Kabanata 22 — Candidate

2501 Words
Sumapit na naman ang lunes. Bumaba si Clementine sa porch. Suot niya ang isang itim na dress at ang bag niyang black leather na binili niya sa Fendi. Sa kamay niya ay isang paperbag na may mga laman na mga damit na ilang beses lang niya nasuot na kakasya kay Frances. Si Angela ay nakasuot na ng pants at blouse na uniporme. Clementine will use the excuse that she’s a transferee because she doesn’t want to wear that stupid ugly uniform. Don Wilfredo’s still in Manila. Sabay silang umuwi ni Quentin pagkatapos ng klase nito sa La Salle. Nanatili siya sa hospital hanggang sa sunduin siya ng binata. Napangisi si Clementine nang makita ang busangot na mukha ni Quentin sa driver seat. Nakanguso siyang sumakay doon. “Hindi ka pa nakauniporme?” tanong nito at pinagmasdan siya. “Obvious ba?” tanong niya pabalik. Hindi na nagsalita si Quentin at pinaandar na lang ang sasakyan patungo sa eskuwelahan. Pinagmasdan ni Clementine ang mga estudiyante na nakauniporme na. Bumaba siya sa sasakyan. Natanaw niya ang tinatamad na si Vance na kakababa lang sa kaniyang kotse. She smirked and walked to him. “Hoodie mo,” simple niyang sinabi at binigay iyon sa binata. “Thanks nga pala.” Tumango si Vance at nilagay ang paperbag sa likuran ng sasakyan. “Bakit ang saya mo?” tanong ni Vance at pinagmasdan ang suot ni Clementine. Clementine did the same to him. Bagay kay Vance ang uniporme niya. Mas lumitaw ang ganda ng katawan niya. “Nothing! See you later sa class.” She winked. Today, uumpisahan niya ang plano niya para kay Frances. Medyo challenge iyon para sa kaniya dahil Quentin is sure to be very exposed with beautiful and smoking hot Manila girls that are on a different level. Kailangan ni Frances mag-stand out kung gusto nila na mapansin ito ni Quentin. She listened to the class she’s having. Napagtanto niya na kailangan niyang galingan for her father. The professor’s discussing when a group of student led by Angela knocked on the door. Tinigil ni Clementine ang pagsusulat na ginagawa niya at tiningnan ang pag-uusap nila ng professor. Nagpasalamat si Angela at tumingin sa kanilang lahat. “Magandang umaga sa inyong lahat.” nakangiting bati nito. “Ako nga pala si Angela ang presidente ng student council at sila ang mga officer ko.” Tumingin at nakinig ang mga ito. Inisa-isa ni Clementine ang mga iyon. Wala siyang kilala at ang tanging pamilyar ay iyong babae na nagturo sa kaniya ng direksyon noong first day. Napansin din siya nito at tumango. Binuklat noong dalawang officer ang isang tarpaulin. Nagbulungan ang mga estudiyante habang binabasa ang mga nakalagay doon. “Acquaintance Night?” mahinang basa ni Clementine. Nakalagay ang mga detalye roon. May mga booths and cheers ang bawat year level ng bawat department at magkakaroon sila ng mga pageant per department. “Since lima lang ang course na available sa SLCC, two pairs per department tayo sa pageant.” anunsyo nito. Nagbulungan naman ang mga kaklase niya. Ang ilan nagkaroon ng mga ideya kung sino ang mga isasali sa pageant at sa mga cheer. “Kung may mga suggestions kayo para sa department natin na kandidato, sabihin niyo lang sa akin para mapagbotohan natin sa hiwalay na meeting mamayang hapon.” sabi ni Angela. Nagpaalam na ang mga ito matapos ang ilang paalala pa at anunsyo. Naiwan ang klase na nagbubulungan pa. “Sayang… hindi na puwede si Angela para sana sa pageant kasi hindi ba bawal ang officer?” tanong noong isang babae. “Kung sa lalaki naman, puwede si Vance Decerna. Tapos si Paulo.” suggestion noong isa. Nagpaalam na rin ang professor matapos ang ilang minuto pra mapag-usapan iyon. Hindi interesado si Clementine roon. Kinuha niya ang bag niya para makapunta sa canteen at makakain. Pumili siya ng simpleng spaghetti at isang juice. Umupo siya sa pinakasulok. Vance entered the cafeteria. Gaya niya, bumili ito ng spaghetti at isang tubig. Nilingon nito ang paligid na naghahanap ng kung ano roon. Clementine raised her hand to catch his attention. Tinuro niya ang katabing upuan. Umupo roon si Vance. “Wala ka bang mga kaibigan?” tanong ni Vance at tumaas ang kilay. “May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?” tanong ni Clementine at umirap. The ate in silence nang may lumapit sa kanila na grupo ng mga kababaihan. “Hi Vance, Clementine…” bati nila. Clementine stopped eating and looked at them. Si Vance naman diretso lang ang pagkain na parang wala siyang naririnig. “What is it that you need?” diretsang tanong ni Clementine. “Ako nga pala si Meddie. Leader ng Marketing for the pageant. Kailangan pa kasi namin ng isang pair for the pageant. Naisip namin na kayo na lang sana.” Clementine raised her brows. “What?” tanong niya. "I don't have—" “I would do it if she will do it.” sagot ni Vance na pumutol sa kung ano'ng sasabihin niya. Nakatuon na ang atensiyon niya sa mga babae dahil naubos na niya ang pagkain. He’s drinking his juice. Gulat na lumingon si Clementine sa binata. Talagang sa kaniya pa binigay nito ang pressure. “What?” tanong niya, hindi makapaniwala. “Sasali ako kung sasali si Clementine.” sabi pa niya ulit. Tumaas ang kilay ni Vance. Puno ng pag-asa na tumingin sa kaniya ang tatlong babae. Clementine bit her lower lip. Umirap siya at unti-unting tumango. “Fine.” walang choice niyang sinabi. Pumalakpak ang mga ito sa sinabi niya. “Hindi ka naman pala masungit gaya ng sinasabi nila,” sambit noong isa at ngumiti sa kaniya. Clementine just shrugged. “Kayo lang naman ang assuming.” simpleng sabi niya. Nagkatinginan silang tatlo. Nagpaalam din ang mga ito. Tinapos ni Clementine ang pagkain niya. She’s not into pageantry but she’s not afraid of one. Kung katawan, mukha at utak lang naman paniguradong qualified siya. Napag-alaman ni Clementine na irregular student si Vance at tatlong subject na lang ang kailangan niyang i-take para maka-graduate na siya. Kaya naman pala ang hirap niyang hagilapin. Nagpaalam na ang binata para sa susunod niyang subject. Naiwan naman si Clementine para ubusin ang natitira niyang oras. May klase siya bago ang lunch. Usap-usapan doon ang pagsali niya sa pageant. “Sure win na ang Marketing!” mayabang na sabi noong isa habang pinagmamasdan siyang lumakad sa hallway. “Ang ganda naman talaga niya eh! Doon pa lang sa mga nababasa kong articles sa internet noon.” bulong noong isa. Nakita niya sa hindi kalayuan si Frances na naglalakad mag-isa. Nilapitan niya ito. Halata ang gulat ng ilan na nakakita sa ginawa niya. Ngumiti ng pilit si Frances at inayos ang salamin niya. Ngumisi naman si Clementine. “Magkita tayo mamayang lunch sa baseball field, okay?” aniya at tinapik ang balikat nito. Confident niyang nilampasan ang mga tao na naroon. She had so much plan. Kaya naman noong lunch ay parang bata siyang bumaba papunta sa field para puntahan si Frances. Naabutan niyang nakaupo na ito roon sa damuhan. Ngumisi si Clementine at umupo sa tabihan niya. “B-Bakit mo ako pinapunta rito, Clementine?” tanong niya ulit. “I told you about helping you ‘di ba? Duhhh!” sagot niya. Pinagmasdan ni Clementine ang mukha ng dalaga. Walang sabi niyang kinuha ang salamin ni Frances. Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Frances. Hinawakan niya ang baba ng dalaga at tiningnan ang mga mata at makakapal na kilay nito. “We will start from here,” aniya at tinupi ang salamin. “You will use contact lenses.” “Ha?” kabadong tanong ni Frances. “Yup. Can you afford it? I have some unused contact lenses but it doesn’t have grade.” she said. Tumango si Frances. “B-Bibigyan naman ako ni Mama ng budget para diyan.” sabi nito. “Then, it’s settled. Next week, you will wear contacts.” she smiled. Sinuot ni Frances ang kaniyang salamin. Clementine cleared her throat. Iniabot ni Clementine ang paperbag. “Ano ito?” nagtatakang tanong ni Frances at binuksan iyon. Bumungad dito ang ilang magagandang damit at branded iyon. Clementine watched how her eyes glowed with so much admiration for the clothes. “Ang ganda nito! Nakita ko na ito sa magazine catalogue kung saan nakita kong suot ito ng paborito kong model. Mamahalin ito, ah!” sabi pa ni Frances. Ngumiti si Clementine. Frances really loves fashion. “It’s all yours. I just worn it once at sa New York pa iyon. You can have it since I am de-cluttering my closet.” she said. “Talaga? Salamat!” tuwang tuwa na sabi ni Frances. Tumango si Clementine. “Isuot mo ‘yan sa washday.” utos niya. Tumango si Frances at malapad na ngumiti. Tinanaw ni Clementine ang malawak na baseball field. Nakita niya si Quentin na naglalakad doon kasama ang isang babaeng professor. Nagtatawanan sila. Mukhang nakita ni Frances din iyon. Napawi ang mga kanina lang ay masasayang ngisi niya. Pinanood ni Clementine ang dalawa. Matangkad ang babae at morena. Kulot ang buhok nito. “Sino ‘yon?” tanong niya kay Frances. “Malapit na kaibigan iyan ni Quentin.” sagot niya. Kumunot ang noo ni Clementine. Nanliit ang mga mata niya. “Cressida?” tanong niya. Umiling si Frances. Kinagat niya ang ibabang labi. “Hindi naman iyan si Cressida. Si Herlene iyan, 'yung kaibigan niya. Saka paano mo nakilala si Cressida? Wala na siya rito sa San Lucas.” Umirap si Clementine. “I have my ways, Frances.” Nawala na si Quentin at Herlene sa paningin nila dahil lumiko na ito sa banda ng faculty. Nilingon ni Clementine si Frances. “Cheer up. Mas maganda ka roon.” sabi niya rito dahil mukhang pinanghihinaan na agad ng loob si Frances. Tumango si Frances. “So, tell me about this Cressida?” tanong niya. Kuryuso siya sa kung sino ba si Cressida Decerna at grabe na lang kung panghinaan ng loob si Frances at ganoon na lang ang sinabi ni Vilhelm. ‘The one he cannot forget.’ That’s exactly how Vilhelm said it. “Si Cressida ang nag-iisang naging girlfriend ni Quentin. College sila noon. Perfect sila para sa isa’t-isa. Iyon ang sinasabi ng mga nakasaksi sa kanilang dalawa.” kuwento ni Frances. “Naghiwalay lamang sila nang biglaan. No one knows why. Hindi naman kasi pala-kuwento iyang si Quentin sa mga kaibigan niya.Pagkatapos noon, Cressida went abroad to study masters there.” dagdag pa niya. “Baka umayaw sa ugali ni Quentin? Control freak and sipsip.” casual na sinabi niya. “Hindi naman ganoon si Quentin.” pagtatanggol ni Frances. Umirap si Clementine. “Nasasabi mo lang ‘yan Frances kasi gusto mo siya.” Natapos ang lunch. Dumating si Clementine sa classroom na naroon na si Vance. Umupo siya sa tabihan nito. Maingay ang classroom. Pumasok ang isa sa mga babae na kumausap sa kanila sa cafeteria. “Guys. Pumayag na sina Vance at Clementine to join the pageant.” anunsiyo niya. Nagtinginan ang mga ito sa banda nilang dalawa. Vance looked serious while she tried to smile. May ilang pumuri sa kaniya. “Thank you.” simpleng niyang sagot. “Ang ganda niya talaga p’re! Panalo na tayo.” sabi noong isa. “Clementine, ang ganda mo talaga. Akala ko noong una masungit ka.” sabi noong isa na nasa unahan niya nakaupo. “Hindi naman. I’m just RBF, you know.” “RBF?” tanong noong isa. Clementine grinned when Vance answered, “Resting b***h Face.” Nag-iba ang pakikitungo ng ilang kaklase niya sa subject na iyon. She’s a social person kaya naman hindi siya nahirapan makisama. Tumahimik ang lahat ng pumasok sa classroom ang seryosong si Quentin. Dala-dala nito ang isang makapal na libro. Nagsibalikan naman ang mga kaklase niya sa kani-kanilang upuan. Kasunod nila ay si Angela at ang ilang kaibigan niya. Angela remained standing beside her brother. “Good afternoon, class.” bati niya. “Good afternoon, Sir.” bati nila. Clementine crossed her arms. “Ms. Blanco, I will give you thirty minutes to discuss about your candidates for the pageant.” aniya kay Angela at umupo na sa upuan. “Meddie, may candidate na ba kayo rito? For the sophomores and freshman mayroon na.” Angela said while holding a piece of paper. Tumango si Meddie at tumayo na para ituro sila ni Vance. “Si Vance Decerna at si Clementine Diogracia ‘yung napili namin.” Quentin crossed his arms. Gulat din ngunit mas pinili manahimik ni Angela. There’s a forced smile on her face. "Pumunta kayo sa unahan." sabi ni Meddie na may malawak na ngiti. Confident na tumayo si Clementine ganoon din si Vance nang anyayahan sila ni Meddie sa una. “Swimsuit attire, night gown, uniform attire, sports attire. Iyon ang mga attire na kailangan natin.” sabi ni Meddie at nilista iyon. Quentin cleared his throat when he heard that. Tumaas ang kilay ni Clementine at hindi nag-react. That’s the typical pageant attire kaya in-e-expect na niya iyon. The meeting ended. Quentin coughed and stood up when they finished discussing about the said pageant that will happen next week. Saglit silang nagkatinginan. Clementine rolled her eyes and walked to her seat. Nag-discuss si Quentin. She listened and tried to jot down some notes when Quentin was writing terms on the board. ‘Even this man’s writing is organized.’ puna niya sa sarili. Natapos ang tatlong oras na klase. Excited na umuwi ang mga kaklase niya. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Pasado five thirty na rin kasi ng hapon. Sa huli, sila na lang ang naiwan doon. Vance, Clementine, Angela and Quentin. “See you sa rehearsals.” sabi ni Vance at tinapik siya sa balikat. Ngumiti lang siya sa binata at pinanood ito na lumabas. Angela walked outside too. Clementine went out but Quentin’s long legs ate the distance between them. “Are you sure about that pageant, ‘Tine?” tanong niya sa mababang boses. Maganda ang kulay purple at pink na langit. May ilang classroom pa rin ang may klase kahit nagsisimula nang dumilim. “Why not? It’s good to have some extra curricular here. Boring ang bukid na ito para sa akin. I need to have some fun.” sagot niya at nagkibit-balikat. Quentin fell silent. “If you’re just bored, huwag ka na sumali. Ang pageant na iyan ay mahalagang tradition para sa mga taga- SLCC.” Tumigil si Clementine sa paglalakad. “What? Are you thinking na sisirain ko ang tradisyon niyo?” tanong niya, hindi makapaniwala. “Hindi sa ganoon. Pero seryosong bagay ang—“ “Then, seryoso ako!” sigaw niya para maputol ang usapan doon. “I will join the pageant whether you like it or not.” Clementine did not have any problem with that pageant. Wala siyang kakaba kaba sa dibdib niya. She will definitely win but she has something planned in her brilliant mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD