K A B A N A T A 49: GULAT akong napatitig kay Arki. Malinaw na malinaw kong narinig iyon, nasabi na sa akin ni Grimore noon na nakagawa ng tunog o nakapagsalita si Arki bago pa ako makabalik bilang yaya niya ngunit hindi naman na iyon naulit na kasama niya ako. Habang tumatagal ay pino-proseso ko ang nangyayari. Hindi na ako sigurado kung Mommy nga ba ang sinabi niya o dahil iyon ang gusto kong marinig ay iyon ang narinig kong sinabi niya. Nang makabawi ako ay malalaki ang hakbang na nilapitan ko siya na ngayon ay nakaupo na sa kanyang kama habang habol ang hininga. "A—Arki?" I stuttered while looking at his pale face. Sandali siyang suminghap bago ako nilingon. Kaagad kong hinawakan ang kanyang braso saka marahan iyon hinimas, hindi alam ngunit kaagad nangilid ang aking luha sa oras

