Kabanata 12-Coffee

2562 Words
“Ah, your ex?” Clementine cannot help but to ask. “Let’s stop this talk, Vilhelm, Senyorita.” Quentin sighed and looked at the foods on the table. Kumain muna sila. Nang matikman ni Clementine ang noodles na kinain niya, parang may kakaibang gutom siyang nadama. Hindi niya akalain na masarap iyon. Tumingin sa kaniya si Quentin nang sunud-sunod siyang sumubo roon. “Woah, you did not feed Miss Clementine before you come here?” tanong ni Vilhelm. Uminom ng tubig si Clementine. The water has this distinct taste saying that it was not purified or mineral water. Nagpangiwi siya roon but she doesn’t wanna be rude to spit in front of Vilhelm. She swallowed it and grimaced. “Uh, I ate a little bit. It’s just foreign to my taste. It’s my first time,” she said. Lumapit ang isang babae dala ang isang tray na may tatlong tasa. “You should taste this coffee, then.” Vilhelm proudly said. Ngumiti ang babae at naglapag ng black coffee doon. “This place was known for brewing our coffee. This is picked straight from our coffee farm.,” paliwanag niya at hinalo ang kaniyang tasa. Ngumiti si Clementine at hinalo din ang kaniyang tasa. “Oh really? I’m going to taste it for sure.” she smiled and sipped on it while looking at Vilhelm. “Oh, Wow!” gulat na sabi ni Clementine at nilapag ang tasa sa harapan niya, “That’s good coffee, Vilhelm.” sabi pa niya. “Good taste, Miss Clementine.” he complimented and winked. Tumikhim si Quentin. Gustong umirap ni Clementine sa binata. “Puwede na ba tayong tumuloy sa pagbabasa at pagpirma ng kontrata?” tanong niya sa tamad na boses at hindi man lang nag-angat ng tingin mula sa folder ng kontrata. Binuksan nito ang folder at sa wakas ay tumingin kay Vilhelm. “Whatever, man!” biro ni Vilhelm. “Kill joy,” bulong niya pero mukhang narinig ni Quentin dahil tumaas nang bahagya ang mga kilay nito. “What? We’re here to close a deal, Clementine. Not to drink local coffee and chitchat. Marami pa akong gagawin sa hacienda.” sabi ni Quentin. Nakangisi si Vilhelm sa kanila at ilang saglit pa ay bumaling din sa mga papel. Clementine tried to focus on the conversation. Don Wilfredo plans to rent the Decerna’s undeveloped lands to plant crops to make their organic chicken possible. Vernon Decerna’s father, Don Robin Decerna is a dear friend of her father. Pinadala ni Vernon si Vilhelm na pinsan niya para pormal na magkasunduan. The Diogracia’s will rent the lands but they will be the one to maintain and make the soil fertile. “Are you sure this will work, Quentin?” tanong ni Vilhelm matapos basahin ang buong kontrata. “Ano ang ibig mong sabihin, Vilhelm?” tanong niya pabalik sa kaibigan. “You’re the first one to do it here in San Lucas. Many of the poultry owners here in our province tried to do it but failed. And I am telling you, the Decernas barely made it.” Vilhelm explained. Tumango si Quentin. “Walang madaling negosyo, Vilhelm. Hindi ba ay iyon ang tinuro sa atin sa eskuwelahan noon?” sabi ni Quentin at ngumisi sa kaibigan, “Pero kung sasamahan naman ng matinding pag-aaral, diskarte at sipag may posibilidad na ang mga bagay na ito, maaaring kumita.” Sumimsim si Quentin sa kaniyang kape. “Still the genius Quentin Blanco,” he said, “Okay. I will sign this since I believe in you as your friend but please keep everything in according to the contract and we’re good to go.” “Makakaasa ka, Vilhelm.” sabi ni Quentin at kinuha ang isang mumurahing ballpen sa kaniyang bulsa. Vilhelm pulled an expensive, gold in color fountain pen to sign under his name in every pages. Pinanood niya ang bawat kumpas noon. He passed the folder to Quentin after so he can sign under his name, too. Hindi maiwasan ni Clementine na ipagkumpara ang dalawa. They looked the same but their lifestyle is very far from each other. Vilhelm is from a very prominent family and Quentin is from somewhere she doesn’t know. Natapos iyon. Vilhelm sighed and looked at them. He smiled at Clementine and extended his hand to her. “It’s a done deal, Miss Diogracia.” he said, “Tell that to your father.” Naguguluhan man ay tinanggap iyon ni Clementine. She smiled at him. Binitiwan ni Vilhelm ang kamay ng dalaga at bumaling kay Quentin na nililigpit ang mga papel. Tinapik nito ang balikat ng binata. “I’m gonna go, Quentin.” pamamaalam niya rito. Umalis din agad si Vilhelm. Kumunot ang noo ni Clementine habang pinapanood itong sumakay sa kaniyang pulang SUV. Naguguluhan niyang nilingon ang binata. “Why did he not shake your hands? Ikaw ang ka-deal niya hindi ba?” she asked. Tiningnan siya ni Quentin. “What’s wrong?” tanong ni Quentin. “He just tapped you on the shoulders. Nothing more,” puna niya. Huminga nang malalim si Quentin. “He closed a deal with your family, not me. Ayos lang na hindi niya ako kinamayan. I’m just an instrument here.” paliwanag ng binata. Hindi nagustuhan iyon ni Clementine. “You’re not an instrument, Quentin. Tao ka. And for all I know you did that proposal!” she said. Natigilan sa paglalagay ng mga papel sa folder si Quentin at tumingin sa kaniya. “I am not the type of person who takes credit from someone’s work. Kung may dapat siyang kamayan dito, I want you to know Quentin that it should be you.” she said and stood up, “Congratulations on closing this deal, now let’s go somewhere and celebrate your win.” she ordered and walked her way to the car. Napansin niya ang ilang pagbubulungan ng mga tao habang tumatagos ang tingin sa likuran niya, papunta kay Quentin. Tahimik na sumunod si Quentin. Halos dumikit ang mga tingin ng babae sa kaniya. Clementine stood at the passenger seat’s door waiting for Quentin to open it. “Sino ‘yan?” tanong ng isang babae na dumaan sa harapan nila. Nagkibit-balikat ang kaibigang kasama pero halata rin ang kuryuso. Hindi iyon pinansin ni Clementine at binuksan ang pintuan matapos pindutin ni Quentin ang key fob. She sat on the passenger seat. Quentin opened the backseat to put the folders there. May ilang bumati sa kaniya na tinanguan niya rin bago siya umakyat sa sasakyan. “Sikat ka? Everyone seems to know you?” tanong niya, nililingon ang ilang nasa kainan na nakatingin pa rin sa sasakyan nila kahit na tinted iyon. “Hindi naman. Gaya ng sinabi ko, maliit ang San Lucas.” sagot niya at binuhay na ang makina ng sasakyan bago siya nilingon,m “Saan tayo pupunta, Senyorita Tine?” tanong ni Quentin. “May oras ka pa ba?” tanong niya sa binata. Tumango ito at sinulyapan ang kaniyang relo. “May isa at kalahating oras ako bago tumungo sa pabrika,” pagkumpirma niya. She nodded and looked outside. “Then, take me somewhere you wanna go.” she ordered him. Hindi na nagsalita pa si Quentin at nagpatuloy sa pagmamaneho. Naisip niyang walang masama kung susundin niya si Clementine. He can let her see the town of San Lucas. Napansin ni Clementine na pumasok sila sa isang kanto. Maraming mga tindahan doon. Malapit na iyon sa paanan ng bundok. Napanganga si Clementine sa sobrang pagkamangha. “Where are we going? Ang ganda!” she asked him. “You will see,” sagot ni Quentin. Tumigil sila sa isang kuweba. Napalunok si Clementine dahil matayog ang kuweba at may malaking kahoy na