K A B A N A T A 14: NAKATINGIN ako kay Arki habang tahimik na naglalaro siya sa may gazebo, hindi naman mawala sa isip ko ang nangyari no'ng nakaraan araw. Nakakatawang isipin na parang walang nangyari pagkatapos nila akong ikulong ng ilang araw sa basement na para bang natural na nila iyon ginagawa sa mga nagkakasalang kasambahay o tauhan nila, mukhang wala naman ibang alam ang ibang katulong tungkol sa bagay na iyon. Naalala ko rin na binigyan ako ni Grimore ng medicine kit, ang kaso ay biglang dumating Cynthia kaya umalis din sila kaagad. Hindi ko pa rin nakakausap sila Spade dahil sinigurado kong huwag munang gumawa ng kahit anong kilos na paghihinalaan dito sa loob ng mansyon lalo at mainit pa rin ang mga mata ng bantay sa akin. Hindi ko maiwasan mapangiti nang mapansin ang paling

