Kabanata 25 — Dare

2394 Words
The days after the pageant, Frances made a lot of friends. Nakangiwi si Clementine habang kumakain silang tatlo nina Vance sa cafeteria. Almost all of the students were greeting Frances when they passed by their table. Frances completely changed. She dressed better. She doesn’t wear glasses anymore and her hair is always down. Dumami rin ang admirer niya. Everything seemed to be going well with Frances life. “Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha mo?” bulong ni Vance. Pinapanood nila si Frances na nakangisi habang kinakausap ng ilang kaklaseng lalaki. There’s something in her that didn’t want the way it ends. Ganoon ang paulit-ulit na nangyari sa buong linggo. Clementine felt an extreme amount of irritation to everyone around her. Parang ang pakikisamang pilit niyang binuo noon, nawalang parang bula. Kaya naman noong araw ng swimming, tamad siyang sumakay sa sasakyan ni Vance. Vance wore a typical outfit for boys. Asul na muscle shirt na tinernohan ng puting shorts at sumbrero na nakasuot pabaliktad. Siya naman ay pinili magsuot ng shorts at itim na halter sleeveless. Sa ilalim noon ay isang itim na two-piece. “Dadaanan ko pa si Frances,” sabi ni Vance at lumabas sa mansiyon. Mahuhuling i-pick up ni Vance si Frances dahil malapit lang siya at on the way sa ilog na pupuntahan nila. Suminangot si Clementine at hindi na nag-comment doon. Naiinis pa rin siya sa tuwing makikita si Frances. “Bakit ba parang naiinis ka kay Frances nitong mga nakaraan? Hindi ba ito ang gusto mo para sa kaniya?” tanong ni Vance. Huminga nang malalim si Clementine. “I don’t know?” tanong rin niya sa sarili, “Siguro kasi she kinda changed?” Tumango si Vance. “Yes. From loner to a social butterfly. Are you jealous?” malisosyong tanong ni Vance at ngumisi. “Why would I?” tanong ni Clementine, medyo nagsusungit. “It’s too obvious, Clementine. The way you fake smile at her when she asks you something. Control it before anyone can see it.” payo ni Vance. Tumigil ang sasakyan ni Vance sa lugar kung saan nakatira si Frances. Nakatayo na roon si Frances. Nakasuot ito ng maikling shorts at halter na swimsuit. Hindi maiwasan ni Clementine ang mainis lalo na at pareho sila ng suot. Nakangisi ito nang malaki nang umupo siya sa backseat. “Hi, partner! Hello, Clementine!” masayang bati nito. ‘Partner?’ iritang tanong ni Clementine sa isipan niya. She bit her tongue so hard para pigilang barahin ito. Tumango lang si Vance sa kaniya at pinaandar na ang sasakyan para puntahan ang ilang mga kaklase na nauna na sa ilog. “Naku! Nakaka-excite naman itong swimming natin. First time ko lang makasama sa ganito. Hindi kasi ako masyadong niyayaya ng mga ka-schoolmate natin dati.” sabi pa niya. Clementine looked at Frances on the rear-view mirror. She faked a smiled at her and said, “Oh! Talaga?” Tumango si Frances. “Oo. Kaya nga thankful ako sa ginawa mo, Clementine. Kasi kahit papaano nag-iba nga ang tungo nila sa akin.” she said. Hindi maiwasan ni Clementine ang ma-guilty. Kung tutuusin, wala naman talagang karapatan na mainis si Clementine sa kaniya. Siguro ay hindi lang siya sanay na ganoon. The people easily turned their attention from her to Frances. Feeling niya, hindi siya mahalaga. Yes, Clementine made some acquaintance from San Lucas but sa tuwing dumadating si Frances at nakikipag-usap ito ng mga tungkol sa San Lucas na hindi niya alam o nararanasan man lang… pakiramdam niya na-a-out of place na siya. Para bang may invisible line sa pagitan niya at ng mga tao rito na hinding hindi niya matatawid kahit pa ano'ng pakikisama ang gawin niya. Nakarating sila roon. Naunang bumaba si Frances na sinalubong nina Meddie. Sumunod si Clementine na mas pinilin maghintay kay Vance kaysa sumunod sa kanila sa cottage. Mabilis siyang inakbayan ni Vance. Nagandahan si Clementine sa falls na iyon. “Konektado ito sa ilog na nasa lupain niyo hindi ba?” tanong ni Vance habang naglalakad sila papunta sa cottage. “Oo.” sabi niya at tumango kay Vance. Nabanggit na iyon ni Quentin sa kaniya, noong isang weekend na nagtatrabaho sila sa bukid. “Guys! Hello!” bati ni Meddie. Ngumiti si Clementine nang bigyan sila nito ng paper plate. Nilingon niya ang paligid. Naliligo na ang ilan habang si Frances ay nakaupo roon at kumakain na kasama ng iba. Ang swimming na ito ay para sa success ng pageant na ginanap. Mga officers, candidates at ilang volunteer helper lang ang sumama. Siya naman ay inanyayahan nina Meddie na sumali dahil kahit papaano ay naging isa rin siya sa mga kandidata kung hindi siya naaksidente. “Where’s Angela?” tanong ni Clementine nang mapansin na wala pa ang babae roon. Maaga kasing umalis si Angela kaya akala niya ay naririto na. Tumingin si Meddie sa kaniya. “Naku! Nasa eskuwelahan pa kasi need ipasa ang budget audit para sa Acquaintance. Kailangan kasi sa Lunes pero nangako naman siya na susunod sila rito,” paliwanag niya. Tumango si Clementine. Wala si Quentin sa mansiyon kanina. Sabi ni Manang, baka raw abala sa tinatayong bakod para sa organic farm. “Clementine!” tawag ni Frances. “Dito ka na maupo sa tabi ko.” Nilingon niya ito. Tinapik ng dalaga ang tabihan niya at ngumiti. Wala siyang pagdadalawang isip na tumabi rito. Si Vance naman, ay tumabi sa kaniya. “Ang kaunti naman ng kakainin mo.” sabi ni Frances na tiningnan ang plato ni Clementine. Dalawang hiwa na mangga, isang pirasong barbecue at isang slice ng pakwan lang ang nasa plato niya. “Diet,” simpleng sagot niya kay Frances para maitago ang pagkairita. Tumango si Frances. Dumating si Wendy at Alisa. Nakangiti silang dalawa na umupo at nagsalin ng juice. “Wow, pareho kayo ng outfit?” sabi ni Alisa na sinubukang kausapin sila. Natigil sa pagnguya si Clementine. Pinasadahan niya ang suot nilang dalawa. Frances smiled at Alisa. “Ah! Twinning. Hindi ko napansin!” aniya na parang napakamilagro noon. Ngumisi si Clementine. “Hindi rin. Magkaiba naman ng brand. My shorts were from Saint Laurent,” makahulugang sabi ni Clementine. Napawi ang ngiti ni Frances dahil nag-iba ang hitsura ni Wendy at Alisa na nakarinig. Vance cleared his throat and drank. “Why don’t we just drink alcohol?” sabi ni Vance. Nagkatinginan sila ni Clementine. Umirap si Clementine dahil may banta ang titig ni Vance sa kaniya. “Uy, gusto ko ‘yan!” sabi ni Wendy. Nagtawag naman si Meddie ng mga naglalangoy para madami silang kasali. Vance brought some hard liquor on his travel bag. Napangisi si Clementine nang makita ang mga kilalang brands ng whiskey and tequila na nandoon. “Tapos ano? Laro tayo.” sabi pa ni Meddie. “Magtatanong tayo sa mapipili ng bote. Kapag hindi nagawa ang dare o nasagot ang truth, automatic shot. Okay ba?” Everyone agreed. Hindi na nagawa pang magtanong dahil typical na laro iyon. Meddie took the first turn. Inikot niya ang bote at tumama iyon sa isang lalaki na nandoon. Iyon ang kumanta noong pageant night. “So, Archie… truth or dare?” tanong ni Meddie, pabiro. Ngumisi si Archie. “Truth,” sabi niya. Nagpalakpakan ang ilang mga lalaki roon. “Sino sa mga girls na nandito ang crush mo?” tanong ni Meddie. Pumikit si Archie at nilibot ang mga mata sa lahat ng babaeng nandoon. “Sino pa ba? Eh ‘di si Miss SLCC,” nakangisi nitong sagot. Namula si Frances na nasa tabi niya dahil inaasar na sila pareho ni Archie. Nanahimik naman si Clementine at um inom na lang ng tubig na nasa harapan niya. Si Archie naman ang sunod na nag-ikot. Some chose truth to avoid drinking. Other chose dare and did it for the sake of avoiding the truth. Ang iba, mas pinipili na lang uminom ng shot. Finally, the bottle pointed at Clementine. Everyone watched her. “Clementine, truth or dare?” Meddie asked, grinning. Walang reaksiyon na sinagot ito ni Clementine. “Truth,” sagot niya. “Mayroon bang namamagitan sa inyo ni Quentin?” tanong niya. “Nothing.” she answered. “Marami ang nakakakita sa inyo na palagi kayong sabay umuuwi. Wala man lang bang feelings ka na nabuo para sa kaniya?” tanong ni Wendy. Clementine swallowed. Nakita niya ang lahat na kuryuso sa kaniyang isasagot. She looked at Frances who were now looking at the table, mukhang malungkot at kinakabahan sa anumang isasagot niya. “Wala. He’s just my father’s employee. Nothing more than that.” she answered and looked at Wendy. “Why did you ask me twice? Bawal follow up questions ‘di ba?” she said then smirked and held the bottle to spin it. “Nandiyan na si Angela!” sabi ni Alisa nang makita kung sino ang naglakakad. Nagsibalingan sila rito. Napansin ni Clementine ang pamilyar na pick up truck na nasa tabi ng sasakyan ni Vance. Bumaba roon si Quentin na may dalang basket. “Si Quentin?” tanong ni Meddie na halos mabali ang leeg. Nakaitim na t-shirt at maong shorts si Quentin. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. “Guys, sorry late ako,” sabi ni Angela na nilingon si Quentin, “Nagpahatid lang ako kay Kuya.” “Saan ko ilalagay ito?” tanong ni Quentin kay Angela. "Ako na bahala sa dala mo, Quentin." Tumayo si Wendy para kunin ang pagkain na dala ni Quentin. Nilagay nito ang mga kamay niya sa bulsa ng maong shorts. “Sumali ka na rito, Quentin! Tutal nandito ka na rin naman.” sabi noong isa sa mga seniors. “Hindi na. May gagawin pa rin ako—“ “Sige na! Masaya ito. Nag-iinuman nga kami kasi may dala si Vance na mga hard na alak.” Nakuha noon ang atensiyon ni Quentin. Lumapit siya sa cottage at nakita nga ang mga alam. May gumapang na kaba kay Clementine. Tumingin sa kaniya si Quentin nang mariin pati na rin kay Vance na walang kamalay-malay. Tumikhim siya at lumapit na sa cottage. “Sige.” sabi niya. Nakisali siya sa laro. Hindi na nag-atubiling kumain kahit pa inabutan siya ng plato. Nakangisi si Clementine. Umikot ang bote. Tumapat iyon kay Frances. “Truth or dare, Ms. SLCC?” tanong ni Meddie. Kinagat ni Frances ang ibabang labi. “T-Truth.” aniya, hindi makapag-angat ng tingin. “Bakit ka nag-flying kiss kay Quentin noong pageant? Gusto mo ba siya?” sabi ni Alisa. "Hala! Napansin ko rin 'yun!" sanbi noong isang lalaki. Natahimik ang lahat. Clementine looked at Frances. Nahihiya at namula si Frances na para bang hindi na makatingin kay Quentin. “Oo.G-Gusto ko siya.” mahinang sagot niya. Nagsigawan ang mga ito sa sinagot niya. Hindi mawari ni Clementine ang reaksyon niya. Alam naman niya na gusto ito ni Frances noon pa, pero with this confession? Hindi niya aakalain na aaminin niya ito agad. Umiling si Quentin pero may kaunting ngisi na sinusukli sa mga asar. Napagtulakan pa si Frances na maupo sa tabi ni Quentin. He did not say no which added to the fire of Clementine’s unknown anger. Frances spinned the bottle. Tumigil iyon kay Quentin. Everyone cheered. “Ako ang magtatanong ha?” sabi ni Meddie na may malaking ngisi, “Truth or dare, Quentin?” tanong niya. “Truth,” casual na sagot ni Quentin. Clementine held her glass tightly dahil mukhang alam niya kung ano ang itatanong ni Meddie. “May nagugustuhan ka ba sa mga babaeng nandito?” tanong ni Meddie na obvious na para kay Frances iyon. Namula si Frances dahil tinutukso pa rin siya ng mga kasama roon. Quentin remained calm. May ngisi pero hindi nagsasalita. Madaling nahanap ni Quentin ang mata ni Clementine. Hindi makahinga si Clementine roon. Matagal silang nagkatitigan. Wala atang nakakapansin dahil mga lasing na sila at puro si Frances ang pinapansin. Clementine looked away. Inabala niya ang sarili sa pagngiti sa mga kasamang halos mangisay sa kilig. Umiling si Quentin at kinuha ang shot na nasa gitna. “Hindi ‘ko sasagutin,” iyon ang sinabi niya bago nilagok ang shot. “Hala! Ang daya naman!” sabi ni Wendy at Alisa. “Basta feeling ko the feeling is mutual ‘yan, Frances!” humahalakhak na sabi ni Meddie. Umiling na lamang si Quentin na may malaking ngisi. Quentin spinned the bottle, too. Pinanood ni Clementine ang bote hanggang sa tumigil ito sa kaniyang tapat ulit. She groaned. “Clementine! Truth or dare?” tanong ni Meddie na halatang nalalasing na. “Dare,” sabi niya. Ayaw niyang piliin ang katotohanan sa pagkakataong iyon. She doesn’t want to answer questions when he’s watching. Hindi niya alam pero hindi siya kumportable sa mga titig nito. “Kiss someone you like here,” sabi ni Alisa at ngumisi, “Sa lips ha? Walang malisya!” Clementine immediately looked for him. Napansin iyon ni Angela na nawala ang ngisi. “What?” tanong ulit ni Clementine. “Sus! Huwag kang pa-virgin, Hindi na tayo mga bata ano?” sabi ni Alisa. “Kiss na ‘yan!” sigaw ni Wendy at Meddie. Ang mga lalaki ay tumutukso lang sa kaniya habang naghihintay. Clementine bit her lower lip. She did this so many times in US without a single pressure. Pero iba ngayon dahil sa isang pares ng mga mata na nanonood sa kaniya. “Shot na lang if hindi ka kumportable.” bulong ni Vance sa tabihan niya. Clementine looked at everyone again. ‘Bakit ba ako kakabahan kung nanonood siya? At ano naman kung humalik ako? It’s not like he’s my babysitter!’ Clementine sighed and held Vance’s cheek to make him face her. Walang pag-aatubiling hinalikan niya si Vance sa labi. She did not even trembled when she kissed him. Nothing at all. Binitiwan niya ang binata. She did it to prove something to herself but she thinks she’s failing. Dahil sa isang pares ng mata na nakatingin sa kaniya, halos lumambot ang mga tuhod niya sa kaba. Everyone cheered. Clementine looked at Vance who just smirked. Hindi ito nag-react man lang sa ginawa ni Clementine. She looked away. It was different. When she kissed Vance, it’s like kissing a wall. No feelings at all. But with only Quentin’s deadly stare and yet, her world is already shaking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD