Kabanata 29 — Date to Marry

2202 Words
“W-What do you mean we’ll take it slow?” she asked. Quentin sighed. He’s so calm and serious. “Kikilalanin muna kita, ganoon ka rin sa akin.” Simpleng sagot ni Quentin. Kumunot ang noo ni Clementine. Hindi siya baguhan sa mga ganito. She dated a lot of guys. Pero this was the first time na may magsasabi sa kaniya ng ganoon. Even River confessed to her and the day after, they were seen going out. “You mean, courting me?” she asked him. Si Quentin naman ang nagkaroon ng pagkakataon para magtaka sa reaksiyon ng dalaga. “Oo. Hindi ba ganoon naman talaga dapat?” tanong ni Quentin at dumilim ang kaniyang titig sa dalaga, “Ibig sabihin hindi ka pa nililigawan ng mga naging boyfriend mo?” Lumunok si Clementine at nag-iwas ng tingin. “I think we don’t do that in the US.” she whispered. Lalong nagseryoso si Quentin. His eyebrow rose as he crossed his arms. Para tuloy siyang bata na pinapagalitan ng teacher. “So, you kiss guys and the next morning kayo na?” tanong pa niya. Umirap si Clementine. “Why are you interrogating me, ba?” tanong niya at ngumuso, “It was all in the past.” Huminga nang malalim si Quentin. “Kung ganoon ka sa mga dating ka-relasyon, sa akin hindi. If I like someone, gusto ko kinikilala at pinaghihirapan.” sabi ni Quentin. Namula ang pisngi ni Clementine. That was the first time she heard it from a guy. The guys he dated, they’re always up for an instant romance, nothing all. Her heart fluttered at the thought. “B-Bahala ka!” sabi niya at nag-iwas ng tingin. Quentin smirked playfully. She was calm the next day. Hindi pa rin siya makakapasok hanggang sa dulo ng linggo pero hindi niya inalintana iyon. Quentin made sure that she will know about the topics discussed on the class. Umuuwi siya tuwing tanghali dala dala ang mga notes o ‘di kaya ay photocopy. He’s checking the haciends tuwing lunch bago siya ulit bumabalik sa school para sa sunod niyang klase. Clementine did her part. Inaaral niya iyon dala na rin ng kaniyang boredom. She was flipping through the marketing book when Manang came in with Dr. Pablo Vizconde. “I am here para i-check ang tahi ng sugat mo, Clementine.” sabi nito. “Oh! Sure, Doc.” she said. "Bababa na muna ako, Doc, Tine,” sabi ni Manang na nakangiti, “Magpapahanda ako ng kakainin ninyo.” Tumango si Clementine. Hinayaan niyang alisin ni Doc Pablo ang comforter. She was only wearing a large shirt and a dolphin shorts. Seryoso namang sinuri ni Pablo iyon. Hinawakan nito ang hita niya at pinosisyon nang pa-incline para mas masuri pa. He wore a latex gloves and nodded at her. Clementine did not bother to be conscious about their position. For sure, Doc Pablo’s a pro and he encountered many pretty patients. A body appeared at the door. Nag-angat nang tingin si Clementine sa bagong dating na si Quentin. Napawi ang ngisi ni Clementine. Tumikhim ang binata para ipaalam ang kaniyang pagdating. “Q-Quentin,” she called. Nag-angat ng magalang na tingin si Pablo sa kaibigan at tumango. “You’re here, Quentin.” he said at kumuha ng gaza para palitan ang nakabalot sa tahi niya. Lumapit si Quentin. Nanatiling seryoso at parang agila na naghihintay sugudin ang nais dagitin. Nakadiin ang mga panga nito na umupo sa upuan doon. “Kumusta ang mga sugat ni Senyorita, Pablo?” tanong nito. Pablo finished cleaning the wounds and removed his latex gloves. “She will be fine. The medicines seemed to be working. Naghihilom na ang tahi niya. Next week she can walk.” he said. Quentin bluntly got the comforter and wrapped it around her legs. Pablo noticed it and smirked. “I will just get going. Send the fee on my account.” pagpapaalam ni Pablo at kinuha na ang gamit niya. “Thank you, Doc.” Clementine said and smiled. “No worries, Senyorita Clementine.” he said back at tinapik ang balikat ni Quentin. “Chill out, man. I held so many hot legs in this profession.” he said and smirked. Quentin did not answer. Lumabas na rin si Pablo. Clementine bit her lower lip at hinanda na ang sarili sa salubong na sermon ni Quentin. But Quentin did not. Huminga lang ito nang malalim. “I already informed your father about what happened. Nasa biyahe na sila pauwi at baka mamaya lang ay nandidito na.” he said. Natigilan si Clementine. Ngayong araw, babalik na si Don Wilfredo. Napagpasiyahan ng doktor na rito na ituloy ang gamutan sa San Lucas dahil mas lumalala ang kalagayan nito. “What did he say?” tanong ni Clementine. Pumikit si Quentin at nanliit ang mga mata niya sa dalaga. “As usual, napagsabihan ako. Your father entrusts you to me.” Tumawa si Clementine sa sinabi ng binata. Ngumiti na rin si Quentin at nilagay ang mga braso niya sa balikat ng dalaga. “Nagmeryenda ka na ba?” she asked him. Umiling si Quentin. “Hindi pa. Nagkaroon ng problema sa corn milling kaya inuna ko ‘yon.” paliwanag ni Quentin. Pinanood ni Clementine na sinandal ng binata ang ulo niya sa bedframe ng kama at pumikit. Doon napagmasdan niya ang kakisigan ng isang Quentin Blanco. Mahahaba ang pilik niya. Mapula ang labi. Maganda rin ang kaniyang mga kilay. At ang adam’s apple niya sa tuwing lumulunok siya ay nakakawala ng hininga. ‘Paano siya nagiging ganitong ka perpekto kahit nakapikit lamang siya?’ tanong niya sa sarili. Quentin suddenly opened his eyes. Hindi nag-iwas ng tingin si Clementine kaya nauwi silang dalawa sa titigan. Binasa ni Quentin ang pang-ibabang labi. Pumungay ang mga mata ni Clementine. Umiling si Quentin nang nakangisi at pumikit. Ilang segundo pa ay bumangon na siya mula sa pagkakasandal at tumingin sa dalaga. “Bago ko pa makalimutan, binigay ni Frances ang notebook niya para makakopya ka ng mga discussions sa Filipino.” Binigay ni Quentin ang puting notebook. Natulala si Clementine habang binubuksan iyon. “Close na ba kayo ni Frances?” she asked. She cannot help but to feel regret. Pinagsisisihan niya na tinulungan niya si Frances. Kahit na naiinis siya sa dalaga, alam ni Clementine na isa siya sa mga nagtulak kay Frances na umamin kay Quentin. “Lumapit siya sa faculty para ipabigay ito sa’yo. She’s a great friend, Senyorita.” kumento ni Quentin. Tumango si Clementine. “She likes you, Quentin.” she said. Kumunot ang noo ni Quentin at umiling. “She cannot be serious about that game. She’s just being concerned with you, that’s all.” he said. Umiling si Clementine. She wanted to contest it pero nagsalita si Manang sa may pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa kanila sinaFrances at Vance na kasama ni Manang. Clementine’s eyes widened. Casual na tumayo si Quentin para lumapit kay Manang at magmano. “Nariyan ka na pala, Quentin?” tanong ni Manang. Hindi man lang ito nagulat gaya ng pagkatigil nina Vance at Frances nang maabutan si Vance sa kuwarto. “Dinala ko lang kay Senyorita ang mga notes na na-missed niya sa klase, ‘Nang. Pabalik na rin ako sa kuwarto ko.” magalang na sabi nito. Tumango ang matanda. “Hija, nariyan ang mga kaibigan mo para kamustahin ka.” sabi ni Manang. Tumango si Clementine at pilit na ngumiti. “Oh sige! Maiwan na namin kayo ni Quentin para makapag-usap kayo. Papaakyat na lang ako kay Melba ng pagkain.” pamamaalam ni Manang. “M-Magandang gabi, Q-Quentin.” bati ni Frances na namumula ang pisngi. Tumango si Quentin at binati siya pabalik. “Sa’yo rin, Frances… Vance.” Inalalayan ni Quentin ang matanda paalis doon. Frances came near her. Si Vance naman umupo sa kaniyang study table. Nagkuwentuhan sila. Napadpad ang kanilang topic sa mga nangyari sa school. Nakangiti naman si Frances nang mabanggit ni Vance ang tungkol sa mga usapan tungkol kay Frances at Quentin. Now, everyone thinks that they had something between them dahil kumalat ang sagot ni Quentin na may gusto siya noon sa truth or dare. Pulang pula ang mukha ni Frances. Kinabahan naman si Clementine. She cannot tell them what’s between her and Quentin as they agreed to take it slow. At isa pa, ayaw ni Clementine na masaktan ang umaasang si Frances. Hilaw ang mga ngisi at tawa niya kay Frances. Ilang saglit pa ay kumatok na si Manang para sa hapunan. Bumaba si Clementine kasama ni Vance at Frances. Naroon na si Quentin at Angela. Ngumiti si Angela at kumaway sa mga bisita. “Dito ka na maupo, Frances.” sabi ni Angela at tinuro ang dating upuan niya sa tabi ng kapatid. Natigilan si Clementine at nagkatinginan sila ni Quentin. Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. Vance pulled a chair for her. “Upo ka, Clementine.” he said. Tumikhim si Quentin nang umupo roon si Clementine. Kinagat ng dalaga ang labi niya. This dinner’s so awkward kahit na siya lang naman ang nakakaramdam noon. “Manang! Dumating na po sina Don Wilfredo!” sigaw ni Melba mula sa living area. Inutusan ni Manang si Isay na tumulong sa pagkuha ng mga maleta. Tuluyan nang nakapasok si Don Wilfredo na tulak tulak ng kaniyang nurse. “Daddy,” Clementine said and kissed her father on the cheeks. “How are you feeling?” tanong niya. "I heard what happened to you. How's your stitches?" tanong ni Don Wilfredo pabalik. "The doctor said I can go back to school next week." sagot niya. Tumango si Don Wilfredo sa kaniya at binalingan ang hapag. “May mga bisita pala tayo?” aniya at tumango kina Vance at Frances. “Melba, kumuha ka pa ng isang plato para kay Don Wilfredo.” utos ni Quentin. Mabilis na sinunod iyon ni Isay. Umupo si Don Wilfredo sa kabisera at hinayaan ang mga ito na magsalin ng juice sa kaniyang braso. “You are Vernon’s son, ‘di ba?” Don Wilfredo asked Vance. Tumango si Vance at ngumiti. “Yes, Don Wilfredo. I am Vance Decerna,” he introduces himself. Bumaling naman si Don Wilfredo kay Frances na nasa tabihan ni Quentin. “You are?” tanong ni Don Wilfredo. Ngumiti si Frances nang tipid at tumingin kay Clementine bago kay Don Wilfredo. “F-Frances Beredo po,” sagot ni Don Wilfredo. Tumango si Don at uminom ng tubig. Clementine cannot chew her food. Nagkakatinginan sila minsan ni Quentin na nakaupo sa tapat niya. “Girlfriend mo, Quentin?” tanong ni Don Wilfredo. Hindi na napigilan ni Clementine na masamid sa kaniyang kinakain. Quentin was about to pour water pero naunang nakuha ni Vance ang babasaging pitsel para salinan ang baso ni Clementine. Ininom iyon ni Clementine. Lahat ay nakatuon na ang atensiyon sa kaniya. She inhaled and wiped the side of her lips with her table napkin. “I’m sorry. Excuse me.” she said and looked at Quentin. Hilaw na nakangiti si Frances. Kumunot ang noo ni Quentin at bumaling kay Don Wilfredo. “Hindi po, Don. Kaibigan siya nina Clementine at Angela.” sabi ni Quentin. Tiningnan ni Clementine na namutla si Frances at parang napahiya sa pagtanggi na iyon ni Quentin. Tumango si Don Wilfredo at bumaling kay Vance. “How’s your father doing?” tanong nito. Tumigil sa pagnguya si Vance at tinuon ang atensiyon kay Don Wilfredo. “He’s doing fine, Don. He’s now managing the whole Hacienda now that’s Tita Veronica and Tito Chester migrate to Canada.” “I am sure you are helping? Vilhelm knows his way around the business. Do you?” tanong ni Don Wilfredo. Kumunot ang noo ni Clementine. Personal ang mga tanong ni Don Wilfredo. But Vance remained calm and serious. “I’m handling the cattle ranch, Don.” sabi ni Vance. “I am also helping Dad on building connections so we can export rice to Indonesia and Malaysia.” Tumango si Don Wilfredo at ngumiti. “Are you interested in my daughter?” tanong ni Don, walang halong hiya. Lumaki ang mga mata ni Clementine. Hindi niya akalain na sobrang straight ng tanong na iyon. Nilingon niya si Quentin. He stopped eating but remained serious. Si Vance naman ay ganoon rin. “As of now, we are just friends… Don Wilfredo. But we’ll see in the future.” he answered. Tumawa si Don Wilfredo sa sinagot ni Vance. “This is what you date to marry, Clementine Serra…” sabi ni Don Wilfredo. “A rich, stable and handsome young man. Iyong kaya ang mga luho mo. ‘Yong kaya kang buhayin. The man who can make you sleep all night without worrying about tomorrow.” “Y-Yes, Dad.” she said with a fake smile. She thought the same before. But with her current situation with Quentin, hindi na niga gusto ang ideyang iyon. She swallowed and bit her lower lip. Nanlamig ang tiyan ni Clementine. She immediately looked in Quentin’s eyes. Nag-iwas ito ng tingin at binaling ang atensiyon sa pag-inom ng tubig. May diin ang mga bagang nito na sumulyap sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD