K A B A N A T A 2:
TAAS-NOO akong pumasok sa meeting area namin sa head quarters, naabutan kong nandoon na silang lahat.
Heart with her office uniform, that you wouldn't imagine that this girl can kill ten people in one minute. Ang maamo niyang mukha at ngiti ang siyang literal na papatay sa'yo.
Club, he's good at hand to hand combat, he's a former military. Busy naman si Spade sa kaniyang laptop habang si Diamond ay may kausap sa telepeno at nang makita ako ay kaagad siyang nagpaalam sa kausap sa kabilang linya.
"Oo naman, bibi. Hehe, magkita na lang tayo sa tapat ng Seven Eleven mamaya ha, sige. Labyu!" Bahagya pang tinatakpan ang bibig pero rinig pa rin sa lakas ng bunganga niya.
Napangiwi ako dahil doon, another target huh?
Magkakatapat silang apat habang ako ay nasa pinaka dulo ng lamesa, tinanggal ko muna ang suot na leather jacket bago umupo sa lagi kong upuan.
"Speak up."
Tumikhim muna si Club. "The shipment are now moving, the first cargo box is processing to Canada. Mga ilang araw pa bago makarating dito ang mga package," balita ni Club.
Tumango ako sa kaniya, ayos lang basta dumating ngayon linggo.
"Make sure to shut their mouths with money, mahirap na kapag nabulilyaso tayo, ayokong mangyari 'yong nangyari noong nakaraan buwan," tukoy ko sa mga dadaungan piyer ng barko.
Kapag mas maraming barang pera, mas tahimik ang transaksyon. Sa trabahong mayroon kami, ang may pera ang mas ginagalang.
"Sure, Boss," ani Club.
Nilingon ko si Diamond nang nagtaas pa siya ng kamay animong nasa klase kami. "May um-order ng baril sa mga bata natin, Madam. Mr. Tan daw ang pangalan. Yakuza sa China, nasa Pilipinas ngayon."
Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang balita. Yakuza huh?
"Huwag mo munang deliver-an. Check his background like the usual process, alamin mo kung saan gagamitin. Ask our contact in China about that Mr. Tan."
"Oki-doki." Nag-thumbs up pa siya.
"Anong nangyari sa mga files ni Governor? May nakita ka bang kakaiba?" baling ko kay Spade, sumipsip muna siya sa chuckie na hawak niya bago magsalita.
"Hmm, I found something suspicious, Signora. Some of the missing funds were sent to one name when I checked. It's his ex-wife. She's dead years ago, so it means he's using her name. And also, I discovered one folder with some s****l content, mostly with his employees. Minors."
Umigting ang aking bagang dahil sa sinabi ni Spade. f**k! Huwag ka sa akin papakita ulit, Governor dahil sinisigurado kong putol 'yang daga mo sa akin.
"Report it now, gusto ko ngayon linggo rin."
Narinig kong bumulong pa si Diamond. "Papasa muna bago mo I-report."
"Diamond!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Hehe, joke lang Madam. Ito naman oh hindi mabiro, hehe." Ngumiti pa siya na halos kita na ngala-ngala, bahagya yumukod sa lamesa upang bumulong ulit kay Spade. "Send mo sa email ko. jumbofootlong69@g*******m. Lahat small letters."
Napailing ako sa kaniya, okay naman silang lahat, siya lang medyo nalilihis.
Imbes intindihin pa siya ay bumaling na ako kay Heart.
"Heart, naasikaso mo na ba 'yong inutos ko sa'yo?"
Kinuha niya ang isang folder at inabot sa akin, kaagad ko iyon binuksan.
"Yes, Ma'am. Nakagawa na ako ng peke mong identity. Nandiyan sa folder lahat ng papeles na kailangan mo, tapos 'yong bago mong mga gamit nandoon sa maleta." Tinuro niya ang isang itim maleta sa gilid. "Here's your new phone with clear line." Inilapag niya ang isang mumurahing phone sa ibabaw ng lamesa, ni wala iyong camera.
Tumango ako saka binasa ang unang pahina sa folder.
Name: Orang
Age: 28 years old
Address: Province of Pampanga
Status: Single
"Orang?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.
Humagikgik si Heart animong may kumikiliti, ang babaeng 'to talaga. "Yes Ma'am, from Deborah to Orang. Oh hindi ba? Tapos nandyan din ang educational background mo, hindi ka po tapos ng high school kaya dapat ay iwasan mo mag-english doon."
Napataas ang aking kilay sa sinabi niya.
"May mga hindi tapos ng high school pero magaling sa English, mayroon mga may degree holder na hindi rin marunong. Wala 'yon sa natapos."
Napakamot siya sa pisngi animong ayaw ng makipagtalo pa sa akin. "Oo nga Ma'am pero alam mo na, para lang makapag-sure ka. Mas bagay ho kasi sa bagong katauhan mo iyon."
"Fine. I got it."
"Tapos namatay ang parents mo. May dalawa kang kapatid na pinag-aaral, ikaw ang panganay. 'Yon lang naman, okay na sa agency iyan at pasok na ang data mo kaya wala na pong problema. Tapos ito ang pinaka importante . . ." May inilapag siya sa lamesa.
Napatango ako sa sinabi niya, saka napatitig sa mga nasa lamesa.
Wig, eye glasses, contact lenses, make-ups.
Sumandal ako at ngumisi.
Be ready, Grimore. You'll meet Orang. I'll make sure you'll regret everything.
༻✿༺
MAKAPAL na kilay at salamin, buhaghag na buhok at mahabang damit. Bahagyang lumapad din ang aking ilong dahil sa prosthetic na suot at nagkaroon ng nunal na malaki sa pisngi, ilang tagyawat sa noo.
Perfect!
Kahit ako ay hindi ko makilala ang aking sarili nang matapos magbihis, ilang linggo akong nag-practice para rito. Mula sa pagsasalita, sa paglakad at paggalaw. Kung paano ko isusuot lahat nang mabilis at malinis.
I need to act like Orang, the probinsyana. Not Deborah.
I don't know if Grim will notice, halos limang taon na rin ang nakalipas nang huli kaming magkita pero hindi pa rin ako dapat maging kampante. Except that we lived in the same roof for two years, he's the boss of their organization. I don't want to underestimate him, like what he did to me.
Yakap ko ang malaking bayong at hila-hila ang isang maleta habang papasok sa malaking bahay niya.
Habang papalapit nang papalapit sa pinto ay mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko.
Nandiyan ba sa loob na 'yan ang anak ko? Nandyan ba si Arki? How is he? He's nearly eight now. Saan kaya siya nag-aral? Maybe Grim is ruthless when it comes to business and his group but he loves his son. I know that.
Kaya alam kong ibibigay niya ang sobra para sa anak.
Parang may kumurot sa puso ko nang maisip ang lahat ng una ng anak namin.
Unang sakay ng bike, unang punta sa park, unang kain sa restaurant, unang linis ng katawan, unang bihis mag-isa na walang tulong.
"Hoy!"
Napalingon ako nang hawakan ang braso ko ng isang malaking lalaki at bahagya akong inalog.
"Unang araw mo pa lang tulala ka na riyan, nako! Kung gusto mo ng trabaho ay umayos ka, malilintakan tayo kay Boss niyan e."
Pahilim kong umigting ang panga, gustong-gusto ko siyang sapakin pero pinigilan ko.
Relax, Deb. Calm down.
"S-Sorry po, ang laki pala ng b-bahay. Nabigla lang ako," wika ko gamit ang ibang boses, mas mahinhin at pino.
"Hala, sige pila muna kayo rito kasi i-orient muna kayo ni Manang." Tumango kami saka hinihintay ang sinabi niya.
Maybe the mayordoma of this mansion.
Ang laki naman nito, malaki ang bahay namin noon pero higit na mas malaki 'to. Hindi ko maiwasan mapatingin sa engrandeng hagdanan.
Kapag ang anak ko nahulog diyan Grimore, ibabaon kita ng buo sa lupa kung saan ka nakatayo.
Napatingin ako sa ibang kasama ko, halos sampo kaming bago. Isa na roon 'yong dalagitang nailigtas kay Governor pero syempre ay hindi ko siya kinakausap, hindi ako nagpakilala.
I asked Heart to process her resume too, mabuti na lang at nalusot.
Nang magtama ang mata namin ay inirapan niya ako. Oh, okay?
"Mabuti naman at nandito na kayo." Lahat kami ay napatingin sa nagsalita, isang matandang babae. Hindi ako pamilyar sa kaniya, hindi ko pa siya nakita noon. "Ako si Manang Rita. Manang na lang, ako ang mayordoma sa bahay na ito. Kapag may tanong, kapag may hindi alam sa akin sasabihin. May uniform tayo, may palda at may slacks at kayo na ang bahala kung kailan niyo gagamitin. Pwedeng salitan. Lahat ng mangyayare sa loob ng bahay na ito ay mananatili lang dito, may pinirmahan kayo siguro naman nabasa niyo na 'yon?" Sabay-sabay silang tumango, napanguso ako kasi para naman pagsusundalo 'tong pinasukan ko.
Ang higpit naman.
"Kapag may tanong kayo tungkol sa sweldo o ano pa, sa akin sabihin at ako ang magsasabi kay Sir. Lahat ng mababasag niyo at masisira niyo ay ibabawas sa sweldo. May day off kayo, tuwing Sunday." Pinasadahan niya kami ng tingin.
Hinagod niya ako ng tingin kaya tumuwid ako ng tayo.
"Manang, pwede po malaman pangalan ng magiging amo namin? Kasal po ba? Matanda na?" tanong ng isa sa amin.
Naging alerto ako roon. "Sir. Iyon lang ang itatawag niyo. Wala siyang asawa pero may girlfriend siya. Huling paalala, halos lahat kwarto ay pwede niyong linisan, depende sa schedule dahil salitan. Walang papasok sa kwarto ni Sir, 'yong may malaking pinto sa second floor at sa office katabi no'n. Maaari lang kayo pumasok doon kapag sinabi ni Sir. Naiintindihan ba?"
"Opo!" mabilis nilang sagot.
Ako naman ay nag-iisip na kung paano ko matatago ang totoong itsura ko. Nagtaas ako ng kamay. "A-Ah, may kaniya-kaniyang kwarto po?"
Tinaasan ako ng kilay ng matanda.
"Isang kwarto lang lahat ng maid, malaki iyon. Tag-iisa ng kama, may double deck may hindi."
Fuck.
Paano ako niyan matutulog?
"May problema ba roon?"
Kunwari akong kumamot sa kulot na buhok. "Wala naman po, Manang. Malakas lang po kasi akong humilik kaya inaalala ko lang po ang iba," pagdadahilan ko.
Natapos ang orientation namin sa hapon na 'yon. Inilibot din kami sa buong bahay, pakiramdam ko ba'y maliligaw ako rito.
Nang sumapit ang gabi ay maaga kaming pinatulog dahil maaga rin daw dapat kaming magising. Solo ko lang ang kama at nasa pinaka dulo. Gusto ko sanang tanggalin ang wig ko pero siguradong may makakakita.
Hindi ako makatulog!
Hindi ko nakita ang anak ko, wala rin si Grim. Baka naman umalis na ulit sila ng bansa?
Hindi ko alam kung ilan oras pa akong tulala bago bumangon. Lahat sila ay tulog na, dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Alam kong may mga camera sa paligid kaya normal lang kilos ko, normal na Orang.
Dumiretsyo ako sa kusina para uminom ng tubig, gusto ko sana ng alak para makatulog katulad ng ginagawa ko sa lumipas na taon pero siguradong good bye work na ako kapag ginawa ko iyon.
Napabuntonghininga ako saka uminom ng tubig.
Halos maibuga ko iyon nang may matalim na bagay na tumutok sa aking leeg. A knife!
"Who sent you?" Napalunok ako nang marinig ulit ang boses na iyon pagkaraan ng limang taon.
Tumayo ang balahibo ko simula paa hanggang batok. Darn it! Why I didn't hear his footsteps?
Matagal ko ng sinabi sa sarili ko na makikita ko siya rito pero iba pala kapag totoo na. Hindi ko alam pero nangilid ang luha ko, pinagsamang galit at lungkot.
Mas bumaon ang kaniyang kutsilyo, pakiramdam ko ay gumawa na iyon ng hiwa.
Mariin akong pumikit. Focus, Deb. You're Orang! Huwag ka magpaapekto.
Nang-idilat ko ang aking mata ay ibinagsak ko ang baso kong hawak saka humarap sa kaniya.
Blanko ang kaniyang mukha, mas naging seryoso nang magtama ang mata namin. Mas naging nakakatakot ang kaniyang itsura, kaysa noon. O sadyang sanay lang ako noon na hindi ko nakikita ang ganyan blankong mukha dahil lagi siyang may nakahandang ngiti sa akin.
"Talk or I'll cut your tongue."
"B-Bago po akong katulong. Sir!"
Kumunot ang kaniyang noo, unti-unti niyang ibinaba ang hawak na kutsilyo. You should stab me, Grim. You have a chance.
"Maid." His voice was deep.
Nakita kong bumaba ang tingin niya sa aking leeg, pakiramdam ko ay tumutulo na ang dugo roon pero balewala sa akin.
Dahil sa pagtingin niya roon ay nagkunwari akong sobrang nasaktan doon. Sinapo ko ang aking leeg at kunwaring dumaing.
"Who are you?"
"O-Orang po. Orang."
Sandali niya akong tinitigan, bago tumalikod. "Don't let me see you again walking around in the middle of the night. Kapag nakita kita sa susunod, iyon na ang huling gabi mo," sabi niya saka umalis sa kusina.
________________________