pinto. Inalis ni Quentin ang kaniyang seatbelt. Naguguluhan man ay ganoon din ang ginawa ni Clementine. “What’s this place, Quentin?” she asked him again. “San Lucas Church,” tipid na sagot nito at binuksan ang pintuan. “Church? Baka masunog ka?” she asked to tease him. Hindi siya pinansin ni Quentin at nagpatuloy sa paglalakad. Binuksan niya ang pinto. The whole place amazed Clementine. Nasa loob ng isang kuweba ang simbahan. Tanging ang mga malalaking chandelier lamang ang nasa ceiling nito. Maganda ang altar, at marami rin ang ilaw. Kung titingnan parang nasa lumang lugar sila. There’s something magical in this church. “Maganda?” tanong ni Quentin nang mapansin ang kaniyang pananahimik. “Yeah. It looks magical,” sagot niya at nilingon ang paligid. “You haven’t seen the whole San Lucas yet,” sabi ni Quentin. Hindi na nagkumento pa si Clementine. “This is the place you want to go?” kuryusong tanong niya sa binata. Tumango si Quentin. “Yes,” he said with a sigh. “Gusto ko na magpasalamat sa Diyos dahil naisarado ko ang deal sa mga Decerna.” aniya. Pinanood ni Clementine na lumuhod si Quentin sa isa sa mga luhuran doon. Hindi mawari ni Clementine ang kaniyang mararamdaman. She quietly sat beside him and watch Quentin. May ilang minuto na nagdadasal ito doon. Sa loob ng mga minutong iyon, naisip ni Clementine that everything about him is good. She cannot deny it. He’s good-looking, caring brother, business wise, the people loves him, and now this—he’s religious. But he’s poor. And she hates poor. Nag-iwas ng tingin si Clementine nang mapagtanto na tapos na siya magdasal. Quentin looked at her. “You done?” tanong niya kay Quentin. Tumango ang binata. “Saan mo pa gusto pumunta?” tanong sa kaniya nito. “I want to drink coffee again. May coffee shop ba rito? Black coffee would be nice!” she said. Umiling si Quentin bilang pagsagot. “Ugh! When I thought San Lucas is going better!” aniya at tumayo na para isakbat ang kaniyang bag sa balikat. Tumaas ang kilay ni Quentin. “Walang coffee shop dito. Pero alam ko kung saan ako makakakuha para makagawa noon. Sundan mo ako,” utos nito. Nagmaneho si Quentin pabalik sa mansiyon. She looked confused nang pumasok ito papunta sa kakahuyan. “Sa lupain namin ito ah?” tanong niya. “May kapirasong lupa akong tinaniman ng mga kape mula sa Decerna. Kukuha ako ng mga buto roon.” paliwanag nito. Ilang metro mula sa bakod ng mansiyon, may anim na puno ng kape roon. Bumaba sila ni Clementine para tingnan iyon. Halos mapahiyaw si Clementin sa gulat nang hubadin ni Quentin ang suot nitong pang-itaas. “Why do you always do that?” hindi niya mapigilang itanong. “Ang alin?” tanong niya, walang kamalay malay. “Ang maghubad! Pinagyayabang mo ba ang katawan mo?” she asked, a bit annoyed. Mukhang naramdaman iyon ni Quentin kaya pansamantalang itinigil ang pag-akyat sa puno ng kape. “Ano naman kung naghuhubad ako? Ayaw kong madumihan at mapawisan ang damit ko—“ sabi niya na agad pinutol ni Clementine. “Do you know that the ladies here cannot stop looking at your damn body! Hindi ka naman model or sexy star?” tanong niya na may halong pag-irap. Ngumisi si Quentin. “Sabihin mo nga, Senyorita…” aniya at tumaas ang kilay, “Hindi ka ba kumportable sa tuwing naghuhubad ako ng pang-itaas?” Gusto ni Clementine na lamunin siya ng lupa. “Ano'ng klaseng pag-iilusyon iyan? Nahihibang ka na ba? Yuck!” pagtanggi niya kahit na parang ganoon na nga iyon. Hindi makakalampas kay Clementine ang pagsulyap ng mga kababaihang trabahador sa naka-balandra na katawan ni Quentin. ‘Bakit ba kasi napaka-ganda ng abs nitong magsasakang ito? Nakakainis!’ agad niyang puna sa isip niya. “Sabi mo eh,” ani Quentin at nagpatuloy sa pagkuha ng mga buto. Umirap si Clementine at tumingin na lang sa ibang banda. Nilagay ni Quentin ang mga buto ng kape sa kaniyang damit pang-itaas. “Do you know how to make coffee?” tanong ni Clementine. “Makikita mo,” sagot lamang nito at tumungo sa kubo ng mga worker. Sumunod si Clementine. Nilagay ni Quentin ang mga buto sa kawayang mesa. Kinuha ni Quentin ang dalawang tasa na nandoon. “Kanino'ng tasa ‘yan? Are we gonna use it?” tanong ni Clementine. “May mainit na tubig sa dispenser. Isa-sanitize ang tasa. Huwag kang mag-inarte, malinis iyan. May lababo rito para hugasan ang mga gamit..” sabi ni Quentin. “Whatever, it is not being maarte kaya! It’s being malinis. Paano na lang kung may nakakahawang virus ang uminom diyan? Eh ‘di nagkasakit tayo?” tanong niya sa binata. “Naiintindihan ko ang pinupun—“ “You know what? Can we drop it na? I don’t wanna argue.” sabi niya kay Quentin. Hindi nagsalita si Quentin pero nanahimik ito. Ilang saglit pa sa pag-aayos ng mga gagamitin ay naiinip na si Clementine. Kung may Starbucks lang sa lugar na ito, for sure she’s enjoying herself with a nice and yummy coffee. Quentin looked serious doing it. Nilingon niya ang binata. “We could use coffee maker, you know?” aniya sa binata. “Mas masarap kapag tradisyunal. Ginagawa ito noon ni Mama huwag kang mag-alala.” sabi ni Quentin at nilagyan ng apoy ang isa sa mga lutuan doon. Nag-roast muna niya ang mga coffee beans hanggang sa maluto ito. Pinanood ni Clementine ang mga precise na galaw ng binata na tila alam na alam niya ang ginagawa niya. Kinuha ng binata ang pang durog ng mga coffee beans at ang salaan. May malinis na tubig doon na pinakuluan. Suwabe na nag-drip ang kape sa isa sa mga tasa. Tumaas ang kilay ni Clementine nang umatake na ang aroma ng kape sa ilong niya. Sinalin iyon ni Quentin sa tasa. “Iyan na ang kape mo, Senyorita Tine.” sabi niya. Ngumiwi si Clementine at kinuha iyon para suriin. “Masarap ba ‘to?” mataray niyang tanong. Umupo si Quentin at nagsalin ng kaniyang kape. Panay pa din ang pagpuna ni Clementine sa kape. ‘How come he can make the same aroma with professional barista?’ aniya sa kaniyang isipan habang nakatanaw sa tasa ng kape. This looked exactly the same with coffee shops she had been before. The only difference is she's having this coffee inside an old deteriorating hut, malayo sa mga modern coffee shops. Tumikhim siya at dahan-dahang ininom iyon. Nakatingin lamang nang seryoso sa kaniya si Quentin. “Ano?” seryosong tanong nito. Ngumiwi si Clementine. “Hindi masarap.” sabi niya na lamang kahit na ang totoo, isa ata iyon sa pinaka-masarap na kapeng natikman niya. She sipped again, this time the coffee almost spilled on the side of her lips because the bamboo table moved a little bit from her sudden movement. “Sh*t!” mura niya dahil muntik na matapunan ang kaniyang dress. Quentin crouched and wiped the side of her lips with his thumb. He licked it and smirked, “Masarap naman, Senyorita, ah?” aniya at tumalikod na dala-dala ang tasa ng kaniyang kape. Laglag ang panga ni Clementine. Hindi niya ineexpect iyon mula sa binata. Nilingon niya ang likuran ni Quentin. Wala lang sa kaniya na lumabas sa kubo at umupo sa upuang kawayan habang nakatanaw sa mga taniman. “What the actual hell, Quentin Blanco?” mura niya at ilang beses na kumurap para siguraduhin na hindi ito panaginip. "Are you flirting with me?" she whispered, wondering.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD