-araw nagwawalis eh kung ipaputol na lang kaya 'tong mga puno para hindi mahirapan pa. Gusto ko lang naman makita ang anak ko, tama Deborah! Para 'to sa anak mo kaya mag-chaga ka tutal nandito ka na rin naman ay sagarin mo na. "I'm not paying you to sit around." Nanlaki ang mata kong lumingon sa pinanggalingan ng malalim na boses na iyon. Nagpalinga-linga ako hanggang tumama ang aking tingin sa itaas ng malaking bahay, sa may teresa. Nandoon si Grim na nakatukod ang mga braso sa railings habang nakatingin sa akin gamit ang kanyang bagot na mukha. Kumabog ang puso ko, kaagad ko iyon iwinaksi. Doon ang kwarto niya, kanina pa ba siya riyan? Damn, gano'n ba kalalim ang pag-iisip ko't hindi ko namalayaan na nandoon na siya? Napatayo ako saka kaagad kong ipinasok sa utak ko na ako si Orang. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil kahit medyo malayo ay kita ko ang magulo niyang buhok, sabog at mahaba na rin ang mga iyon. Tsk, hanggang ngayon ay ganyan pa rin siya sa umaga. "Hindi mo pa naman talaga ako binabayaran e, sa akinse pa kaya ang unang swelduhan," mahinang bulong ko. "What did you say?" Kumamot ako sa batok, ang aga-aga naman niyang galit? Kalma, Deb. Kalma. Boss mo siya ngayon. Ngumiti ako, 'yong ngiti ni Orang na prinaktis ko ng ilang linggo sa harap ng salamin. Ngiti na siguradong maiinis siya. "P-Pasensya na po, Sir. Umupo lang po ako sandali kasi sumasakit na binti ko ho." Pagdadahilan ko at kunwaring nautal pa, hindi pa naman gano'n kasakit ang aking mga hita pero sadyang hindi lang siguro ako sanay sa ganitong gawain. Kahit ipadala na ako sa gera huwag lang sa ganito. Blanko ang mukhang tinitigan niya ako kahit pa sa malayong distansya namin ay pakiramdam ko'y kitang-kita niya ang detalye ng mukha ko, mukha ni Orang, nag-iwas ako ng tingin dahil natatakot akong baka makilala niya ako. Hindi niya ba ako nakilala? Tsk. May isang parte sa akin na disappointed ako, may isang parte naman na masaya kasi kung gano'n nga ay magagawa ko nang maayos ang plano. "Make me a coffee instead." Bumalik ang tingin ko sa kaniya. "P-Po?" Umalis siya sa pagkakasandal sa railings saka namulsa sa kanyang robang kulay itim. "Just make me some coffee and then take it to my office. Sabihin mo kay Manang na iba ang pagawin diyan, kanina pa kita pinapanuod baka abutin ka ng buong araw masira mo lang lahat ng walis sa sobrang bigat ng kamay mo," masungit na sabi niya saka tuluyan pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Sandali akong napatitig doon habang pino-proseso ang sinabi niya. Unti-unting lumitaw ang aking ngiti dahil sa wakas ay hindi na ako magwawalis. May pakinabang din pala pagiging iritado sa mundo ni Grimore. Kaagad kong binitawan ang walis saka malalaki ang hakbang na pumasok sa malaking bahay. May mga nakasalubong pa akong katulog na masama na naman ang tingin sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanila, ni hindi ko nga sila pinapakielamanan. Nahanap ko si Manang sa kusina, naabutan ko siyang nagluluto na ng tanghalian kasama ang dalawa pang katulong. Salubong ang kilay na nilingon niya ako. "Oh, tapos ka na sa winawalisan mo sa labas, Orang? Halos dalawang oras ka na roon ha?" bungad niya sa akin, istrikto ang kanyang boses. Napanguso ako, dalawang oras na ba 'yon? "H-Hindi pa po e, ang lakas po kasi ng hangin, Manang. Pero sabi po ni Grim—este Sir ay dalhan ko po siya ng kape sa office niya." Tumigil siya