K A B A N A T A 17 “Anong nangyari? Anong wala pa si Heart? Ilang araw na siyang wala ha? Hindi pa rin nakakabalik? Si Spade, nasaan?!” Hindi ko maiwasan magtaas ng boses dahil sa ibinalita sa akin ni Diamond na hanggang ngayon ay wala pa sila Heart, galing siya sa isang minsyon na ipinadala ko. Nanlamig ang aking kamay at kasabay nang pag-akyat ng init sa aking ulo. Ayaw ko sanang mag-isip ng kung ano-ano ngunit hindi ko mapigilan. Humigpit ang aking hawak sa walis, napatitig na lang ako sa mga dahon na kanina ay winawalis ko pa na ngayon ay unti-unti na naman kumakalat. "We will find Heart, ready the team," bulong ko. Ayaw ko man umalis ngunit wala na akong magagawa pa, kailangan mo ulit umalis dahil alam kong hindi naman tatawag ang mga iyon kung kaya nila o hindi seryosong bagay.

