Morning came. Gaya ng dati, kasabay niya sa pagpasok ang magkapatid na Angela at Quentin, ang pinagkaiba lamang, hindi na magtuturo si Quentin.
He will make his resignation official. Nilingon niya si Quentin. He’s driving like normal. Wala siyang makita kahit na anong pagsisisi sa kaniyang mga mata.
Nag-iwas siya ng tingin. Hindi pa rin nagsasalita si Angela. The whole ride, she’s looking outside and wearing her headphones.
She just went out of the car and did not look back. Binalingan ni Clementine si Quentin.
“Hindi pa ba kayo okay?“ tanong niya.
Huminga nang malalim si Quentin at nagkibit-balikat. Bumaba na si Clementine sa pickup truck nito.
“Mag-aayos lang ako ng mga forms ko. I will go back to hacienda if I will finish early. Sunduin ko na lang kayo ni Angela. Start na ng sanctions niyo, hindi ba?” tanong niya.
Tumango si Clementine.
“See you later.” sabi pa ni Quentin.
Tinagilid ni Clementine ang ulo niya.
“Look, Quentin…” she trailed off and looked straight at his eyes, “Are you really okay about this?” tanong niya.
“How many times do I have to tell you that I am really okay, Clementine?” he asked and smiled a bit.
The bell rang. Tumingin na si Quentin sa building sa likuran niya at tinuro iyon.
“I think you’re going to be late. Let’s talk later, okay?” aniya.
Clementine nodded and ran so she can arrived on time. Marami siyang nakasalubong na estudiyante na nagbubulungan but she couldn’t care less.
She managed to finish class even though there were subtle looks thrown at her. She grabbed her things and went to the cafeteria where Vance and Korics was waiting.
Nakatingin ang mga ito sa kaniya mula sa pagpasok pa lamang niya.
“Spill,” Vance said.
Umirap si Clementine.
“Totoo ba na suspended si Frances? Nakasabay ko na mag-jogging ang kapatid niya kanina.” Korics asked.
“Yes. For two weeks.” simpleng sagot niya.
“And you know what’s worse? Quentin resigned.” she continued.
Gulat ang dalawa sa sinabi niya.
“At ikaw ano ang nakuha mo?” tanong ni Vance.
“Volunteer works for a month. Angela has two.” she answered.
She continued telling them what happened. It’s a relief that at least there are two men by her side who doesn’t judge or anything.
The topic ended after lunch. Kahit papaano ay gumaan ang loob ni Clementine kahit pa panay ang bulungan ng mga tao tungkol sa pagkakasuspende ni Frances.
Her class finished at three kaya nagdiretso siya sa guidance para malaman kung saan siya mag-vo-volunteer ngayon araw.
It’s a shame to experience this just now. Kahit gaano pasiya naging sakit sa ulo noon sa New York, hindi niya naramdaman ito. It’s like she’s experiencing a new dimension when she came here.
“Sa toilet ka. Maglilinis ka roon. Mamaya ay pupuntahan kita pagkatapos para ma-check iyon.” sabi ng guidance officer.
Laglag ang panga niya. Pinagmasdan niyang bumalik sa pagtipa sa kaniyang computer ito.
“Wala na bang mas madaling gawin?” tanong niya.
Umismid ang guidance officer sa sinabi niya at tumaas ang mga kilay nito.
“Nakuha na ni Angela ang paglilinis sa library. Kung napaaga ka eh ‘di sana may choice ka. Iyan na lang ang natitira, Miss Diogracia. Huwag nang maarte.” sabi nito at umirap pa.
Hindi makapaniwala si Clementine. She wanted to scream at the guidance officer but she knew that she doesn’t have that power here. She cannot make a mess on her first day or the succeeding days will be harder than this one. Kung gusto niyang matapos na ang isang buwan niya, she should do it quick.
Nagpunta siya sa banyo sa first floor. She put some disposable gloves that the guidance officer gave her and the mop. Mayroon din siyang mop.
The students looked at her when she entered. Isang grupo iyon ng mga junior. Napatingin ang mga ito sa dala-dala niyang cleaning equipments.
Nagbulungan sila.
“Ngayon lang kayo nakakita ng naglilinis?” she asked them sarcastically.
“Attitude talaga,” sabi noong isa at harap-harapan siyang tiningnan.
Clementine did not care and dragged the bucket on the other side. Nagtawanan ito habang nakatingin sa kaniya.
“Deserve,” kumento noong isa na nagpatawa pa sa kanila.
“Masiyado kasing maarte… ayan tuloy!” sabi pa noong isa.
Para silang mga anay na humanay sa harap ng salamin at nag-umpisang mag-retouch. Sinulyapan ni Clementine ang mga ito.
She opened the first cubicle. Napangiwi siya sa pandidiri dahil kahit kailanman, hindi siya naglilinis ng toilet. And not to mention, public toilet pa ito!
She mopped the floor. Mabilis iyon at nilinis niya ang basurahan. Naririnig pa rin niya ang mga babae.
Nasa ika-limang cubicle pa lang siya nang buksan noong isa sa mga babae ang katabing cubicle at sinasadyang sinipa ng mga ito ang tubig.
The brown and dirty water leaked again to the mopped floor. Mahigpit na hinawakan ni Clementine ang mop nang makita niya ang ngisi ng babaeng iyon.
“Sorry,” pekeng paghingi nito ng paumanhin.
“What the hell is your goddamn problem?” tanong niya sa babae.
Umiling ang babae at pinagkrus pa ang mga braso. Lumapit rin ang kaibigan niya.
“Bakit? Lalaban ka? Feeling mo may kakampi ka rito?” tanong sa kaniya ng babae pabalik.
Clementine cannot hold it anymore. Kahit na ayaw niya ng gulo, papatulan niya ang mga ito sa oras na galawin siya ng mga ito.
She’s not Clementine Serra Diogracia if she’s not the Queen Bee. At saka why do ugly girls turned out to be the most trying hard ones?
“At sino ba ang may sabi na lalabanan kita? I am kind to strange animals, Miss.” aniya at pinagpatuloy ang kaniyang paglilinis.
“Because of you, na-suspend si Frances! Sinira mo pa ang relasyon ng dalawang magkapatid. Ang kapal kapal mo!” sigaw niya.
Umirap si Clementine at panandaling nag-angat ng tingin sa babae.
“Woah, so suddenly SLCC became worried of Frances? When I arrived here, you barely friends with her. Frances did it to herself. Do not put the blame on me for her stupid actions.” giit niya.
Hindi niya pinilit na umamin si Frances noong araw na iyon. She tried so hard to discourage her pero masiyado siyang over-confident.
“And mind you, Angela ruined her brother’s reputation so he quit. Hindi ko alam bakit makikitid ang mga isipan niyong lahat at panay sisi kayo sa akin.” she argued.
Hindi nagustuhan ng babae ang nais niyang sabihin. Tinulak nito si Clementine sa dingding. Her other friends helped her to pin Clementine.
Hindi nagpatinag si Clementine. Hindi siya natatakot. It’s true. Hindi siya ang dapat na sisihin ng lahat dahil una, pare-pareho silang nasa tamang edad at pag-iisip.
“Kahit na! It all started with you! Ikaw na malandi ka—“
“Angela and Frances were not angels, too.” sabi ni Clementine.
The door opened. Bumungad doon si Quentin. He was looking at them intently.
“The guidance officer you might be here. Ano ang nangyayari rito?” tanong ni Quentin sa baritonong boses.
Inalis ng mga ito ang pagkakahawak nila kay Clementine at namumutlang tumingin dito.
“Q-Quentin…” tawag noong isang babae.
Nanatili si Quentin na nakatayo. Nagsialisan sila ng walang imik. Gustong mapailing ni Clementine. Masyadong matatapang pero wala naman palang ibubuga. She grabbed the mop and started to clean again.
“Ladies toilet 'to, Quentin.” she said.
Ngumuso si Quentin.
“I know.” he said. “I will wait for you.”
Tumango si Clementine.
“Then, wait outside. And guard the door. Do not let anyone get in. I want to finish this.” she said and hissed.
Ganoon nga ang ginawa ni Quentin. Natapos siya ng mabilis. If those brats did not spill the water, kanina pa sana niyang tapos iyon. She cleaned her hands and wiped her sweat.
Lumabas na siya. Tumayo agad si Quentin at tinulungan siya sa mga panglinis. Nilagay niya ito sa stock room.
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang masuri iyon ng guidance. Tumango ito at pinauwi na si Clementine.
She changed her top. Quentin and Clementine walked at the hallways to meet Angela at the parking lot.
“Bi-nu-bully ka ba nila kanina?” tanong ni Quentin.
Tumaas ang kilay ni Clementine.
“Me getting bullied? In their stupid wildest dream! They just attempted. But I won’t let them if you did not come to open the door.” she said with a sigh.
Tumango si Quentin.
“I will talk to the guidance—“
“Huwag na. Kaya ko naman, Quentin. Besides it is my fight and not yours.” she cut her off.
Nagkatinginan sila ni Quentin. She smiled at him. Dahan-dahan namang tumango si Quentin sa kaniya at hindi na muling nagsalita.
He held her hands.
“Everyone’s looking.” ani Clementine.
Ngumisi si Quentin at mas hinigpitan pa ang hawak sa kaniyang kamay.
“Hayaan mo sila.” aniya.
Hindi na nagulat si Clementine at hinayaan ang binata sa ginagawa niya. May mga estudiyante ang nakatingin sa mga kamay nilang nakasalikop.
They did not stop kahit pa halos maging mga bubuyog ang mga ito kabubulong.
“Isn’t PDA forbidden on the handbook? I don’t want my punishments to extend.” tanong ni Clementine sa binata.
Huminga nang malalim si Quentin at tumawa.
“Not when you’re already resigned.” he said and smirked sexily, “Now, I can hold my girlfriend’s hand whenever I want to.”
Nilingon ni Clementine si Quentin. They stopped in the middle of the hallway.
“What did you say? Girlfriend?” tanong ni Clementine.
Naging girlfriend na rin naman siya ng ilang kalalakihan sa New York pero hindi kailanman nagwala ang dibdib niya ng ganito.
The heat on her cheeks spread and reached her ears.
Quentin looked at her and smiled.
“Yes.” he nodded.
“Kailan pa, Quentin? Bakit hindi ako na-inform?” tanong niya at ngumisi.
“This is where we’ll going when I said I’m gonna date you.” he answered and licked his lips. “I don’t date girls without intention of making them a girlfriend.”
Huminga nang malalim si Clementine.
“Pero ako ang nililigawan, Quentin. Kaya ako dapat ang magsasabi kung girlfriend mo na ako o hindi.” she said sarcastically.
Quentin rose his brow and tilted his head to look at her better. Nakangisi si Clementine sa kaniya. Hindi nito maitago ang ngiti niya sa binata.
“Okay, you do that. I may be not your boyfriend, yet. But to me, you are my girlfriend now, Senyorita.” he said.
He chuckled sexily and kissed the back of the hand he’s holding.