sa paghahalo saka tumingin sa akin, hindi ko alam kung pagtataka ba iyon o takot ang emosyon na bumalatay sa kanyang mukha. "Nakausap mo si Sir?" takang tanong niya. Mabilis akong tumango, bakas ang pagtataka sa kanyang mata at parang hindi pa naniniwala sa sinabi ko. Sa gilid ng aking mata ay pansin ko ang pagtingin sa aming gawi ng ibang katulong na nandoon. "Opo, nasa teresa po siya kanina, tinawag lang ako." Sandali akong tinitigan ng matanda, saka tinuro ang istante. "Oh sya, kung gano'n ay nandoon ang tasa ni Sir, iyon lang ang ginagamit niya palagi kapag narito, kulay itim 'yon. Mag-ingat ka dahil baka mabasag mo na naman. Naka-ilang basag ka na ng baso, wala ka ng suswelduhin niyan," paalala niya sa maowtoridad na boses, naghagikgikan ang ibang katulong. Tsk. Mabilis kong kinuha ang itim na tasang sinasabi ni Manang, napakunot ang noo ko nang makitang may isa pang tasang puti roon na kamukha ng kay Grim. "Manang, kanino po 'tong puti? Sa g-girlfriend niya po?" Hindi ko alam kung arte pa rin ba ang pag-utal ko o totoong nautal na ako. Nagkibit-balikat si Manang at hindi nagduda sa tanong kong iyon. "Hindi ko alam, nang dumating si Sir galing ibang bansa ay dala na niya iyan, huwag daw gagalawin 'yong isa kasi meron may ari niyan, baka 'yong girlfriend niya?" Napatango ako sa sinabi niya. Basagin ko kaya 'to sa mukha niya, girlfriend pala huh? Tahimik akong nagtimpla ng kape, saka inilagay iyon sa isang plalito at umakyat sa itaas. Nakasalubong ko 'yong dalagita na nailigtas sa bahay ni Governor, may hawak siyang dust brush. Mukhang siya ang nautusan sa rito sa hallway sa itaas na maglinis. Nang makita ako ay kumunot ang kaniyang noo bago bumaba ang tingin sa hawak kong tasa. "Saan mo 'yan dadalhin?" Seryoso ko siyang tiningnan, pansin ko lang na sa lumipas na araw ay parang iba siya sa batang umiiyak noon. "Kay Sir." Nanlaki ang kaniyang mata. "Ako na ang magdadala niyan." Aagawin na sana niya ang tasa sa akin nang hulihin ko ang kaniyang kamay, kita ko ang gulat sa ginawa ko. Nginitian ko siya. "Kung anong inutos sa'yo, iyon ang gawin mo hindi ba iyon ang sabi ni Manang?" malumanay na paalala ko. Nilagpasan ko na siya bago pa siya makapagdahilan. Ano bang problema ng batang 'yon? Nang makatapat sa office na may malaking gate ay tatlong beses akong kumatok bago buksan iyon. Mabilis kong pinag-aralan ang kwarto. Malawak ang kwarto, maraming mga libro sa nakahilerang mga estante at may mini sala sa gilid. Naaubutan kong nakaupo si Grim sa harap ng kaniyang kahoy na malaking lamesa. Hindi siya nagtaas ng tingin sa akin sa akin ngunit alam kong narinig niya ako. Dahan-dahan kong sinara ang pintuan, saka ako naglakad papalapit sa kaniya at inilapag ang kape sa gilid kasabay ng mabilis na paglibot ko ng tingin sa mga papeles sa kanyang lamesa, shipment . . . iyon ang nakita ko sa isang papel na binabasa niya. "I-Ito na po ang kape niyo, Sir ." Kitang-kita ko kung paano nagsalubong ang kaniyang kilay. "I didn't hear your footsteps." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Fuck. Nasanay na ako sa gano'n lakad, siguro ay nakita niya ako mula sa gilid ng kanyang mata ngunit hindi niya narinig ang yabag ko. "A-Ah hehe, 'yong Lola ko po kasi noon e madalas tulog kaya nasanay po akong maglakad nang mahina," pagdadahilan ko, sinigurado kong iba ang aking boses. Hindi siya nagsalita, hinalo ko ang kape sa huling pagkakataon. Nang iusog ko iyon papalapit sa kaniya ay salubong ang kaniyang kilay na nakatingin sa tasa. Ayaw na ba niya ng kape? Baka with cream na ang gusto niya? Dapat pala ay nagtanong ako kay Manang, baka iba na ang gusto niyang timpla ng kape, dapat ay mag-ingat ako. "Why are you doing that?" "That? A-Ano po, Sir?" Nag-angat siya ng tingin, nagtama ang aming mata, abuhin iyon. I couldn't see any emotions, nor could I read them. He's just staring at me like, I'm just nothing. "The way you mixed the coffee, you tapped the cup three times using the spoon. I know someone that—" Hindi niya natuloy ang sasabihin, gumalaw ang kaniyang panga at sa huli'y bumuntonghininga na lang. Napatuwid ako ng tayo, unti-unti kong naisip ang ginawa ko. Shit! Hindi ko naman sadya na gano'n, nasanay lang ako na pagkatapos haluin ang kape ay itataktak ang kutsara roon para maibalik ang mga naiwan patak na nasa kutsara. He noticed that? He remembered. Tumikhim ako saka pekeng tumawa. "Hehe, ano po kasi may pamahiin po 'yon nabasa ko lang. A-Ano raw po, dapat tapikin para hindi sumakit 'yong tiyan ng iinom, gano'n daw po iyon, Sir." Gawa-gawa ko lang iyon. Sana maniwala! Saka edi mas maganda kung sumakit ang tiyan niya. "Ah, sino pong someone?" tanong ko. "Did I give you permission to ask?" Kunwaring kumamot ako sa batok. "Nako, Sir pasensya na po hindi ako masyado marunong mag-english ho." Kinuha niya ang kape, mariin akong napapikit nang maalala na baka makilala niya ang timpla ko. Dapat pala ay asin na lang ang nilagay ko. Bakit ba hindi ko kaagad iyon naisip? Dahil doon ay mabilis na inagaw ko ang tasa sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang tumapon ang mainit na kape sa kaniyang pantalon. "f**k!" mura niya sabay tayo. Napangiwi ako nang maisip kung gaano kasakit iyon, pero ayos lang. Kulang pa iyan kung pwede nga ay ilublob ko siya sa kumukulong tubig ay ginawa ko na. Nagkunwari akong nag-aalala pero sa loob-loob ko ay napapasayaw na ako sa tuwa. "H-Hala, Sir sorry po! Sorry po asin po kasi ata nalagay ko riyan! S-Sorry po." Kumuha ako ng tissue sa kaniyang lamesa at pinunasan ang kaniyang pantalon. Natigilan ako ng hawiin niya ang aking kamay. "What the hell are you doing, woman?!" Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang inis sa kaniyang mukha. Gumagalaw ang kaniyang panga, inagaw niya ang tissue na hawak ko. Bahagya akong lumayo sa kaniya dahil sa kabog ng dibdib ko, siguro ay dahil sa galit. Hindi ko alam. "S-Sir, tinutulungan lang—" "Labas!" Natulala ako sa galit na mukha niya habang pinupunasan ang hita sa ibabaw ng kanyang slacks. Hindi ko naman sinadya ah, ayaw niya kasing ibigay. "I said, get the f**k out!" Tumalikod na ako at inirapan siya, pero nagkunwari akong naiiyak. Pasalamat siya't nagpapanggap ako. Kung ako si Deborah at sinisigaw-sigawan niya ako nang ganyan ay kanina ko pa siya sinapak. Bago pa ako makalabas ay may tumama sa ulo ko na maliit na bagay, matalim ang matang nilingon ko siya pero hindi na siya nakalingon sa akin. Nasa talikod siya habang pinupunasan pa rin ang basang pantalon. "That's leg ointment," blanko ang kaniyang boses. Hindi ko kaagad naintindihan ang sinasabi niya, unti-unting bumaba ang tingin ko sa bagay na ibinato niya, muscles ointment. Para sa akin 'to? Hmm. Mabilis ko iyon kinuha saka lumabas, bago pa ako tuluyan lumabas ay nakita ko pa siyang umiiling. ________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD