Lumipas ang ilang mga araw hanggang sa natapos ang bakasyon sa San Lucas. Ngayong araw, ganap na mag-aaral na ng San Lucas Community College si Clementine.
“Magandang umaga Ma’am,” bati ni Isay nang bumaba siya sa hagdanan.
Tumango lamang siya at hinayaan si Isay na mauna sa kusina para maghanda ng kaniyang agahan. Hindi na siya nagulat nang makita roon si Angela na nakasuot ng isang itim na organization shirt at faded boyfriend jeans. Nakasuot rin ito ng isang pares ng puting sneakers. Typical na suot ng mga mag-aaral dito sa Pilipinas. She cannot help but to compare it to what she’s wearing. White Gucci crop top, high waist skinny jeans and a red sole Christian Louboutin heel. It really goes well with her gucci leather backpack.
Tamad siyang umupo sa hapag. Nilapag ni Isay at Melba ang mga pagkain sa harapan nila.
“Nasaan si Manang, Isay?” she asked.
She cannot help but to ask. Nilingon siya ni Isay.
“Kasama po ni Quentin sa labas, Senyorita.” sagot nito at nagsalin ng juice sa kaniyang baso.
Hindi na siya muling nagtanong at nag-umpisa na kumain. Bumukas ang back door makalipas ang ilang minuto at pumasok doon si Quentin kasama si Manang.
“Magandang umaga, Clementine, Angela!” bati ni Manang.
Nilingon nito si Quentin.
“Ikaw, hijo? Kumain ka muna bago mo ihatid sina Angela at Clementine!” utos ni Manang.
Natigil si Clementine sa pag-inom ng kaniyang kape.
“Ihahatid mo 'ko?” tanong niya.
Tumaas ang kilay ni Quentin at namulsa.
“Oo. Utos ni Don Wilfredo. Sasabay ka sa amin ni Angela tuwing umaga,” simpleng sagot nito at nagpasalamat kay Melba na nag-abot ng isang tasang kape.
“At saan naman ako sasakay? Sa bulok mong truck?” nag-aalalang tanong niya.
“Oo. Sa luma pero hindi bulok kong truck.” pagtatama ni Quentin sa sinabi ni Clementine.
Umirap si Clementine. She cannot be seen by public riding that piece of junk.
Paano na lang kung may mapa-daan na paparazzi at kumalat iyon. For sure River and Solanna would treat her like a big fat joke! She’s sure that her sudden disappearance in New York would stir assumptions and theories to her whereabouts. Baka isipin nila na naghihirap na siya because she cannot be contacted?
‘Damn! Bakit ba kasi tinapon ko ang aking iphone?’ pagsisisi niya sa kaniyang isipan.
“Manang? Ayaw ba ni Daddy na hiramin ko ang kahit isa sa mga kotse niya? I know how to drive naman. I promise, I will be careful.” she said.
Lumunok si Manang at kita sa mukha niya ang pagkadismaya sa sitwasyon.
Nilingon nito muli si Quentin.
“Hija, ang sabi ng Daddy mo… kay Quentin ka sasabay. Kung ayaw mo, mapipilitan ka na sumakay ng tricycle papuntang school,” sabi ni Manang.
“Ano?” she screamed.
Umiling si Quentin at binaba ang tasa sa mesa. He looked at Angela.
“Kung tapos na kayong kumain, lumabas na kayo. Tatlumpung minuto na lang at mag-uumpisa na ang mga klase niyo,” aniya at lumabas na.
Laglag ang panga ni Clementine na pinapanood si Angela na sumunod sa kapatid niya.
Tumingin siya kay Manang.
“I cannot believe it, Manang! How could Daddy do this to me?” hysterical niyang tanong at kinuha ang kaniyang gamit.
Nagmartsa siya papalabas ng back door, nakita niya na nakahanda na roon ang truck ni Quentin. Buhay na ang makina noon at nakaupo na sa passenger seat si Angela.
Nasa hindi kalayuan si Quentin at mukhang may kausap sa telepono niya. Nakataas ang kilay niya na sinuri ang back seat ng lumang pick-up. May mga basket doon na may mga lamang samu’t-saring mga ani.
‘Ineexpect niya ba na sasakay ako rito?’ tanong niya sa isipan at agad na umikot papunta sa passenger seat.
Binuksan niya ang pintuan.
Gulat na nilingon siya ni Angela, naguguluhan kung bakit niya iyon ginawa.
“Move at the back, Angela.” utos niya.
“Excuse me?” naguguluhang tanong ni Angela.
“I said, sit at the back. I will sit there,” pagdidiin pa niya.
Kumunot ang noo ni Angela.
Halata na ang inis niya para kay Clementine pero hindi iyon pinansin ni Clementine.
“Ako ang nauna rito. Saka sasakyan ito ng kapatid ko.” matigas na sabi ni Angela sa kaniya.
“Wala akong pakialam. I don’t want to sit at the back. You should.” sabi ni Clementine.
Pumikit nang mariin si Angela.
Napangisi si Clementine. She felt that something is wrong with Quentin’s sister.
She felt that she’s waiting for the time she will bite Clementine at the neck.
“Ano'ng kaguluhan ito? Senyorita sumakay ka na para makaabot kayo sa klase niyo.” sabi ni Quentin nang mapansin na nakatayo si Clementine sa harap ni Angela.
“No. Unless Angela wants to switch seats with me. Then, we can go.” prankang sagot niya.
Nilingon ni Quentin ang backseat at hindi maintindihang bumaling kay Clementine.
“Ano'ng problema sa backseat at ayaw mo na umupo roon?” tanong niya sa dalaga.
“You expect me to sit there with my Gucci outfit? Katabi ng mga basket?” tanong niya kay Quentin na para bang obvious na iyon. “Oh, hell no!” she exclaimed.
“Kuya!” sigaw ni Angela.
Huminga nang malalim si Quentin.
Pumikit siya na para bang hindi na niya alam ang gagawin. Alas siyete y media pa lamang ng umaga at pinapasakit na agad ni Senyorita Clementine Diogracia ang ulo niya.
“Hindi ka ba talaga sasakay hanggang hindi lumilipat si Angela?” tanong nito muli sa dalaga.
Clementine rolled her eyes.
“Yes,” she said obviously.
Kinagat ni Quentin ang kaniyang pang-ibabang labi. Pinagkrus ni Clementine ang kaniyang mga braso.
“Ano pa ang hinihintay mo, Quentin?” tanong niya, “Pa-lipatin mo na ‘yang si Angela.” utos niya pa.
“Hindi.” simpleng sagot ni Quentin.
“Ano'ng hindi?” tanong ni Clementine ulit.
“Hindi lilipat si Angela. Kung ayaw mo sumakay sa pick-up ko, eh ‘di huwag. Mag-tricycle ka,” seryosong sabi nito at walang sabi na sumakay sa driver’s seat.
Pinaharurot niya iyon na nagsanhi sa mga alikabok na halos dumampi sa katawan ni Clementine.
Umubo ito sa mga alikabok na na-langhap niya.
“F*ck you, Quentin Blanco! You jerk!” she screamed.
Galit na tinadyakan ni Clementine ang lupa habang pinapanood ang pick-up ni Quentin na lumiko na sa gate ng mansiyon.
Late na dumating si Clementine. Inis na inis siyang bumaba sa tricycle na naghatid sa kaniya sa eskuwelahan.
Binasa niya ang malalaking sulat sa bakod at gate.
SAN LUCAS COMMUNITY COLLEGE.
“Yuck, pangalan pa lang pangmahirap na.” bulong niya sa hangin.
She looked at the students going in. May ilang napapalingon sa banda niya. She raised a brow at hindi na pinansin ang mga ito.
She’s used to the attention she’s getting. Ganoon din naman sa New York. But still, she had so many friends there. Dito, hindi niya alam kung magkakaroon ba siya ng worthy na puwedeng kaibiganin.
Ngumuso siya ng makita ang malawak na field sa gitna. Maalikabok iyon at halos kalbo na ang d**o. Ang ka-isa-isang building ay pinturado ng asul pero halata na luma na iyon dahil sa disenyo ng mga bintana. Kung titingnan sa taas parang letter C ang layout ng building at hanggang sixth floor ito.
‘May airconditioning unit kaya rito?’ she thought as she felt the hot and humid weather.
Tiningnan niya ang ka-pirasong papel kung saan naka-print ang schedule niya. She was enrolled by her father’s secretary at halos gusto niya itong murahin dahil puro maaga ang mga klase niya.
“Hello, transferee ka ba or freshman student?” tanong noong babaeng nakasalubong niya.
She’s wearing the same organization shirt with Angela. Maikli ang buhok nito at nakangiti sa kaniya.
“Transferee,” simpleng sagot ni Clementine.
“Welcome sa SLCC! Ako nga pala si Nessa, isa sa mga usherette. Puwede ko ba makita ang schedule mo para matulungan kita sa una mong klase?” tanong niya gamit ang energetic na tono.
Hindi sumagot si Clementine pero hinayaan niyang basahin ni Nessa ang papel na hawak niya.
Nilingon niya ang ilang estudyante na panay pa rin ang tingin sa banda niya. Hinahagod ng mga mata nila ang suot niya.
“Clementine Diogracia? Kakilala mo si Don Wilfredo?” medyo malakas na pagkakatanong ni Nessa sa kaniya.
Huminga siya at tumango.
“Daddy ko, bakit?” tanong niya pabalik.
“Ikaw si Senyorita?” gulantang na tanong nito.
“Anak po ako ng isa sa mga trabahador sa azucarera niyo. Na-kuwento nga nina Nanay na tumulong ka doon—”
“I’m sorry but I’m gonna be late. Can you tell me where is it?” tanong niya, para maputol ang kung anumang sasabihin pa ni Nessa.
Mukha namang napahiya si Nessa. She could not care less. She’s here to attend her class not to make friends.
“Ah! Room 3B. Sa third floor po ‘yan tapos dun sa pinakadulo na room sa left wing,” sabi ni Nessa.
Tumango si Clementine.
“Thanks,” she said and started to walk sa direction na sinabi nito.
Naglakad siya paakyat sa hagdanan. Nahawi ang mga pababa dahil sa pag-akyat niya. Napapalingon ang mga ito sa kaniya.
She’s an unfamiliar face that’s why.
Walang imik siyang pumasok sa silid na may nakasulat na 3B sa pintuan. She looked at the classroom.
The chairs were vandalized and old. Puro mantsa ang pintura ng mga dingding, no airconditioning unit can be seen. The source of ventilation are the old, incomplete jalousie windows, and the single ceiling fan in the middle.
Everything about this school is disappointing to her.
Lumunok siya at pumunta sa pinakalikuran. The only thing she wants was no one to disturb her. Umupo siya sa sulok kung saan naroon ang convenience outlet.
Some of her classmates were looking at her direction. She busied herself by opening her macbook.
Pansin niya na nagbulungan ang mga iyon lalo sa ginawa niya. She briefly looked at them kaya nag-iwas sila ng tingin sa kaniya.
‘Ano'ng mayroon? Ngayon lang kayo nakakita ng laptop?’ she wanted to ask them.
Kung makatitig ang mga ito, para siyang alien na pumasok dito.
“Nandiyan na si Mr. Robles!” sigaw noong isa at nagmamadaling umupo.
Kumunot ang noo ni Clementine. The teacher went in.
Nagsibalikan ang mga kaklase niya sa upuan nila.
Lalaki ang professor niya sa subject na ito.
“Good morning, class!” energetic na bati nito at isa-isa silang nilingon bago iyon tumigil kay Clementine, “Oh, I see that there’s a new face in this class.”
Everyone looked at her again. She reciprocated everyone’s gaze with a straight face.
The professor clapped twice as a signal.
“Transferee student?” he called, “Can you introduce yourself in front of the class?” he asked.
She confidently stood up and stride to the front. She’s sure everyone looked at her branded clothes and she will give them a show. Parang model siyang naglakad papunta sa unahan. Alam niya na mangyayari ito like typical school drama kaya pinaghandaan niya ito.
Pinagmasdan niya isa-isa ang mga ito.
“Good morning. I am Clementine Serra Diogracia. A fourth-year transferee and a marketing student from New York University.” she said.
“Wow! NYU?” manghang tanong ni Mr. Robles.
“Bakit ka nag-transfer dito, Miss?” enthusiastic na tanong pa muli ng proffesor.
“Personal reason. My Dad has requested.” simpleng sagot niya.
Nagbulungan muli ang mga kaklase niya dahil sa sagot niya.
“Dad?” bulong noong isa.
“Iyan ata ang anak ni Don. Diogracia, raw eh?” tanong pa noong isa.
Nagkibit-balikat si Clementine dahil kahit pa bulungan iyon, obvious naman na siya ang pinag-uusapan ng mga ito.
Tumikhim ang professor.
“Ikaw ang anak ni Don Wilfredo Diogracia?” he asked.
Tumango si Clementine at saglit na ngumiti.
“The one and only,” proud niyang sinabi.
Pinaupo siya ng professor at nag-umpisa na magdiscuss doon ng about sa syllabus. She listened carefully.
Napalingon siya sa bintana dahil sa ingay.
Dumaan doon si Angela. Napapaligiran siya ng maraming babae at lalaki. Nagtatawanan sila. Saglit silang nagkatinginan. Nawala ang ngiti nito sa mga labi niya at nag-iwas ng tingin.
Umiling si Clementine.
She doesn’t care if hindi siya pansinin nito. She looked back at her professor.
Wala pang fifteen minutes ay na-dismiss agad ang klase.
Tiniklop ni Clementine ang kaniyang laptop at nilagay iyon sa kaniyang gucci backpack. Wala ni isa siyang tiningnan sa mga kaklase niya.
She went to the cafeteria to look for something to eat.
Bumili siya ng pagkain na sa tingin niya ay pinaka-malinis doon. Even the food isn’t that appetizing here. She went for an egg sandwich and an orange juice. She groaned when she realized she doesn’t have a phone to pass the time.
Umupo siya sa pinakasulok ng cafeteria.
Some students were still looking at her.
She opened the sandwich and tried to eat when she saw a guy looking at him. Nakangisi ito at walang hiya hiya na pinapanood siya. Kumindat pa ito.
The guy was bearable to look at. Hindi ganoon ka-guwapo pero matangkad. Maganda din pumorma pero she’s not even a bit impressed.
She raised her brows at him.
Ngumiti naman ito sa kaniya at tumayo. Kumunot ang noo ni Clementine nang mapagtanto na pupunta ang lalaki sa banda niya.
“Hi.” simpleng bati nito at umupo sa harapan niya, “I suppose you are the new student everyone is talking about?” tanong pa nito.
Umiling si Clementine at huminga nang malalim.
“Yes. And you are rude,” she replied as sipped on her juice.
Nawala ang ngisi ng lalaki sa sinabi niya.
She smirked when she saw his reaction.
“You sat in front of me without my permission.” she said and looked at him from head to toe.
She grimaced and continued,
“You are not even my type. So, get lost.”