Nakarating sila ng Manila pagkatapos ng limang oras na biyahe. Mas pinili na lamang ni Clementine na matulog sa halos limang oras na biyahe.
Alas onse y media ng gabi noong makarating sila hospital kung saan nandoon si Don Wilfredo. Sinalubong sila ng private nurse ni Don Wilfredo.
“Quentin, Senyorita,” tawag nito sa kaniya.
“Kumusta si Daddy?” tanong niya.
“May treatment siya mamaya. Naghahanda na si Don Wilfredo para sa procedure.” paliwanag ng nurse sa kanila.
Tumango si Quentin. Nasa isang private room si Don Wilfredo. Pumasok doon si Quentin. Nakaupo si Don Wilfredo sa kaniyang kama at kausap ang isang batang doktor.
Nang makita ni Clementine ang kaniyang ama na wala nang buhok, doon pa lang niya napagtanto ang karamdaman ng ama.
Nanatili siya sa harapan ng pintuan.
“Do not cry,” bulong sa kaniya ni Quentin na nasa likuran niya.
She tried so hard not to cry. She plastered a smile on her face.
“D-Daddy,” she called.
Halata ang gulat kay Don Wilfredo nang makita si Clementine. He remained serious but acknowledge their presence.
“Clementine Serra,” he called.
Lumapit si Clementine at ngumiti ng tipid sa lalaking doktor.
“This is my daughter, Dr. Romualdez.” pagpapakilala ni Don Wilfredo.
“Nice to meet you, Clementine,” nakangiting naglahad ng kamay ito sa dalaga at bumaling kay Quentin, “Quentin…”
Tumango si Quentin at nilagay ang mga kamay sa bulsa. Nagpaalam din ang doktor nang tumunog ang beeper alarm na dala niya. Clementine sat on the chair beside her father samantalang si Quentin ay tumayo lang sa paanan at nakatanaw sa kanila.
“How are you feeling, Daddy?” tanong niya sa ama at hinawakan ang kamay nito.
“I am feeling better, Clementine. Why are you here?” tanong niya pabalik sa anak.
Tumikhim si Quentin.
“Isinama ko siya rito, Don. Nag-aalala siya ng sobra sa kalagayan ninyo.” sagot ni Quentin.
Don Wilfredo looked at him and nodded.
“Nag-start na ba ang klase mo sa DBA?” seryosong tanong ni Don Wilfredo.
Tumango si Quentin, “Unang araw po bukas, Don Wilfredo.”
“That’s good.” tugon ni Don Wilfredo at nilingon si Clementine, “You should take Masters after college. Look at Quentin.”
Natunaw ang ngiti ni Clementine at napalitan iyon ng bahaw na ngisi. Mahigpit ni-yang hinawakan ang kamay ng ama at tumango.
“Makakatulong sa iyo ang Masters at DBA.” sabi pa ni Don Wilfredo.
Hindi makapag-isip ng maayos si Clementine. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi dahil naguguluhan siya. The time that she wants to give as support turned out to be one of the same situations at their house.
Gusto niyang mag spend ng oras kasama ang Don Wilfredo, pero nauwi na naman iyon sa pagkumpara ng ama niya kay Quentin at sa kaniya.
Pero she still wants to stay here despite that. Ayaw niyang may pagsisihan siya sa huli sa paglipas ng panahon gaya ng naramdaman niya sa pagpanaw ng ina.
Quentin and Don Wilfredo talked about the progress of the organic farm. Minsan ay tinatanong nila si Clementine na sinasagot ng dalaga. Halos walang laman ang mga sagot niya at hindi niya ba alam kung tama ba iyon.
Sa tuwing sasagot siya, sinasang-ayunan iyon ni Quentin hanggang sa mapunta na sa iba ang usapan. Pumunta ang nurse na mag-a-assist sa procedure. Don Wilfredo was transferred. Sumama sila hanggang sa lugar kung saan gaganapin iyon.
“Hanggang dito na lang po tayo,” sabi noong babaeng nurse at sinara na ang pin-tuan.
Naiwan sila ni Quentin doon at umupo sila. Quentin excused himself. Naiwan si Clementine roon na matiyagang maghihintay sa kaniyang ama:
She looked at her reflection on the glass wall. She looked really out of this place. Quentin always said something about her clothes.
Ganoon din ba ang kaniyang ama? If they are almost alike like the people said, maaring ganoon nga.
Quentin said that she’s shallow. Na bata pa siya. Iyon din siguro ang paniniwala ni Don Wilfredo kaya ganoon na lang ang trato sa kaniya.
Lumunok siya at tumingin sa pintuan kung saan pumasok si Don Wilfredo para sa chemotheraphy.
Kung hindi kakayanin ng katawan ni Don Wilfredo at ng mga treatments na paha-bain pa ang buhay ng ama.
Can she pretend to be the person her father wants within the span of her father’s remaining time?
She would take Masters and doctors too?
She sighed.
Napalingon na lang siya nang marinig ang yabag mula sa dulo ng hallway, nagla-lakad doon si Quentin na may dalang dalawang baso ng kape.
“Magkape ka muna, Senyorita.” aniya at binigay ito.
Tinanggap iyon ni Clementine. Tahimik silang dalawa at tanging mga yabag ng mga nurse lamang ang naririnig nila.
Ala una na rin ng umaga.
“May klase ka pa mamaya, 'di ba? Are you going to stay here?” tanong ni Clemen-tine para maibsan ang kaunting katahimikan na bumibingi sa kaniya.
Sumimsim ng kape si Quentin.
“Hihintayin ko na makalabas si Don Wilfredo bago kita iwanan dito.” sabi ni Quentin.
Tumango si Clementine. Ang mainit na kape ay talagang nakakaibsan ng malamig na pakiramdam. Hindi gusto ni Clementine ang mga hospital. Naalala niya ang pagkamatay ng mommy niya noong bata pa siya.
She bit her lower lip. Napatayo silang dalawa nang lumabas sa pintuan ang private nurse ni Don Wilfredo.
“Quentin,” tawag nito. “Umuwi na raw kayo sabi ni Don Wilfredo.”
Kumunot ang noo ni Clementine.
“Pati ako? Can’t I stay here?” tanong ni Clementine sa nurse.
Tumango ang nurse.
“Oo, Senyorita. Sensitive si Don Juan pagkakatapos ng chemotherapy kaya mas pinipili niya na maging mapag-isa. Para rin makapagpahinga siya.” paliwanag ng nurse.
“Sige,” sabi ni Quentin. “Aalis kami kapag nasa kuwarto na muli si Don Wilfredo.”
Nagpaalam na ang nurse at bumalik sa loob. Clementine did not have something with her. Only her clothes and her card from a United States Bank.
Nakabalik na sa kuwarto si Don Wilfredo pagkatapos ng ilan pang oras. Nakatayo si Clementine at Quentin sa tapat ng pintuan.
“Let’s go,” sabi ni Quentin at nag-umpisa nang maglakad.
Sumunod si Clementine. Tahimik na ang pasilyo ng hospital. Tanging ang mga iilang nurse na nasa ward ang gising.
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Clementine habang nakasakay sa elevator, “Shall we book for two hotel room?”
Tumahimik si Quentin at umiling.
“Wala ako na ganoon kalaking pera, Senyorita. Tama lang para sa pagkain at gaso-lina papunta rito at pabalik sa San Lucas.” sagot ni Quentin.
Tumango si Clementine.
“Saan tayo kung ganoon? Sa sasakyan mo tayo matutulog?” tanong niya, medyo hindi nagugustuhan ang ideya na sa hindi siya kumportableng lugar matutulog ngayong gabi.
Bumukas ang elevator. Dim na ang lights ng hospital.
“May nirerentahan akong kuwarto sa tuwing nandito ako sa Maynila na malapit sa eskuwelahan. Medyo luma iyon at mumurahin pero mas kumportable kaysa matu-log tayo sa sasakyan ko.” sabi ni Quentin.
Pinanood ni Clementine ang daan na tinutungo ni Quentin. Masikip at medyo hindi kaaya-aya ang paligid. May mga maliliit na bahay. Hindi iyon kagaya ng mga squat-ter areas na nakikita niya sa mga pelikula pero hindi rin naman maihahalintulad sa kaaya-ayang subdivision.
Tumigil ang sasakyan ni Quentin sa tapat ng lumang building. May tatlo iyong pa-lapag. May mga tao sa tapat noon na nag-iinuman.
Gumapang ang takot ni Clementine. Naunang bumaba si Quentin at binati ito ng mga iyon. Sumunod si Clementine pero hinarangan siya ni Quentin mula sa mga nag-iinuman.
“Pare! Long time no see!” bati noong isang tambay na naninigarilyo.
Tumango si Quentin.
“Sa’yo rin Nolan.” sabi niya pabalik.
Ang mata ni Nolan ay dumapo kay Clementine na nasa likuran ni Quentin. Hinawakan ni Clementine ang braso ni Quentin.
“Sino ‘yan?” tanong ni Nolan, mukhang interesado kay Clementine.
Kumunot ang noo ni Quentin at tumikhim ng seryoso. Lumabas na pagbabanta ang mga sumunod na salita niya, “Kapatid ko, bakit?”
Bahaw ang mga ngiti ni Nolan at unti-unting lumayo.
“Ah, sige! Ganoon ba? Mag-iingat kayo. May lumipat sa tabi ng kuwarto mo na magjowa. Ang ingay sa gabi, pare!” natatawang sabi nito pero agad ding nawala dahil hindi nagpakita ng kahit na ano na emosyon si Quentin.
Umalis ito sa harapan nila at bumalik sa inuman. Binuksan ni Quentin ang pintuan sa likod para kunin ang mga bagahe nila.
“Halika na, sa unahan ka.” utos ni Quentin at hinayaang mauna si Clementine.
Nilingon ni Clementine ang masikip na hagdanan. Napansin ni Quentin ang pag-aalinlangan ng dalaga.
“Sa third floor ang kuwarto ko at dulo iyon.” sabi ni Quentin.
Tumango si Clementine at hindi na sumagot. Dahil ang kuwarto sa dulo ang tang-ing walang ilaw sa ikatlong palapag, nakuha niya na iyon ang kuwarto ni Quentin.
Lumayo si Clementine at pinagmasdan ang maduming at kinakalawang na railings nito. She stood straight and watched Quentin how he unlocked the door.
Binuhay ng binata ang ilaw ng unit. Studio bedroom iyon kaya makikita na mula sa pintuan ang kabuuan ng kuwarto.
May maliit na lababo sa tabihan ng pintuan. May rectangular na breakfast counter na nagsisilbi na ring mesa. Sa kabilang side ay may pintuan na papunta sa banyo.
At sa pinakasulok, may isang foam bed na nakalatag sa sahig. Kulay itim iyon ay puti ang mga unan. May isa ring maliit na desk doon.
The floors has old tiles. Ang dingding, kulay puti pero may mga dumi na rin at halos natutuklap na ang ilang bahagi.
The room screamed how financially strained Quentin is. Lumunok siya at nilingon ang binata.
“Pagpasensiyahan mo na ang maliit kong kuwarto.” sabi ni Quentin habang inaalis ang kaniyang sapatos.
“S-Saan ang banyo?” tanong niya kahit obvious naman iyon.
Tinuro ni Quentin ang pintuan. Walang imik niyang binuksan iyon.
Even the bathroom is bad. Malinis iyon pero dahil sa luma na at paint stains nag-mumukha iyong madumi.
Clementine did her routine so fast. Matapos iyon ay nagpalit na rin siya ng damit pangtulog. Naiinis siya nang makita na ang itim niyang malaking shirt ang dinala niya at isang maikling shorts .
In-e-expect niya na sa hospital siya matutulog ngayon. Hindi niya akalain na mau-uwi siya sa pagtulog dito sa mumurahing apartment ni Quentin.
Lumunok siya at sinampal ang magkabilang pisngi.
It’s not like she will have s*x with him.
Confident siyang lumabas sa toilet. Nakaupo ngayon si Quentin sa tapat ng kani-yang desk. Bukas ang unang tatlong butones ng kaniyang polo.
“Tapos ka na ba?” tanong nito.
Tumango si Clementine at pinagmasdan ang paligid.
“Where will I sleep?” tanong niya.
Nilingon ni Quentin ang kama na nasa sahig. Bukas ang maliit na lamp sa tabi noon.
“Sa kama ka, sa sahig na lang ako.” sabi niya.
Tumaas ang kilay ni Clementine.
“Wala kang bed frame, so technically…” aniya at ngumuso, “magkatabi pa rin tayo.”
“Hindi.” sabi ni Quentin at tumayo na. “Doon ka sa foam at doon naman ako mag-lalatag.”
Tinuro ni Quentin ang espasyo sa ilalim ng desk.
“What, there?” tanong ni Clementine.
Kinuha niya ang towel na nakasabit sa tabi ng pintuan ng banyo. Tumango siya kay Clementine at pumasok na roon sa banyo para makapaghanda sa pagtulog.
Nahiga si Clementine sa kama ni Quentin. It smelt clean. Medyo makapal din ang foam noon kaya hindi niya nararamdaman ang lamig ng sahig.
Nagulat na lang si Clementine when she felt the vibrations of something bumping on the wall.
Nasundan iyon ng mga halinghing mula sa babae. It’s coming from the next room.
“Sh*t? May nag-se-s*x?” bulong niya at hindi na nagawa pang bumangon.
Ilang minuto pa ay lumabas na rin si Quentin. Basa na ang buhok nito at nakabihis na ng shorts at puting T-shirt.
“Tangina,” mura ni Quentin nang mapagtanto kung ano iyong naririnig niya.
Mabilis siyang nagpanggap na natutulog. Clementine felt the secondhand em-barassment from the shameless couple in the next room. Pinatay naman ni Quentin ang ilaw at tanging ang maliit na lampshade lang ang nagsisilbing liwanag.
Mas lumakas ang mga halinghing at ang pagtama ng bed frame ng kama nila sa dingding—indicating that they are having it rough.
‘Paano kami makakatulog nito?’ tanong niya sa kaniyang isipan.
Sa dilim ay nakita ni Clementine na binuksan nito ang maliit na cabinet at kumuha roon ng kumot. Nilatag niya iyon sa ilaim ng desk. May space sa pagitan nila pero sa tantiya ni Clementine ay mahihirapan matulog ang binata.
Humiga na si Quentin doon. Tinalikuran siya nito. Clementine watched his back. Pinosisyon nito muli ang sarili.
Clementine cleared her throat.
“Stop making me guilty,” aniya at tiningnan ang binata.
Humarap si Quentin sa kaniya. Natitigan niya ang mga mata ng binata.
“Ayos lamang ako. Matulog ka na.” sabi ni Quentin.
Umiling si Clementine.
“I can say that you are not comfortable there.” aniya.
Tiningnan niya ang sapat na espasyo para sa ipa pa na mayroon ang foam bed.
“Halika na, at lumipat ka rito. You might catch a cold if you sleep with that thin blan-ket.” puna niya, “Konsensya ko pa kapag nagkasakit ka.”
Tumaas ang kilay ni Quentin at umiling.
“Matulog ka na.”
Clementine groaned.
“Hindi ako makakatulog kung alam kong namamaluktot ka diyan. Tumabi ka na sa akin,” pamimilit niya.
Nanatiling nakatitig lamang sa kaniya sa Quentin, mukhang hindi inaasahan iyon. Umiling siya sa dalaga at pumikit.
“Hindi ako tatabi sa iyo, Senyorita… Not like this,” sabi ni Quentin at tinutukoy ang mga ungol at halinghing ng nasa kabilang kuwarto.
“Come on, Quentin! It’s not like we’re gonna start to have s*x like them!” sabi niya na tumaas pa ng kaunti ang boses niya.
Nagmulat ng mata si Quentin. Now, his eyes were bloodshot. Kumunot din ang kaniyang mga noo.
“Puwede ba, Clementine?” naiiritang tanong niya, “Matulog ka na.”
Ngumisi si Clementine.
“Natatakot ka ba? May crush ka sa akin ano? Nakita mo na naman ang lahat ng ito sa ilog hindi ba? Ako rin naman nakita ko na ‘yang sa’yo. Iniisip mo ba na baka hindi ka rin makapagpigil at—“
“Shut up, Clementine. Sige na.” sabi ni Quentin na para bang sumusuko na siya. Padabog siyang umupo at kinuha ang kumot na nilatag niya. “Umusod ka ng kaunti.”
Ginawa iyon ni Clementine. Humiga si Quentin sa tabihan niya. Dahil malapad ang katawan ng binata, nararamdaman ni Clementine ang braso nito na sumasayad sa gilid ng katawan niya.
“F*ck!” sambit ni Quentin at nilingon siya. “Wala ka bang bra na suot?” galit na tanong nito.
“I don’t wear one when I sleep, why?” casual na tanong nito.
“Nararamdaman ko na ang dibdib mo sa braso ko.” galit na sabi ng binata.
Clementine rolled her eyes.
“Hindi mo naman nakikita. Ang arte arte. Eh sa ganito ako kumportable eh?” rekla-mo niya sa binata.
Pumikit ng mariin si Quentin. Tinalikuran siya ng binata.
“You do the same with me. Face the wall, Clementine.” sabi nito. “At huwag mong pakinggan iyong nasa kabilang kuwarto.” bilin pa nito.
Napangisi si Clementine ng malapad sa sinabing iyon ni Quentin. Galit na siya pero nagawa pa ring tumabi sa dalaga.
Sinunod ni Clementine ang utos niya. Humarap siya sa kabilang side ng kama ha-bang yakap yakap ang maliit na unan. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa pagod.
Nagising siya sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya.
Nagmura si Clementine at bumangon. Wala na si Quentin sa tabi niya. Narinig niya ang paglagaslas ng tubig mula sa banyo.
Lumabas si Quentin na nakabihis na. Seryoso ang mukha niya at halatang walang tulog. Medyo maitim ang ilalim ng kaniyang mata, at mukhang inaantok pa ang pungay ng mga mata.
“Good morning!” bati ni Clementine.
Tumayo siya at lumapit sa binata. Magbabanyo siya para makapaghilamos. Tumigil siya sa harapan ni Quentin at pinagmasdan ang mukha nito.
"Have you slept? " tanong niya sa binata.
Kumunot ang noo ni Quentin at pinasadahan ng tingin ang katawan dalaga na nakabandera sa unahan niya. Pumikit siya ng mariin at diretsong tiningnan ang babae sa mga mata niya.
“For f*ck’s sake, magsuot ka ng bra.” galit niyang utos at tumalikod na.