K A B A N A T A 16 "Xavier. . ." bulong ko kasabay nang pagharap niya sa aking gawi ngunit sigurado akong hindi pa ako nakikita. Hindi ko maiwasan kumunot ang noo, anong ginagawa niya rito? Kilala ko ang lalaking iyon, kaibigan ni Grimore iyon na lagi niya rin pinagseselosan. He's here too! Of course, maybe for business! Nakita kong mukhang inaaninag pa niya ako nito dahil kunot nuong tumitingin ito dahil sa kadiliman ay siguro ay hindi siya namukhaan. "Sino yan?!" tanong ni Xavier at itinutok sa akin ang isang baril, hindi na ako nagtaka kung bakit may baril din siyang dala. Hahakbang pa sana siya papalapit sa aking kinaroroonan nang matumba ito sa sahig. Tumambad sa akin ang may sala no'n, nakita ko sa kanyang likod si Club. "Pinatay mo ba?" tanong ko nang lumapit ako sa kanila

