Kabanata 41 — Talk

2059 Words
Quentin stayed that weekend. He doesn’t have classes in Manila. Masayang masaya si Clementine na bumaba noong umaga. She will go to farm to work but this time with him. Nakatayo na sa labas si Quentin at kausap ang isa sa mga hardinero. “Quentin,” she called. Nilingon siya ni Quentin at pinagmasdan ang suot niya. She was wearing her denim pants partnered with a black plain t-shirt and a working boots. Ngumiti si Quentin. “You look like a pro haciendera. Bagay sa’yo.” he complimented Uminit ang pisngi ni Clementine. “Whatever, Quentin. Let’s go?” anyaya niya rito. Clementine followed him. Akala niya ay pupunta sila sa kaniyang pickup truck pero nagulat nang lumampas sila roon. “Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong niya sa binata, "Are we using another car?" Tumigil si Quentin sa kuwadra ng mga kabayo sa likod ng mansiyon. “Don’t tell me?” tanong niya, hindi matapos… “Yes, we will ride a horse today.” sagot niya. Hindi maipinta ang nararamdaman ni Clementine. She had never rode one. “I don’t know how.” iyon lang ang nasabi niya nang ilabas ni Quentin ang isang itim na kabayo mula sa kuwadra. Napaatras siya nang lumapit ito sa kaniya at humuni. It was so tall and big. “I promised to teach you how to ride a horse.” he said and offered his hand, “Come on, you’ll gonna love it.” Tinanggap ni Clementine ang kamay nito. He helped her to climb the horse’s back. “Tapa,” tawag ni Quentin at hinimas ang kabayo bago umakyat ito. Nilingon siya ni Clementine. “What? You named the horse ‘Tapa’?” she asked. "What's wrong with that? I have humors, too." he answered. Tumawa si Quentin at tinapik ang kabayo at nagsimula na itong tumakbo. Napatili si Clementine sa pagbilis ng takbo nito. She was sitting in front of Quentin. Humigpiut ang hawak niya sa braso ng binata. Humalakhak si Quentin sa takot na pinapakita ni Clementine. “Don’t go fast, Quentin!” she squealed. “Mabagal pa ito. Kapag natuto ka, you’ll know.” he answered. Tumigil sila sa sakahan. Sinalubong sila ng mga taga bukid. Quentin jumped down first and offered his hand to Clementine. Lumapit si Mang Noli sa kanila. Napatingin si Clementine kay Mang Ikoy na nasa likuran nito. Nang makita ni Mang Ikoy si Quentin, mabilis na lumayo ito at nakihalubilo sa ibang mga magsasaka. Ilang oras silang dalawa roon. Sinuri ni Quentin ang mga organic na pataba. Nakinig si Clementine sa mga turo ni Quentin. After that, Quentin nodded at Clementine. “Mauuna na muna kami, Mang Noli.” sabi ni Quentin. Tinulungan ni Quentin na sumakay siya sa kabayo at umalis na sila roon. Tumigil si Quentin sa tabi ng ilog. The horse started to drink. Bumaba si Quentin at sinalo si Clementine. Tinali ng binata ang kabayo. “We will eat lunch here, Senyorita.” Ngumuso si Clementine. “How? May dala kang pagkain?” tanong niya. Umiling si Quentin at nag-alis ng pang-itaas. Nag-iwas ng tingin si Clementine at mariin na pumikit. “Why do you always have to take your shirt off?” tanong niya. Kumunot ang noo ni Quentin sa tanong niya at ngumisi. “What? You are my girlfriend.” he said and put his top on a rock. Pinagmasdan ni Clementine ang binata. He even removed his pants and smirked at her. “Akala ko ba liberated ka?” tanong niya at tumawa. Namula ang pisngi ni Clementine sa sinabing iyon ni Quentin. She cannot believe that he’s using that against her. He dove to the clear waters. Nanatiling nakaupo si Clementine at pinanood si Quentin. After minutes, umahon si Quentin hawak hawak ang isang isda. Lumapit ito sa kaniya. “Get my shirt,” utos niya. Ginawa iyon ni Clementine. Nakita niyang nilagay ni Quentin ang isdang nahuli niya roon. “This is what we’ll eat?” tanong ni Clementine sa binata. Ngumisi si Quentin. “Walang