KABANATA 1

1500 Words
K A B A N A T A 1: Walang ingay na inakyat ko ang beranda ng isang malaking spanish style na bahay. Nang tuluyan akong makatapak sa malamig na tiles ay maingat na sinipat ko naman ang buong paligid upang siguraduhin na walang nakakita sa aking ginawa. Nang masiguradong walang tao sa kwartong pinasok ko ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan, magagaan ang aking bawat hakbang. Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang tahimik na pasilyo ng bahay, katulad ng aming inaasahan. Tanging aking paghinga na lang din ang aking naririnig. Bakit nga ba hindi tatahimik kung lahat sila ay abala at nag-e-enjoy sa magarbong handaan sa labas? I smirked because of that thought. I'm here to f*ck the sh*t up! Enjoy now, misery later. Tumambad sa akin ang napaka raming pintuan. G*go, ano bang gagawin nila sa napaka daming kwartong 'to? May upahan ba rito? Baka may libreng pabahay pa rito. Natawa ako sa aking naisip, ito ata ang epekto ng palaging pagpupuyat. Mabilis ang aking lakad hanggang makarinig ako ng boses sa earpiece na nakakabit sa aking tainga. "The first room to your three fifteen, Signora," tukoy ni Spade sa lokasyon ng kwarto na dapat kong puntahan. Spades is one of the top member of our organization, his responsibility is to be my tracker and hacker. His task is to be my eye, outside. Sinunod ko ang kaniyang sinabi, mabilis akong nakarating sa kwartong tinutukoy niya. Inikot ko ang doorknob pero naka-lock iyon. Kinuha ko ang maliit na clip na nasa aking buhok saka bahagyang lumuhod upang maayos na mabuksan ang pintuan. This will be easy. I moved the clip back and forth over the key hole. Mas inilapit ko pa ang aking tainga para marinig kung mabubuksan na. "Gotcha," I mumbled when I finally opened the door. Kaagad kong inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. "There's a camera in my twelve o'clock, make sure you'll clean it." "Got it, Signora." Narinig ko ang mabilis na pagtitipa sa keyboard niya sa kabilang linya, habang ginagawa niya iyon ay lumapit naman ako sa malaking salamin na lamesa upang kunin ang aking pakay. The Governor's computer files. Kinuha ko ang maliit na flash drive na nakaipit sa aking bra at isinaksak iyon sa kaniyang laptop. I just need to copy all the files then boom! Good bye position, Governor. Masiyadong maraming baho ang lalaking iyon, masiyadong makalat ang kanyang pagkatao kaya dapat ng linisin. Are we good or bad? Depends on the task and people. Hindi ko masasabing mabuti ang aming grupo dahil alam kong malayo kami sa salitang iyon, pero isa lang ang alam ko, gagawin ko ang tingin kong makakabuti sa nakakarami. "Seventy-five percent," imporma ko kay Spade habang tinitingnan na umandar ang kulay green na linya habang nagda-download. "Already cleared the security cameras," anunsyo ni Spade. Natigilan ako nang makarinig ng yabag galing sa labas, malayo pa iyon pero siguradong papunta ku ng nasaan ako. Ninety-two percent. Darn it! Nang makita kong successful copy na ang nasa screen ay mabilis kong tinanggal ang flash drive at pinatay ang laptop. Maingat na tumakbo ako sa pinaka malapit na shelves ng mga libro sakto naman na bumukas ang pintuan. Pumasok si Governor, mas sumiksik ako sa aking pinagtataguan na shelves bago sumilip. Naningkit ang aking mata nang makitang may kahalikan siyang isang katulong na medyo bata pa base sa kanyang pangangatawan at tangkad. "H-Huwag po, Gov!" "Sandali lang 'to, Ineng." Naikuyom ko ang aking kamao. Old man, you're so dead. "Need help, Signora?" wika ni Spade. I double tap the earpiece to signal him that I can't talk. I'm sure they will see me in just one wrong move. I don't mind but we have a plans. Bago pa niya mahubaran ang batang katulong ay may malakas na tunog ng pagsabog sa labas, nagmamadaling itinaas ni Governor ang kaniyang pantalon. Kaagad akong napangiwi nang makitang halos mamalipit siya sa sakit dahil maipit ata ang kaniyang maliit na daga sa zipper. "Punyeta! Ano ba 'yon?!" galit na sigaw niya saka nagmamadaling lumabas ng kwarto, naiwan na umiiyak ang dalagita sa kwarto. She should not see me, no one should know that I came here. Blanko ang mukhang lumabas ako sa aking pinagtataguan. Nagulat ang dalagita sa aking presensiya, sinenyasan ko siya na huwag gumawa ng ingay. Tumango siya habang may luha sa mata, takot na takot pa. "Get up," I ordered her. Mabilis siyang sumunod, pinasadahan ko siya ng tingin. Bukas ang dalawang butones sa kaniyang damit, mahigpit niyang yakap ang sarili. "S-Sino po kayo?" "Go home, kid. Don't come back here," blankong wika ko. "K-Kailangan ko po ng trabaho." "Signora, you need to get out of that house." Narinig kong paalala ni Spade sa kabilang linya. Napabuntonghininga ako. I put my index finger to her chin. "Chin up, women don't cry. You'll have a job." "P-Pero—" Ngumisi ako. "Trust me." ༻✿༺ "What was that explosion?" tanong ko kaagad sa kanila pagkapasok ko sa van na nakaparada ilang kanto lang sa bahay ng Gobernador. Inabot ko sa kaniya ang flash drive. "One of Diamond's new baby," sabi ni Spade. Napataas ang aking isang kilay roon at bumaling kay Diamond na nasa driver seat ngayon. He's good with bombs and guns. Inalis ko ang aking suot na full black mask para makahinga nang maayos, kaagad lumugay ang aking deretsyong itim na buhok. Naabutan ko na nagsisigarilyo sa driver seat si Diamond kaya kaagad kong inagaw iyon at tinapon sa labas ng kotse. "Not here in the car. Alam mong ayaw ko ng amoy niyan. Let's go. I wan't some rest," utos ko sa kaniya. Napakamot siya sa batok. "Madam naman, pampawala lang ng antok," aniya saka binuhay ang sasakyan, ngingisi-ngisi pa siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Loko 'to ah. "Gusto mo tanggalin ko talaga lahat ng antok sa katawan mo? Gusto mo patulugin kita habang buhay?" kalmadong tanong ko sa kaniya saka nagbente-kwatrong upo. Kabadong tumawa si Diamond. "Hehe, Madam naman hindi ka mabiro. Ito na nga uuwi na tayo." Pumito-pito siya habang nagda-drive. Silang dalawa lang ang kasama ko ngayon, dalawa lang din naman ang kailangan ko. Mas gusto ko sana na mag-isa lang pero biglaan kasi ang lakad kaya kinailangan ko sila. Good thing, they're just around the area. Sila lang naman ang maaasahan ko, I need them but I don't trust them that much. Hindi ko alam, siguro ngayon nasa akin sila at organisasyon pero kahit anong oras ay pwede rin silang tumalikod kaya hanggat maaari ay ayokong mapalapit sa kanila, trabaho kung trabaho. I don't trust that easily because the one person I thought would never turned to me, betrayed and left me. Naikuyom ko ang aking palad dahil doon, pumikit ako saka sumandal. Kaagad din akong napadilat nang maramdam ang patingin-tingin ni Spade sa akin. Nagtama ang mata namin sa rear-view mirror. Blanko ang aking mukha na nagtanong. "What is it?" Tumikhim siya. "There's a Grimore Monterde that entered the country, Signora." Pakiramdam ko ay nabuhay ang dugo na dumadaloy sa katawan ko nang banggitin niya ang pangalan ng lalaking iyon na halos limang taon ko ng hindi nakikita. Napatuwid ako ng upo, hinihintay ang sunod niyang balita. "M-May kasama siyang bata?" tanong ko, ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib. Bumuntonghininga siya saka dahan-dahan umiling. "I hacked the system but they used private airplane. I checked the airport security cameras and I didn't see your" Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin. Umigting ang aking bagang doon. Better hide, Grim. Five years. I didn't see my son for five f*****g years. Nakita kong nilingon din ako ni Diamond siguro ay nagtataka kung anong pinag-uusapan namin ni Spade. "I want their location, I need their address." Mariin akong pumikit. Paano ako makakalapit sa anak ko nang hindi niya nalalaman? Hindi tanga si Grim, alam kong malalaman at malalaman niya kung papasukin namin ang system nila. Oras na maalarma sila ay mas mahihirapan kami. "Don't enter their system." "Huh?" takang tanong ni Spade. "Hehe, ano pong topic natin? Na-out of place na ako ah," sabat ni Diamond, sinamaan ko siya ng tingin. Kung wala 'tong pakinabang kanina pa 'to sinipa palabas. Ngumisi siya saka kunwaring ziniper ang bibig. "Malalaman nila kapag ginawa natin 'yon, mas mahihirapan na tayo kapag nangyare 'yon. Kailangan kong makapasok doon ng hindi sila na-aalerto, I want to attact in silent." Tumango si Spade, tumingin ako sa labas ng van. Paano ko mapapasok ang kuta nila ng hindi nila nalalaman? Kailangan kong makita at makuha ang anak ko pero dahil nasa puder siya ng ama niya ay magiging mahirap 'yon. Kung sa kuta ni Gobernor ay madali kong napasok aynatigilan ako nang may ideyang pumasok sa aking isip. Tama! "Spade, contact Heart, I need her connection to agency." Heart is one of the members of organization, she's working in government now. Well, just a spy. "What agency?" Tumaas ang sulok ng aking labi. "Maid Agency. I'll be my husband's maid." _____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD