S Y N O P S I S
"We all have battles in life; it would behoove you to defend yourself."
Deborah abandoned everything for one reason, and she didn't expect to return to her former self for the same reason, him. Everything was changed by a single erroneous decision.
Sometimes things don't go as planned. Lies don't last long. A mistake can never be fixed by making another mistake. Fate had already set the game; players are all in place.
She will return after many years, ready for the last battle.
* * *
S I M U L A
Isang palaso ang tumama sa aking balikat dahilan upang mapaluhod ako sa damuhan. Sa mas pagbaon ng matalim na dulo nito ay pakiramdam ko ay unti-unti naman namanhid ang aking katawan, namamanhid sa pinaghalong galit at takot na kumakalat sa aking buong kalamnan.
Mapait akong napangiti.
In just a blink of an eye, the memories of how I got into this situation comes back.
Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan ng kwarto kung saan kami nagpapahinga. I looked around to our room but couldn't see him. I became attentive, I took up my phone, and placed it in my pocket. Mabilis akong umalis sa aming kama at sinuot ang aking roba bago pa yumakap sa aking katawan ang lamig ng kwarto.
Nasaan kaya siya? Anong oras na pa lang ba?
Maingat akong lumabas ako sa aming kwarto, kumunot ang aking noo nang makarinig ng ingay galing sa silid sa dulo ng hallway kung nasaan ang aking anak.
I immediately walked and checked my son's room.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang karga-karga ng aking asawa ang dalawang taon namin anak, ngingiti sana ako at babatiin siya pero kaagad din akong natauhan sa reyalisasyon.
Why would he wake up and carry our son in this late time?
"May nangyari ba sa kanya?" tanong ko sa malumanay na boses habang nakatingin sa kaniyang mukha.
That was the only reason I thought. Wala naman akong makitang ibang dahilan pa.
Lalapitan ko na sana sila upang kunin sa kanya ang anak namin at tingnan ang lagay pero bigla rin akong napatigil nang umatras ang aking asawa.
Nagsalubong ang aking kilay dahil sa kanyang ginawa, naguguluhan kong tiningnan ang blanko niyang mukha.
"Grim. . ." I called him.
"Don't come near us!" he said in firm voice, his brows knitted.
Mahigpit niyang niyakap ang aming anak animong pinoprotektahan laban sa akin, na sarili niyang ina. Parang nagising lahat ng tulog kong diwa nang makita ang kakaibang emosyon sa kaniyang mata habang nakatingin sa akin.
Hate. Disgust. Pain.
"W-What are you doing, Grim?" nag-aalalang tanong ko, pilit hinahanap ang emosyon sa kaniyang mata na lagi kong nakikita noon kapag nagtatama ang aming mata.
Wala na akong makitang pagmamahal doon, kung hindi galit na lang, puot na hindi ko alam kung saan nagmula.
"You're a liar, Deborah!" Tinakpan niya ang tainga ng aming anak animong ayaw iparinig ang masasakit na sasabihin niya.
Mas lalo akong nahabag nang makita ang antok na mata ng anak namin habang nakapahinga sa kaniyang balikat. I don't understand, or I don't want to know, why he's acting this way.
Humakbang ako nang isa, umatras si Grim ng isa papalayo sa akin. Inalagaan niya ang natitirang distansya namin.
"You know everything!" Gumalaw ang kaniyang panga, puno ng pag-aakusa ang kaniyang boses.
"A-Anong sinasabi mo? Hindi ko maintindihan, ano bang nangyayari, love hmm?" I tried to calm him.
Mas nakita ko ang pandidiri niya na para bang may nasabi akong hindi maganda.
"Don't call me that!" he snapped.
"Grimore, magigising si Arki." Humakbang pa ako, gano'n na lang ang aking gulat nang may naramdaman akong malamig na bagay na tumutok sa aking sentido.
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang isang tauhan ni Grim, nakatutok ang kaniyang baril sa aking ulo, humahalik at anumang oras ay handang iputok. Tumuon ang aking tingin sa anak namin, nakahinga ako nang maluwag nang makitang tulog pa rin siya.
Good, I don't want him to see this. I don't want to scare my baby.
"Let us go, Deb!"
"Ano bang sinasabi mo, Grim? Hmm?" Ngumiti ako para itago ang kaba na umaapaw na sa aking dibdib.
Kung maririnig niya iyon ay malalaman niya kung gaano ako katakot ngayon, ito na ang kinakatakutan ko. Nangyayari na ang bangungot ko na kahit gumising ako ay alam kong hindi titigil.
"Stop f*****g pretending, Deborah! You know everything! I trusted you, I f*****g trusted you because you're my wife, you're the mother of my child. How did you do this to our family?" Mariin siyang napapikit, sa pagdilat niya ay nangilid ang kaniyang luha bagay na ayokong makita.
Pinatatag ko ang aking mukha, don't cry love.
Hindi ako nagsalita dahil alam ko na ang sinasabi niya. Alam na alam ko pero ayaw ko lang tanggapin.
"Bakit hindi ka makapagsalita? Because you know everything from the start, that your father killed my family! Your father killed my parents! You ruined my life!"
Umawang ang aking labi, bahagyang kumibot iyon pero wala salitang namutawi roon.
I know. He's right.
He shook his head in disbelief.
"Is this part of your plan too? Playing with me?" Hindi ako nakasagot kasi alam kong totoo at tama lahat ng akusa niya. "I think so . . ."
Nakita kong sumenyas siya sa kaniyang bodyguard, kasunod noon ang malakas na pukpok sa aking leeg dahilan para mahilo ako.
My head hurts, my heart is hurting more.
Alam ko naman na baka mangyari ito pero hindi ko alam na ganito kaagad. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan pinili ko na sila?
Nang magising ang diwa ko ay wala na sila sa kwarto, kahit hilo pa ay pinilit kong tumayo. Ang aking lakad ay naging takbo pababa ng aming bahay. Hindi pwede! My heart is going to burst when I saw Grim, carrying our son.
He'll escape my son!
"Grimore!" malakas na sigaw ko sa pangalan niya saka tumakbo palabas ng bahay na halos madapa ako. Hindi ako huminto para mapigilan siya, hindi siya pwedeng makaalis, hindi ngayon.
Nilingon niya ako, wala akong makitang kahit anong awa sa kanyang abuhing mata, blanko na parang hindi na niya ako kilala, na parang hindi ako ang babaeng pinangakuan niya sa harap ng altar.
Ipinasa niya ang aming anak sa isang tauhan at ipinasok sa itim na sasakyan. Hinarangan ako ng dalawang bodyguard.
Mabilis kong sinipa ang isa sa dibdib, napaubo ang lalaki. Pagkalapag ng aking paa ay sinuntok ko ang isa sa leeg habang ang tingin ay nasa aking asawa.
No!
"Don't do this, Grim! Don't take my son!" sigaw ko sa paos na boses.
Ang namumuong galit sa aking dibdib ay binuhos ko sa dalawang bodyguard na pinipigilan akong makalapit sa mag-ama ko.
Tumumba ang isa, susugod na sana ako sa isa pa ngunit may sumirit na sakit sa aking balikat. Napaawang ang aking labi dahil doon.
I was shot, by an arrow.
I opened my eyes after I remember everything. I looked at my husband. He shot me with the arrow I gave to him for his birthday.
He looked at me blankly.
Pinilit kong tumayo mula sa pagkakaluhod nang marinig na binuhay na ang kotseng sasakyan nila paalis. Mariin akong pumikit nang isa pang pana ang tumama sa aking binti dahilan upang bumalik ako sa aking pagkakaluhod.
Tuluyan ng tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ganito, Grim? Bakit tayo umabot sa ganito?
"Don't leave," I begged him. I could feel the vibration of the shudder all the way through my body.
Ibinaba niya ang kaniyang pana habang walang emosyon nakatingin sa akin.
"I'm regretting marrying a woman like you, you're the daughter of our rival. You're the daughter of that monsters who killed my family. I don't know what's your father orders to you, but I'm glad I found out. You won't see my son, ever again. He will forget you, from now on . . . you're not part of our life."
Sunod-sunod na tumulo ang aking luha sa sinabi niya. Malakas ko siyang tinawag ulit pero parang wala ng boses ang bawat salita ko, para akong kinapos ng hininga nang makitang sumakay na siya sa kotse kasama ang aking anak at umandar iyon kasama ng kaniyang mga tauhan.
Please, don't leave me alone!
"Grim! Please! Grimore!" I shouted.
Mariin kong naikuyom ang aking kamao habang sunod-sunod na tumulo ang aking luha sa sakit na nararamdaman.
Mas higit na masakit ang nararamdam ko sa aking dibdib kaysa sa mga sugat na natamo ko sa aking katawan.
Pinunasan ko ang aking pisngi, pero patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mukha.
I left the organization because of him, I don't have choice but to back because of him too.
Kinuha ko ang telepono sa aking bulsa kahit namamanhid na ang aking katawan. Bahagya pang nanginig ang aking kamay habang dina-dial ang numero ng kanang kamay ni Daddy.
Wala pang tatlong ring ay sumagot na siya. Narinig ko sandali ang kaluskos sa kabilang linya bago tumahimik.
"Sí, Signora?"
I can feel my hands shaking, I feel my blood flowing down to my body. "I'll take the position, ready for the battle." I clenched my fists.
"Huh? W-What Signora?" Hindi makapaniwalang wika niya.
Dahan-dahan akong tumayo, bahagyang napangiwi sa sakit, hindi lang pisikal pati na rin sa aking dibdib. Pinunasan ko ang luha sa aking mata, igting ang panga.
"Ready the organization, this is war between me and my husband." I announced.
______________________________