Hindi na dinalaw pa ng antok si Clementine. Maaga siyang bumangon. She looked at the place to check if any remnants of what happened to her last night was evident. Nakasalubong niya si Isay na may dalang cart at mukhang galing sa powder room. Gulat itong bumaling sa kaniya.
"Ma'am, good morning po." she greeted.
Tumango siya rito at pumunta sa kusina. Nandoon si Manang na halatang gulat na gulat din sa oras ng gising niya. She held the old woman's hand so she can pay her respects.
"Magpapahanda ako ng kakainin kay Melba, saglit lang." sabi ni Manang.
Clementine nodded and sat down. She could really use some coffee right now. Pakiramdam niya sasabog ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. She really needed to ask Quentin about all the weird things happening around her.
"Ma'am, kape niyo po." sabi ni Melba.
Marahan nitong nilapag ang kape sa kaniyang harapan. Sumimsim si Clementine roon. Lumabas si Manang dala-dala ang basket na mayroong tinapay. May hawak din itong tasa ng kape at umupo sa kabisera. Naiwan silang dalawa roon.
"Manang," she called the old woman, "Did you know some accident happened here in the hacienda while I was gone?" tanong niya.
Nakuha ng tanong niya ang buong atensiyon ng matanda. She was caught off guard kaya naman nagresulta iyon sa pagkakasamid niya sa kape. Clementine handed her a set of table napkin.
"Ano ba naman iyang tanong mo, hija?" tanong ni Manang habang pinupunasan ang gilid ng kaniyang labi.
Umigting ang mga panga ni Clementine. Based on her reaction, something really happened her in San Lucas. Hindi niya alam bakit tinatago iyon ng karamihan. Was it really that bad? May pinatay ba talaga si Don Wilfredo? Those questions kept running on her mind.
"I need to know, Manang. I heard rumors! May ginawa ba si Daddy? I know he's hot-headed but still I cannot believe it. Not until you tell me." sabi niya ulit.
Binaba ni Manang ang tasa. Alam niyang balang araw ay maririnig ni Clementine ito. Hindi madaling itago ang mga nangyari. Isang dahilan kung bakit nagpapasalamat siya na sa Amerika lumaki si Clementine.
"Walang katotohanan iyang mga tsismis na naririnig mo, hija. Napakabait ng iyong ama. Kung mayroon man dito na nakakakilala sa kaniya ay ako iyon. Ako ang magpapatunay sa'yo." sagot ni Manang.
Tumango si Clementine. She's sure that Manang Luisa is very loyal to the Don and she will always vouch for him.
Pumasok si Angela sa kusina. Nagkatinginan silang dalawa. May maliit na disgusto sa kaniyang mga tiim na ngiti. Dumiretso ito kay Manang para magmano.
"Magandang umaga po, 'Nang." bati niya sa magalang na tono.
Tumango si Manang Luisa at kinuha ang tasa ng kaniyang kape. Gustong pigilan ni Clementine ang pagtatangka nito na umalis upang matakasan ang kaniyang kuryusidad pero hindi niya ginawa iyon lalo na at nakikinig na si Angela.
"Oh siya, maiwan ko na muna kayo diyan! Marami pa akong bibilihin sa palengke!" pamamaalam ni Manang at mabilis na pumasok sa dirty kitchen.
Clementine finished her breakfast and readied herself. She would like to go for a swim today. It's to clear her head from all the worrying.
She rode a bicycle to the direction of the river. Walang tao roon dahil na rin sa pinagbabawalan ang mga trabahador doon. She put her things near the large stone. Nilatag niya ang isang pashmina para makaupo siya habang naglalagay ng sunscreen.
She dove to the cold, clear and pristine waters. It was refreshing to swim saglit niyang nakalimutan ang problema at nag-enjoy doon. She sat down on a stone and watch the breathtaking scenery. She cannot tore her eyes from the shortcut to Quentin's house.
Don Wilfredo was mad at Quentin for bringing her there. May kung anong nag-trigger sa isipan niya. She would
Mabilis niyang sinuot ang kaniyang t-shirt at shorts. She ran to the trail. She remembered the way dahil diretso lamang ang daan. She stopped when she saw the burned houses. She entered the house of the Blancos. Maliwanag pa kaya hindi naging problema sa kaniya na makita ang kabuuan nito. She opened the nipa window.
Maliit ang bahay. May mga balot na tela ang muwebles. The house was slowly deteriorating, isang malaking palaisipan kung bakit nandoon pa ang mga litrato at ilang gamit ng mga Blanco. Clementine roamed around when she saw a crumpled paper na nakasiksik sa kawayang haligi ng bahay. Kinuha niya iyon. It was an old photograph.
May isang lalaki at isang babae sa litrato. Dahil sa kalumaan at sa kondisyon nito ng makita niya, hindi niya maaninag ang mga mukha ng mga ito. She looked around for more pictures. Kinuha niya ang isang photobook mula sa kawayang mesa na nagsisilbing center table.
She scanned the pictures. She can see Quentin's mother holding Quentin as a baby. Normal ang mga picture na iyon. Nilipat niya ang mga ito. It's a photobook of Quentin's pictures. Natigil lang siya ng may mga yabag siyang narinig mula sa hindi kalayuan.
Sumilip siya sa siwang ng dingding. Sa hindi kalayuan ay si Mang Ikoy kasama ni Aling Berna. Diretso ang mga lakad ng mga ito at pumasok sa isa sa mga kubo na sira-sira. Tahimik siyang naghintay hanggang sa makita niyang umalis ang mga ito.
Nang masiguro na wala na ang mga ito, she silently went out of Quentin's house and walked to where Mang Ikoy and Aling Berna entered. Hindi gaya ng bahay nina Quentin, sirang sira na ang bahay na iyon. Wala ng bubong at gamit. Tiningnan ni Clementine ang kandila na itinirik ng mga ito sa gitna kasama ng mga bulaklak.
Lumapit siya roon. Hindi pa man siya nagtatagal ay halos magulat siya nang makita roon si Aling Berna at Mang Ikoy na gulat din na makita siya.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Mang Ikoy, halata ang galit.
Umatras si Clementine sa takot. Humakbang si Mang Ikoy pero hinawakan ni Aling Berna ang kaniyang braso kaya natigil ito.
"Naligaw lang po ako. Naligo ako sa ilog... Pasensiya na po." sabi niya.
"Wala kang karapatan na pumasok dito! Umalis ka rito!" sigaw ni Mang Ikoy.
Nangilid ang luha ni Clementine sa takot. Pinisil niya ang kaniyang palad.
"Ikoy! Ano ba? Baka makarating ito kay Don Wilfredo! Tama na!" sigaw ni Aling Berna para pigilan ang galit nito.
Pinagmasdan ni Clementine ang mga mukha nila. Namumula ang mga mata ni Aling Berna habang galit na galit si Mang Ikoy.
"A-Ano po ba ang nangyari?" tanong ni Clementine at sinulyapan ang mga kandila at bulaklak.
"Hija, umalis ka na rito. Alam kong lupa niyo ito at wala akong karapatan na paalisin ka pero maaari bang gawin mo ang pakiusap ko na ito? Balak ko lamang ipagdasal ang anak ko sa araw ng kamatayan niya." sabi ni Aling Berna na puno ng pakikiusap.
Lumunok si Clementine. She don't know what to say. Tumango siya at patakbong umalis doon. She did not look back, mabilis at diretso ang mga lakad niya pabalik sa ilog. Nanglalamig ang kaniyang tiyan nang kinuha niya ang kaniyang mga gamit.
She did not have the appetite to eat the whole day. Nanatili siya sa kaniyang silid. They were obviously mad at Don Wilfredo but they cannot do anything because he's powerful.
Namalayan na lamang niya na gabi na nang kumatok na si Quentin sa kaniyang kuwarto. Basa ang buhok nito at halatang kagagaling lamang sa shower.
"Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Manang?" tanong nito na naging bungad sa kaniya.
Clementine opened her door so he can enter.
