The dinner ended awkwardly. Don Wilfredo went upstairs. Naiwan sina Clementine sa hapag. Niligpit nina Melba at Isay ang mga pagkain sa mesa.
Tumayo si Frances para tulungan sila magligpit pero umiling si Melba at kinuha ang mga pinggan.
“Ako na riyan, Frances. Doon na kayo sa sala.” saway niya rito.
Lumabas naman si Manang mula sa dirty kitchen. She has a big smile.
“Mga anak, naghanda ako ng tsaa at mga panghimagas sa salas para sa mga bisita natin.” sabi ni Manang.
“Let’s go guys!” sabi ni Clementine sa mga bisita.
They all stood up. Nagkatinginan si Clementine at Frances. She’s smiling at Clementine. Tumango si Clementine kay Frances at kinuha ang kaniyang saklay para sa ganoon ay makalipat sila sa sala. Quentin noticed and stood up but Vance was quick. Hinawakan ni Vance ang baywang ng dalaga para alalayan ito.
“Here, let me help you…” bulong ni Vance at inayos ang uupuan ni Clementine.
“T-Thanks,” aniya at ngumiti.
Vance sat beside her. His right arm stayed on her backrest. Lumunok si Clementine nang tiningnan ang braso ni Vance sa gilid ng kaniyang mga mata.
Quentin cleared his throat.
Pinanood ni Clementine ang seryosong mukha ni Quentin. Umiigting ang mga panga nito na tumingin sa banda nila.
He sat in front of her. Lumapit naman si Frances at umupo sa tabihan ni Quentin.
Angela was seated beside Frances.
Kinuha ni Clementine ang isang tasa ng tsaa at uminom doon.
“How’s your leg?” tanong ni Frances at kumuha na rin ng kaniya.
Binaba ni Clementine ang tasa at ngumiti sa babae.
“Oh, the doctor said I can go back to school next week. I guess it’s all good.” she answered and smiled.
“Mabuti naman! Para may kasama na ulit kami ni Vance mag-lunch.” she smiled.
Ngumiti ng pilit si Clementine.
“Oo nga eh.” iyon na lamang ang nasabi niya.
Vance drank his tea and looked at her.
“Bakit ka ba kasi napadpad sa parteng iyon ng hacienda niyo?” tanong niya kay Clementine.
“I jogged and wandered so far. Hindi ko alam kung paano makakabalik. And a wild pig just run after me.” she explained.
Tumawa si Vance sa sinabi niya.
“You and your pretty dumb mind,” ngisi niya.
Umirap si Clementine sa sinabi nito. Si Quentin naman tumaas ang kilay.
“I agree,” sabi niya kay Vance at kumuha na rin ng tsaa niya. Hinalo niya iyon gamit ang tea bag at tumaas ang kilay. “Good thing, I found her.”
May diin ang pagkakasabi ni Quentin noon. Parang pinaparating na siya ang nakakita kay Clementine. Vance smirked and did not answer.
Natigilan si Clementine at binaba ang tasa. She felt a sudden tension in the air. She just get the plate of macaroons and offered it to everyone.
“M-Macaroons, everyone?” tanong niya.
Umiling si Vance. Quentin raised his eyebrow and get one. Hindi niya inaalis ang tingin na sinubo iyon.
Hilaw ang mga ngiti ni Frances. Pilit lang siyang kumuha at nag-iwas ng tingin.
Clementine sighed and put the plate down.
“Kuya,” sabi ni Angela at ngumiti, “Ihatid mo na pauwi si Frances.”
Kumunot ang noo ni Quentin at tumingin kay Clementine. She looked away focusing her attention to Vance.
“Hindi ba sabay kayong pumunta rito, Vance? Hindi mo ba siya ihahatid pauwi?” tanong ni Quentin kay Vance na nakangisi.
Umiling ito.
“I will go straight to my mother’s house, Quentin.” he answered and shrugged.
Umasim ang damdamin ni Clementine sa sagot ni Vance. Gusto niyang kurutin itong si Vance pero mabubuko sila.
They should be careful lalo na at nandidito na si Don Wilfredo. Sa tingin din ni Clementine nakakahalata na si Angela.
Matagal na tumitig si Quentin kay Vance pero maya-maya lang ay tumango na rin. Madilim na kasi sa labas at wala na masiyadong tricycle na dumadaan sa parte na iyon.
“Hindi na, Quentin!” sabi ni Frances at namumula pa.
Ngumiti siya ng malapad at tumango sa binata.
“Okay lang naman na bumiyahe na lang ako if hindi ka available.” sabi pa niya.
Tumaas nang bahagya ang kilay ni Clementine. These days, napapansin niya ang pagbabago sa ugali ni Frances. She shifted from this sweet innocent girl to somewhat aggresive.
“Hindi,” sabi ni Quentin, mukhang sumusuko na, “Ihahatid kita sa inyo.”
Clementine licked her lower lip. Kinuha niya ang baso ng tsaa na nasa center table at sumimsim doon. She tried so hard to not raise her eyebrow.
“T-Talaga?” Frances asked and looked at Clementine, "Thank you, Quentin."
She forced a smile.
“Go with him, Frances.” she said half heartedly.
Quentin looked at her for a bit and fished his keys from his pocket. Tumayo si Frances at humalik sa pisngi ni Angela. She nodded at Vance and stopped to whisper at Clementine’s cheeks.
“Clementine, ito na ‘yon.” sabi ni Frances at ngumiti. “Wish me luck.”
Clementine felt a punch in her gut. She wanted to stop Quentin but she cannot. Ngayon na hindi niya alam kung saan tumatayo si Don Wilfredo sa ganitong klase ng relasyon.
They watched them leave.
“I think they would look good together.” sabi niya kahit wala namang nagtatanong noon.
Vance shrugged.
“Hindi natin sigurado iyan, Angela. Frances is too young for your brother.” saad naman ni Vance.
Angela looked at Vance and smiled.
“Pero mature naman si Frances. Plus, she’s really kind and easy to get along.” she emphasized and looked at Clementine.
Tumaas ang kilay ni Clementine. Halatang siya ang pinapataaman nito. She wanted to talk back so bad but still, she needs to talk with Quentin.
Vance left after five minutes. His father called. Pinanood ni Clementine na umalis mula sa overlooking window ang sasakyan ni Vance. Angela was beside her watching him, too.
“Tama si Don Wilfredo, Senyorita. Bagay kayo ni Vance.”
Nilingon ni Clementine si Angela.
“How did you say so?” tanong niya, handa nang makipagsagutan.
Si Angela ay nanatiling kalmado, mukhang hindi naghahanap ng away. She just looked at the slight furiousness written on Clementine’s face.
“Obvious naman iyon. Ang mga gaya mo, hinding hindi nababagay sa mga gaya namin.” sagot niya.
Now, Clementine’s sure that Angela knows something. Kinuyom niya ang kaniyang palad at ngumisi kay Angela.
“Don’t go stereotype on me, Angela.” she warned her.
“Sinasabi ko lang ang totoo, Senyorita.” matapang niyang sabi at tumingin muli sa bintana, “Marami kang luho. At para mapanatili mo iyon, kailangan mayaman din ang mapapangasawa mo. Kaya kung nakikipaglaro ka lang sa ngayon, tigilan mo na.”
Clementine laughed. Mukha namang na-offend si Angela roon. She just cannot believe that Angela had the audacity to tell it to her face.
“Thank you for your concern, Angela. But I don’t need your sentiments about this. My relationships are none of your business.” she said, sarcastically.
Umiling si Angela.
“It’s my business if my brother is involved, Clementine. Hindi ako bulag para hindi makita kung paano ka tingnan ng kapatid ko.” she said with pure disgust.
Clementine did not answer. Pinagmasdan lang niya si Angela. She’s far from the weak and angel girl she met when she first came here. She’s now showing her fangs.
The lights from Quentin’s pick up caught their attention. Tumigil iyon sa harap ng porch. Nakadungaw sila ni Angela roon.
“Maraming masasaktan sa relasyon niyo kung itutuloy mo iyan, Senyorita.” sabi ni Angela.
Tumingin ito sa kapatid na ngayon ay umaakyat sa hagdanan. Hindi pa sila napapansin ni Quentin
Frances is obviously in love with Kuya. She’s your only genuine friend here in San Lucas, huwag mong sayangin iyon.”
Kumunot ang noo ni Clementine.
“What do you mean only genuine friend? Are you blind? I got so many friends here, Angela.” aniya.
Tumawa si Angela. Siya naman sa pagkakataong iyon ang na-offend dahil sa ginawang iyon ni Angela.
“They hated your guts when you are out of sight, Clementine. If you only knew what they are talking about you.” sabi ni Angela.
Nawala ang huwisyo ni Clementine. She just stood there feeling confused.
“They hated you because of your family, Clementine. If you only knew what the Diogracia’s did. No one will ever forget about it kahit ano pang trabaho ang ibigay ni Don Wilfredo sa mga tao rito.”
Quentin reached the door. Nilingon ni Angela ang kapatid at sinalubong ito. Seryosong tumitig sa kanila si Quentin.
Nandito pa kayo?” tanong niya sa kanila at pabalik-balik ang tingin.
Angela smiled and nodded. Tumingin ito kay Clementine at ngumiti kay Quentin.
“Hinihintay ka namin ni Senyorita. How’s Frances?” masayang sabi nito sa kapatid.
Quentin did not answer Angela. Nanatili itong nakatingin ng seryoso kay Clementine.
Hindi naman makapag-process ang utak ni Clementine. Nanatili siyang nakatayo roon at nakatingin kay Angela.
“Okay ka lang ba, Senyorita?” tanong ni Quentin at umamba na lalapitan siya.
Clementine just put her hands in the air to stop him from going near her.
“I-I am okay. I will just go to my room to rest.” aniya at agad na naglakad papaakyat.
Angela and Quentin watched her as she climbed the stairs slowly. Nang makarating sa taas ay umupo siya sa kama.
'Ano ba talaga ang nangyari? Why did Angela say those words to me? Anong ginawa ng mga Diogracia? Ni Daddy?' she thought.
"Everyone's faking their friendship with me? Really, San Lucas?" galit niyang utas at humiga sa kama.
When she's already think, she's fitting in. Saka naman niya malalaman ito.
She closed her eyes.