K A B A N A T A 50: NANG gabing iyon ay hindi ko iniwan si Arki, nakatulog na lang siya dahil sa kakaiyak. Hindi naman mawala sa isip ko at parang may bumubulong na nag-uulit-ulit sa aking tainga ang mga binitawan niyang salita para kay sa ama. I can't believe Grimore, let his son feel this way towards him. Halos hindi ako nakatulog, nang magmadaling araw ay pumunta na ako sa aking kwarto para ayusin ang aking sarili. Maingat kong tinanggal ang pekeng malaking ngipin na nakakabit sa akin pati na rin ang buong mask ng prostetic na binigay ni Heart. Mas madali na dahil parang nagsu-suot na lang ako ng buong mask sa aking mukha at hindi parang katulad noon una na kailangan ko pang mag-make up. Hinilot ko ang aking batok habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin. Hindi ko sigurado