“Kanina ka pa ba?” tanong niya sa binata.
Kunot ang noo ni Quentin na nakatingin sa kaniya. She sat down on her bed.
“Yeah. Thirty minutes ago. I thought you were sleeping so I did not bother you.” he answered.
Quentin sat beside her. Ngumiti si Clementine at sinandal ang kaniyang ulo sa binata. Quentin sighed and let his hand comb her hair.
“Okay ka lang ba? Did something happened?” tanong ni Quentin at saglit na dumilim ang kaniyang mga mata, "Si Mang Ikoy ba?" tanong nito sa kaniya ulit.
Tumingin si Clementine sa dingding at bumangon para tingnan ang mukha ni Quentin.
“Do you know Mang Ikoy and Aling Berna’s kid?” tanong niya rito.
Kinagat ni Quentin ang kaniyang labi at tumango.
“He was about my age when he died,” sagot niya.
“Ano ang kinamatay niya?” tanong nito.
“Why are you asking me this, Senyorita?” tanong ni Quentin pabalik sa kaniya.
“Can you just answer me?” she said, losing her patience.
Seryoso ang mga mata ni Quentin pero sa huli ay bumigay na rin. He knew that she will never back down.
“Sunog sa village ng mga trabahador.” sagot niya.
Tumango si Clementine at nag-iwas ng tingin. She knew it. Nang makita pa lang niya ang galit ni Mang Ikoy at ang braso nito, nagkaroon na siya ng hinala.
“Gawa ba ni Daddy iyon?” tanong ni Clementine at tiningnan sa mata si Quentin, “Pinasunog ba niya ang village niyo?”
Umigting ang panga ni Quentin. Hindi naalis ang titig nito kay Clementine. Her tears rolled down from her eyes.
Hindi niya lubos maisip na kaya ni Don Wilfredo ang ka-demonyohan na iyon.
“I know you will heard it sooner or later. There’s no stopping it.” sabi ni Quentin at huminga nang malalim.
His eyes were now bloodshot. Parang mahirap alalahanin sa kaniya iyon.
“No one wanted that accident, Clementine. Matagal na iyon at siyam na taon na ang nakakalipas. Nagkaroon ng matinding alitan sa lupa si Don Wilfredo at ang mga magsasaka. Kaya nang nasunog ang parteng iyon, siya ang sinisi.”
Pinunasan ni Quentin ang mga luha ni Clementine.
“Lumabas sa imbestigasiyon na walang kasalanan si Don Wilfredo. Nagsimula ang sunog sa naiwang lampara ng isa sa mga magsasaka.” paliwanag ni Quentin.
“Why did you keep that from me? Bakit tinago ni Daddy at Mommy?” tanong ni Clementine.
“Because you are too young. At ngayon, naresolba na iyon. Tanging mga usap-usapan na lang ang natitira sa paligid. You should not overthink that.” ani Quentin at tumayo na.
"You said something about the land... what's that about?" tanong pa niya.
Tumikhim si Quentin.
"The land where the village were, was bought by your father. Doon ipapatayo sana ang ilan sa mga sakahan pero nagmatigas ang ilang magsasaka. Your grandfather, Don Reota Diogracia and the head of the village had an agreement that the farmers can use that land as long as they work in the hacienda. But Don Wilfredo thought differently and disregarded the agreement. And there, everything started." sabi pa niya.
"You mean my Dad forced them to leave? Kaya siguro ganoon na lang ang iniisip ng mga magsasaka?" tanong ni Clementine.
Tumango si Quentin at nilagay sa kaniyang kanang bulsa ang kanang kamay.
"But they were wrong. Mabait ang Daddy mo. Kung sinadya niya iyon, hindi niya hahayaang magsibalikan ang mga ito para magtrabaho sa hacienda niyo. Hindi niya bibigyan ng tulong o trabaho ang mga namatayan. Kaya itigil mo na ang pag-iisip ng masama sa Daddy mo. You were just messing with your peace and mind, Senyorita." payo ni Quentin.
Naglahad ito ng kamay kay Clementine.
“Kumain na tayo. Sabayan mo ako,” anyaya ni Quentin.
Tinanggap ni Clementine ang kamay ni Quentin. If he’s saying the truth then she really did overthink. At kung totoong napatunayan ng mga pulis ang pinanggalingan ng sunog, then Don Wilfredo is really innocent at haka-haka lamang ang mga kumakalat.
Pagbaba nila roon, wala nang tao sa labas. Dimmed na ang mga ilaw. Don Wilfredo did not get out of his room dahil iyon ang payo ng doktor. His private nurse forbid everyone from entering his room dahil na rin sa request ng Don.
Hawak kamay silang dalawa na bumaba papunta sa kitchen. Natigil lang sila nang sumulpot mula roon si Isay na nagulat din sa dalawa. Napahawak ito sa kaniyang dibdib at natapon pa ang kaunting tubig mula sa baso niya.
“Ay, Quentin! S-Senyorita! Kakain ba kayo? Mag-iinit ako ng ulam?” sabi ni Isay na nakapangtulog na.
Galing ito sa dirty kitchen at may hawak na baso ng tubig. May facemask ito sa mukha niya.
Mabilis na inalis ni Clementine ang kamay ni Quentin na nakahawak sa kaniya at nag-iwas ng tingin.
Ngumiti si Quentin at umiling.
“Hindi na, Isay. Ako na ang bahala sa amin ni Senyorita.” ani Quentin.
Dahan-dahang tumango si Isay at pinanood silang dalawa habang hinuhugasan ang ginamit na baso. Halata ang pagtataka nito.
Ngumiti ito na medyo pilit nang umalis ito para makabalik sa Maid’s quarter. Naiwan silang dalawa doon.
Hinayaan ni Quentin na ang ilaw mula sa lutuan lamang ang buhay doon.
“Ano ang gusto mo? Lulutuin ko,” ani Quentin na binuksan ang fridge.
Umupo naman si Clementine sa harap breakfast counter at pinanood ang malawak na likuran ng binata.
“You know how to cook?” tanong niya rito.
Nilingon siya ni Quentin.
“Oo. Bakit ikaw, hindi ba?” tanong nito pabalik at nilabas ang steak cut na karne mula sa fridge.
“No. I don’t think it is needed when I was in New York. I go home late kaya palaging restaurant or pa-deliver.” sagot niya.
Umiling si Quentin.
“That’s why you’re skinny. Walang bitamina ang katawan mo.”
Umirap si Clementine.
“Whatever, Quentin. I am healthy. I am just on a diet. I want steak. Medium rare. Can you do it?” tanong niya, nakangisi na.
Quentin obviously cannot cook it. She’s very picky when it comes to steak. Lalo na at ngayon na matagal na siyang hindi nakakakain noon.
“Sure,” tipid niyang sagot.
Tumaas ang kilay ni Quentin at nagsuot ng apron. Nilapag nito ang mga kakailanganin niya.
“I bet you cannot do it,” sabi niya at ngumisi sa binata.
Tumayo siya para kumuha ng wine bottle sa wine rack na malapit sa kanila. Lumapit siya sa banda ni Quentin para kumuha ng wine glass. Mataas iyon kaya naman punta sa likuran niya si Quentin para siya na ang kumuha noon.
Namula si Clementine sa ginawang iyon ni Quentin. Nagkadikit ang kanilang mga likuran. She can feel his hot breath on he nape. Tumikhim naman si Quentin at hinayaang lumayo si Clementine para bumalik sa dati nitong kinauupuan. Quentin opened a cabinet to get a cookbook.
“I am a good cook. All I need is this, Senyorita.” sabi ni Quentin.
“Okay, let’s make a bet.” ngisi ni Clementine at nagsalin ng wine sa dalawang wine glass.
Inamoy niya ang wine bago iyon nilagok. Quentin watched her for a bit and looked away.
He licked his lower lip.
“If I win, you will date me this weekend. If you win, I will do everything you want.” sagot ni Quentin habang binabasa ang cookbook.
“Deal,” Clementine answered as she sipped on her wine.