papantay sa lasa ng bagong huling isda.” ani Quentin. “Hold it.” “It’s wiggling and slimy!” sigaw niya. “I can’t touch it!” "Hindi naman nangangagat 'yan. Just hold it for a while.” aniya. Muli itong sumisid. Clementine was left holding his shirt with a fish. Napapikit siya dahil gumagalaw pa ito. Ilang minuto pa ay muling umahon si Quentin may hawak itong isa pang isda. He’s only wearing his boxer. Lumapit ito sa kaniya at nilagay ang isa pang isda roon. He looked for a branch and pierced the fish so he can cook it. “Gagawa ako ng apoy.” aniya at kinuha ang isang posporo para sindihan ang ilang mga kahoy at dahon. Nagsimula siya ng apoy at nilagay ang mga isda sa ibabaw ng tatlong bato. Clementine watched the fish while he washed his clothes on the river. Matapos iyon ay sinampay niya iyon sa isang puno para matuyo. Umupo siya sa harapan ni Clementine at seryosong binaliktad ang mga isda. “You always do this?” tanong niya sa binata. Ngumisi si Quentin at tumango. “Noong mga bata kami ni Angela. We used to do this when we were left at home with no money.” he answered. “With no money? What do you mean?” tanong niya. Huminga nang malalim si Quentin. “We had a rough childhood, Tine. We were poor.” sabi ni Quentin. May pait na dumaan sa mga mata ni Quentin. Clementine can imagine a young Quentin and Angela dirty and hungry. “I am so sorry that you had to experience that.” she said with sincere tone. “Don’t be. I am really thankful for it. Those things made me stronger.” he said. “Magsasaka sina Mama at Papa sa azucarera niyo at sakto lang ang kinikita nila para sa pang-araw araw. May ilang mga araw na naiiwan kami ni Angela na walang pagkain. Kaya bilang nakakatandang kapatid, kailangan kong matutong dumiskarte para hindi magutom ang kapatid ko.” pagkukuwento niya. Tumango si Clementine. Hindi niya mawari ang mararamdaman niya. She cannot imagine someone as kids can experience that. She on the other hand, did not even experience go hungry or penniless. She grew up like a princess. “So, you learned how to fish as a kid? You’re impressive.” sabi niya sa binata. “Bakit ka nakilala ni Daddy? He seemed to trust you so much and it’s unusual for Don Wilfredo to be like that.” sabi niya. “My father died when I was thirteen. My mother cannot raise us with her salary as a farmer so I decided to work in the stables. Kinailangan ni Don Wilfredo ng tao na magpapakain at maglilinis sa mga kabayo. I was chosen for the job and there where it started.” he said. Tumango si Clementine. “I became an honor student. Naniniwala ako na hindi ako yayaman sa pagtatrabaho lang sa sakahan. I need to study hard so I can be like your father. Nakita ni Don Wilfredo ang pagsisikap ko kaya naman ng maka-graduate ako sa Community College ay nag-offer siya na maging kanang kamay niya sa negosyo.” “That’s why he trusted you so much. You’re his golden boy, you know?” Clementine said and chuckled. “No. I am not a golden boy. Natutunan ko rin ang lahat ng alam ko mula kay Don Wilfredo. Your father is really a smart one, Senyorita. He values business.” Tinanaw ni Clementine ang tanawin sa harapan niya. All of this land was the fruit of her father’s labor. The lands she will own someday. “Yes. I just see it now. Before, all I can see is his hunger for money and power. Na napapabayaan na niya kami ni Mommy.” she smiled bitterly. “Nakikita ko si Donya ilang beses noon. You were a little kid back then kaya siguro hindi mo pa naalala. We attended your seventh birthday kasi inimbita ni Donya ang lahat ng trabahador sa mansiyon.” sabi ni Quentin Ngumisi si Clementine. “Talaga? Bakit hindi ko alam ‘yon? Nagkita ba tayong dalawa?” tanong niya may ngiti sa labi. Ang sarap isipin na nagkaroon sila ng interaction noong mga bata sila. Parang pa-kiramdam niya, para silang childhood sweethearts. “Hindi. Hindi ka namin malapitan noon. You’re the princess and we are the servants.” he said. Ngumiti si Quentin at umiling. Kinuha niya ang isda at binigay iyon kay Clementine. Kinuha ito ni Clementine at hinipan. “My mother never looked at someone’s status, Quentin. My mother is kind as I can remember. The people loved her.” she said. Tumahimik si Quentin sa sinabi niya. Lumunok siya at sinubukang alisin ang balat ng isda para makain niya iyon. “Masarap,” sabi ni Quentin at ngumiti, “Tikman mo.” Tumango si Clementine. She bit her fish and it really tasted fresh and good. She ate it continuously. Tahimik silang dalawa ni Quentin hanggang sa naubos niya iyon. She washed her hands with the river’s water. She groaned and stood up. “Nabusog ka?” tanong ni Quentin. Tumango siya at ngumiti. Hindi niya alam kung gutom lang ba siya kanina o talagang napakasarap ng kaniyang kinain. “Good. We’ll just rest for an hour and then I will teach you how to ride your horse.” he said. Iyon ang ginawa nila. She swam on the river. They dried themselves before the decided to do horse back riding. They rode Tapa for almost an hour and a half before they stopped. Dinala siya ni Quentin sa isang malayo at tahimik na lugar. Flat iyon at mapuno. Malayo iyon sa lupain nila. Namangha si Clementine sa ganda ng lugar. “Saan ‘to?” tanong niya at pinagmasdan ang fence na nakapalibot doon. “This is the end of your land, Clementine.” sabi ni Quentin at tinuro ang kabila ng fence, “Sa mga Decerna na iyan.” Tumango si Clementine. Quentin led her to Tapa and taught her how to climb on the horse’s saddle. Nakinig si Clementine. It’s a good sport and who knows… she might make it a hobby. Quentin guide her how to make Tapa run and stop. Ilang oras pa ay nakuha ni Clementine paano kontrolin si Tapa. “This is too easy!” sabi niya kay Clementine at pinatakbo si Tapa. Nanonood si Quentin at hinayaan si Clementin na magpaikot ikot doon. Nakangiti sita dahil masaya si Clementine. “Sabi ko naman sa’yo, magugustuhan mo.” he said. Tumawa si Clementine sa kaniya at ngumiti. “This is the best date ever, Quentin.” she said and made Tapa stopped moving, “Thank you.” It’s her genuine feeling. Out of all the dates she had in the past, no one can beat this. It’s an authentic feeling. They swam and cooked their fish and now, they did horseback riding. Who would have thought that dates can be this inexpensive? Another galloping of horse was heard from the other side of the fence. Pareho nilang nilingon ni Quentin ang papalapit na yabag nito. Nakita nila si Mase Garcia na papalapit sa kanila. Hindi pa sila napapansin nito. Sumunod dito ay si Vilhelm. Ito ang unang nakapansin sa kanilang dalawa. He stopped the horse beside the fence and looked at Quetin and Clementine. Lumapit si Quentin sa kinaroroonan ni Clementine at kinuha ang tali ni Tapa para mahila ito papalapit sa bakod. “Hey,” tawag nito. Tumigil rin si Mase at tumango sa kanila. “Vilhelm, Mase.” pagbati ni Quentin. Lumapit siya sa bakod at tiningnan ang mga ito. “Ano ang ginagawa niyo? It’s unusual to see you here anymore after all this time.” Vilhelm said that and smirked. Huminga nang malalim si Quentin at namulsa. “Tinuturuan ko si Senyorita Clementine na sumakay sa kabayo. Kayo?” tanong ni Quentin sa kanila. “Rumuronda kami hanggang sa dulo ng lupain araw-araw, Quentin.” sagot ni Mase. Tumango si Quentin sa kanila. Hindi maalis ang ngisi ni Vilhelm kay Quentin. Nilipat nito ang tingin niya kay Clementine na nakatingin din sa kanila. “Quentin, Cressida will be vacationing here next week and I think she wants to talk to you.” ani Vilhelm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD