“I will leave now, Clementine.” sabi ni Quentin, at pinaliit ang kaniyang mga mata, “You better behave.”
Nakangiti nang pinanood siya ni Clementine, Biyernes ng gabi. Tutulak ito sa Manila para sa kaniyang klase bukas ng umaga. Gaya nitong mga nakaraan, sa Linggo ng gabi siya uuwi sa San Lucas. Ganoon lamang ang routine nila sa bawat linggo.
“Yes of course. I would be very busy with the hacienda.” sagot niya.
Tumango si Quentin at binuksan ang kaniyang pickup. Angela did not go out para ihatid ang kapatid. Si Manang naman ay pumasok na matapos magmano ni Quentin.
“Good. Pumasok ka na, aalis na ako,” utos ni Quentin.
Clementine nodded and went inside. Nilingon niya mula sa bintana ang sasakyan ni Quentin na umalis na. Umakyat na si Clementine papunta sa kaniyang silid para basahin ang ilang paperworks ng hacienda.
She’s very busy this week. Sa kaniya ipinagkatiwala ni Quentin ang pag-ma-manage ng ilang export ng suka at asukal.
Kaya naman kinaumagahan, tumungo siya sa pabrika. Binati siya ng ilang trabahador doon. Sinalubong siya ni Mang Teban.
“Ma’am, paalis na ang mga truck. Nasa likuran at tinatapos lang ang pagkakarga,” balita nito sa kaniya.
“Sige, pupunta po ako roon,” sagot niya at agad na umalis para tingnan ang mga truck.
Hindi niya maiwasang mamangha ng makita ang malalaking truck na may tatak ng Diogracia. Laman noon ay mga produkto na mula sa kanila. Being the main supplier of sugar and vinegar in almost the Philippines is no joke.
She made sure that everything’s fine. Ayaw niyang pumalpak iyon. Quentin’s not here and she wanted to prove herself to Don Wilfredo. Kahit na may nararamdaman siya para kay Quentin, he’s still her competitor pagdating sa ama.
Pagsapit ng tanghali, pumunta siya sa manggahan para i-check ang mga bilin ni Quentin. Bumaba siya sa sasakyang minamaneho. Agarang nagtinginan ang mga tao roon.
Lumunok si Clementine dahil kakaibang mga tingin ang pinupukol ng mga ito sa kaniya. Sinubukan niyang ngumiti pero ang ilan ay seryoso lang siyang tiningnan.
“Ma’am Clementine!” tawag ni Mang Noli na binaba ang kaing buhat buhat para lumapit sa kaniya.
“Manong, magandang umaga po.” bati niya at nilingon pa rin ang ilan.
Hindi gaya noong una niyang punta rito, marami na ang trabahador. Dahil iyon sa harvest na ngayon ng mga mangga.
Nakita niya sa hindi kalayuan sina Aling Juana. Kumaway ang mga ito sa kaniya kaya tumango siya. Marami silang kababaihang kasama na titig na titig kay Clementine.
“Nag-aani na po kami, Ma’am…” sabi ni Mang Noli at naglakad papalapit sa karamihan, “Halika!”
Lumapit si Mang Noli sa isa sa mga lalaking nandoon. Nagkatinginan sila ni Clementine pero halatang hindi ito pala-ngiti na tao.
Nag-iwas ng tingin si Clementine.
“Mang Ikoy, ikuha mo ng isang mangga si Ma’am.” utos ni Mang Noli.
Walang imik na kumuha si Mang Ikoy at iniabot kay Mang Noli.
Hawak ni Mang Noli ang isang hinog na mangga at hinati iyon.
“Tikman mo ito, Ma’am.” sabi ni Mang Noli.
Kinuha ni Clementine ang mangga sa kamay nito. Noong una ay nagdadalawang isip pa siya pero dahil sa dami ng pares ng mga mata na nakatingin sa kaniya, ay mas pinili niya na kainin iyon.
Lumaki ang mga mata niya dahil tama si Mang Noli. Sobrang tamis at masarap ang mangga nila. Tumango siya ng maubos niya iyon.
“Matamis siya, Mang Noli.” sabi niya at ngumiti.
Tumango si Mang Noli at agad ding nagpaalam dahil tinawag ito ng isa sa mga naroon.
“Pupunta po muna ako roon, Ma’am. Iwanan ko po muna kayo rito kay Mang Ikoy,” sabi ni Mang Noli at umalis na.
Tumikhim si Clementine. Masama pa rin ang tingin ni Mang Ikoy sa kaniya. Sinubukan niyang ngumiti.
“Kamusta na po kayo?” tanong niya sa matanda.
Hindi sumagot ito. Pinulot nito ang ilang mangga para ilagay sa kaing. Pinagmasdan ni Clementine ang braso nito na may sugat.
Sunog ang isang braso niya. Hindi namalayan ni Clementine na matagal na siyang nakatitig doon. Nag-angat ng tingin ni Mang Ikoy sa kaniya.
“Ano ang tinitingin tingin mo?” matapang na tanong nito sa kaniya.
Umiling at umatras si Clementine sa takot niya.
“W-Wala po.” iyon lang ang sinabi niya.
Umiling si Mang Ikoy at binuhat na ang kaing para umalis. Nagawa pa nitong banggain ang balikat ni Clementine. Muntik na siyang ma-out of balance kung hindi siya napasandal sa isa sa mga puno ng mangga.
Nakita naman ni Aling Juana at Aling Marci iyon at agad lumapit sa kaniya.
“Ayos ka lang ba, Clementine?” nag-aalalang tanong ni Aling Juana at tinulungan siyang pagpagan ang damit.
Namutla si Clementine at tumango. Harap-harapan ang galit ni Mang Ikoy.
“Si Ikoy talaga! Isusumbong ko iyan kay Quentin!” galit na utas ni Marci at pinanood ang lalaki sa malayo.
“Bakit galit si Mang Ikoy, sa akin?” tanong niya kina Aling Juana.
Nagkatinginan ang dalawa. Halata na hindi nila alam ang isasagot sa mga ito. Tumawa ng peke si Aling Marci at hinaplos ang braso ni Clementine.
“Naku! Mainitin at masungit talaga iyon!” sabi ni Aling Marci na agad tinanguan ni Aling Juana.
“Oo, Ma’am Clementine. Huwag ka mag-alala! Pagsasabihan ko iyon mamaya.” sabi ni Aling Juana at hinila na siya papunta sa banda ng nga kababaihan.
Nakatingin ang mga ito sa kanilang pagdating. Ang ilan, hindi pa rin ngumingiti at halatang nangangapa sa sitwasyon.
“Mga kumare,” tawag ni Aling Marci na pinandidilatan ang mga ito, “Si Senyorita Clementine nga pala, ang anak ni Don Wilfredo.”
Tumango si Clementine. Ginantihan naman ito ng mga tipid na ngiti. Tinuruan ni Aling Marci sa pagpapatas ng mga mangga sa kaing si Clementine. Habang tinatapos niya iyon, lumapit sa kaniya ang isa sa mga kasama nina Aling Juana.
"Kamukha ka talaga ni Donya, hija. Sa tuwing tinitingnan ka namin, nakikita namin ang hitsura ng iyong ina." sabi nito at pinatas ang huling layer ng mangga sa kaing ni Clementine.
Tumango si Clementine. Hindi niya inaasahan na kakausapin siya ng isa sa mga matatanda roon. Tiningala siya nito. Seryoso ito at ilang saglit at kinagat ang kaniyang labi.
"Sabi nga po nina Manang. But I do believe my Mommy's prettier po." she said.
Tumayo na ang matanda. Saglit siyang tinitigan nito at tumango.
"Sayang nga. Maganda si Don—"
"Aling Berna! Tama na 'yan. Tinatawag ka ni Aling Nida, may itatanong po ata." sabi noong isa kaya naputol ang sasabihin nito.
Ngumiwi ito at tumango. Bumaling ito kay Clementine at tipid na ngumiti. Nakatingin naman si Aling Nida sa kanila. Nag-usap sila ni Aling Berna.
Hindi na muli pang lumapit si Aling Berna sa kanila. Nanatili ito sa tabi ni Aling Nida.
Tumulong siya sa mga ito pero lumilipad pa din ang isipan niya sa mga wirdong pakikitungo ng mga ito. Natapos iyon. Nilapitan siya ni Mang Noli para alukin ng tanghalian.
Umiling si Clementine at ngumiti. Sinabi niya na nagpahanda siya ng tanghalian sa mansion at gusto lang talaga niyang tumingin sa pag-ha-harvest ng mangga.
Pinanood niyang naghanda ang mga ito ng pagkain. She waved at Mang Noli before she decided to leave. Dala niya ang isa sa mga kotse ni Don Wilfredo.
Pumarada siya sa porch at naglakad na para pumunta sa kusina. She’s hungry from all the walking and talking she did.
Sinalubong siya ni Angela na lumalabas mula sa dirty kitchen dala ang sabaw. Nakataas ang kilay nito sa kaniya. She just did the same and sat down.
“Nasaan si Manang?” tanong niya kay Melba.
“Nasa taas po, Ma’am. Naglilinis sa kuwarto niyo.” sabi ni Melba.
Tumango si Clementine. Umupo sa upuan niya si Angela. Tumikhim si Clementine at kinuha ang kubyertos niya.
“Let’s eat,” sabi niya nang hindi man lang tinitingnan si Angela.
She ate in silence. Pagkatapos, umakyat siya sa kuwarto para maligo. She will spend the half of her Saturday studying. Nakasalubong niya si Manang na kalalabas lang sa kuwarto niya.
"Hija, umiinom ka ba?" tanong ni Manang.
Nilingon ni Clementine ang pintuan ng kuwarto ni Don Wilfredo. Kita niya ang bote ng mga alak na ininom niya noong nakaraan. She swallowed but she did not confirm nor deny it.
"Huwag na itong mauulit, Clementine. Malalagot ka na naman sa Daddy mo. Even Quentin," sabi ni Manang.
Kumunot ang noo ni Clementine.
"What do you mean, Manang?" she asked.
"Ibinilin ka ng Daddy mo sa pangangalaga ni Quentin, hija." paliwanag ni Manang at ngumiti, "Mahigpit si Don Wilfredo sa mga utos niya kay Quentin. Kaya sana anak, makinig ka kahit ngayon lang. Ayaw ko na magkakaaway na naman kayo ng Daddy mo. Malulungkot ang Mommy mo kung nakikita niya kayo."
Tumango si Clementine.
"I'm sorry, Manang. I won't do it again." sabi niya at ngumiti ng tipid.
She's right. Mabait ang kaniyang ina. Donya Celestina won't like it if she will always talk back to Don Wilfredo.
Pumasok na siya sa kaniyang kuwarto. She opened the double doors to her balcony. She put her books and pens. She even opened her laptop.
She was busy reading when a notification from her phone. It was from Quentin.
Quentin: Nasa hacienda ka pa?
Kumunot ang noo ni Clementine. That’s the first time Quentin chatted her.
Clementine: Already home, studying.
The three dots indicating he’s typing appeared.
Quentin: That’s good. I am on lunch break. Did you eat?
Clementine bit her lower lip. She cannot stop smiling. Hinayaan niyang ma-seen niya iyon. She continued reading her notes when the three dots appeared again.
She watched what will be his message. Ilang segundo pa ay nawala din iyon. It was on and off.
“Tch. Don’t know what to say?” she smirked and continued highlighting words on her notes.
If there’s one thing she’s proud of, she’s not the clingy type. Hindi rin siya ang tipo ng babaeng easy to get. It’s still a mystery to her kung bakit ba mabilis siyang napapayag ni Quentin Blanco na ligawan siya. But one thing’s for sure… mahihirapan ang binata na makuha ang ‘YES’ niya.
She was startled when he suddenly video called. She clicked the answer button. Quentin was sitting outside. Naka-earphone siya. Kitang kita sa likuran niya ang building.
“What?” salubong niya sa binata.
Quentin licked his lower lip.
“I’m done eating. You just took a bath.” puna ni Quentin.
Ngumuso si Clementine. Her hair’s still wet. Hindi pa din siya nakakapagsuklay. The air in San Lucas will blow dry it for her.
“Wala ka na bang klase?” tanong niya kay Quentin.
He saw that he wore a white long sleeves that was folded up to his elbow. His broad shoulders were now exposed.
“I have ten good minutes to waste.” sagot ni Quentin.
“Ah. It must have been a nice weather in Manila.”
Umiling si Quentin at nagkibit-balikat.
"Wala pa ring tatalo sa San Lucas, Senyorita." sabi niya at ngumuso, “Kamusta ang hacienda?” tanong pa ni Quentin.
Ngumuso si Clementine. She suddenly remembered her encounter with Mang Ikoy.
“Maayos naman. Ang mga truck, nasa biyahe na. I went to the mango farm and…” she said and trailed off.
Kumunot ang noo ni Quentin.
“Why? What happened?” tanong nito.
Lumunok si Clementine.
“Si Mang Ikoy… palagi ba siyang galit?” she asked him curiously.
Quentin looked startled by her question. Sumeryoso ang mukha niya.
“Are you okay?” tanong nito, may halong galit at pag-aalala. “Tatawagan ko si Mang Noli para kausapin siya. Ano ang ginawa niya sa’yo?”
Kumunot ang noo ni Clementine.
“Why are you acting this way?” tanong ni Clementine.
Tumahimik si Quentin. His jaws tightened by Clementine’s question.
“He’s a drunk and hot-headed person, Clementine. You should stay away from Mang Ikoy. Uuwi agad ako bukas pagkatapos ng klase ko.” sabi ni Quentin.
"Wala naman siyang ginawa sa akin, Quentin. He's jus a bit rude. No need to tell Mang Noli." she said.
"If he gets close to you, i-report mo sa akin. He's always gets into fights, baka lang mapag-trip-an ka." sabi ni Quentin na halata na ang galit ngayon.
Clementine sighed.
‘So, Mang Ikoy was known to be always like that? Kaya ba ganoon na lang ako dinaluhan nina Aling Juana at Aling Marci kanina?’
Tumango na lang si Clementine kahit na parang mahirap paniwalaan iyon. Mula sa linya ni Quentin, a woman’s voice called her.
“Quentin, let’s go!” sigaw nito.
Kumunot ang noo ni Clementine.
“Who’s that?” she asked.
Tumingin naman sa kaniya si Quentin.
“She’s a classmate, Clementine. I gotta go. I have classes. I will call you later, okay?” sabi ni Quentin at agad na pinatay ang tawag.
Umismid si Clementine at pinagpatuloy ang pag-aaral. She almost studied everything hanggang dinner. She even asked Melba to bring her food upstairs.
She stretched her body and prepared herself to sleep. She wore her silver lingerie. Deep neck iyon at maikling dress. She watched a bit tv while still waiting for Quentin’s call.
After 30 minutes, her phone start ringing. In-accept niya ang tawag ni Quentin doon. He’s now topless. Nasa apartment na niya siya. He turned off the lights and let the lamp as the only source of light.
“What’s up?” tanong ni Quentin sa kaniya, “Are you going to sleep?”
Tumango si Clementine.
“Yes. Nagpapaantok lang. How’s Manila?” tanong niya.
Humiga na rin si Quentin. Lumunok si Clementine na pinagmasdan ang malapad na dibdib nito. He has hair on his chest but not to the extent that he’s super hairy.
“Madaming gagawin for this term. I would be very busy in the next dew days. Ikaw? Kamusta ang pag-aaral mo?” tanong ni Quentin.
Clementine sighed.
“Good. I pretty much read everything.” she said confidently.
Ngumiti si Quentin.
“That’s good.” he said, "You'll do good in the exams."
Niyakap ni Quentin ang isang unan and tumingin sa kaniya. Nag-usap pa sila ng tungkol sa business. Natapos lang ito nang makalipas ang isang oras.
“I cannot wait to go home.” he said. “Good night, Clementine.”
Mabilis din na nakatulog si Clementine sa pagod at pag-iisip. She woke up by the sound of something that hit her double doors. Bumangon siya. Her doors were made from tempered glass kaya hindi basta basta nababasag iyon. She stood up and looked at the door.
May bato roon. She checked the area before she opened the door. It was a note. Nakabalot iyon sa isang bato.
Mabilis niyang dinampot iyon at binasa.
“Diogracia...Killer?” she read what the note says.
Sobrang gusot gusot ito at sinulat gamit ang pulang pintura.
Nanglamig ang mga sikmura niya sa nabasa. She looked outside. Tahimik na at walang bakas ng kung sinuman doon. Alas tres na ng madaling araw.
Mabilis siyang bumalik sa loob at sinara ang pintuan. She even closed the curtain. Someone was just outside at the front of her room.
“What the hell is this about?” tanong niya at nilagay ang papel sa drawer.
Hindi niya puwedeng i-report ito hanggang hindi niya nalalaman ang totoo. Angela said something so it must have been known in San Lucas. She's sure that Mang Ikoy's not just moody. May malalim na pinanghuhugutan ang galit nito.
And killer? She's sure it was not her Mom. The only two Diogracia's in San Lucas were his father and her... so it means?
“Ano bang ginawa ni Daddy? Did he kill someone?” tanong niya nang muling mahiga sa kaniyang kama.