Kabanata 26 — Regret

2565 Words
Clementine decided to not look at Quentin the entire time kahit pa alam niyang monsan ay sumusulyap sulyap ito sa kaniya. After few more rounds of the game, they decided to end it and have a regular drinking session. Some decided to go for a swim. Niyaya ni Meddie si Clementine na mag-swimming. Halos mga lalaki ang natira sa cottage para mag-inuman. “Ano? Langoy na tayo?” sabi ni Frances ilang saglit pa. Sinalinan siya ni Vance ng tequila shot. Clementine sipped on her drinks and nodded. “You go first. Ubusin ko lang ‘to,” she said at kinain na ang hiniwang lemon. Tumango si Frances at nagpahila na kay Meddie na medyo lasing na. Si Alisa naman, mas piniling manatili sa cottage dahil nakikipag-usap kay Archie. Gumuhit sa lalamunan niya ang alak. She grimaced and put the shot on the table. Hindi niya maiwasang mapatingin kay Quentin na nakatingin lang sa kaniya ng diretso habang nilalagok ang laman ng hawak na baso. Kinagat ni Clementine ang labi, hindi na maintindihan pa ang gagawin. Iniwas niya ang tingin sa binata at binalingan ang mga tumitiling kasamahan dahil sa pagtalon ni Meddie. “Ano, Frances? Talon na!” sabi ni Meddie, nag-fo-floating na sa ilog. Pinanood ni Clementine ang kinatatayuan ni Frances. Mataas na kawayan iyon na ginawa para talagang talunan. Tumawa si Frances at unti-unting hinubad ang suot na halter top. Bumungad sa kanilang lahat ang balingkinitang katawan at bilog na dibdib nito dahil exposed na ang kulay blue niyang bikini bra. “Ganda talaga pare,” bulong ni Archie kay Leo na nakatingin din. Tumalon na si Frances. They swam their. Clementine rolled her eyes at binalingan ang inihaw na manok na pulutan. Kumuha siya roon at kinain iyon. Ayaw pa niyang mabasa. Nasa mood pa siya na mag-inom kaysa makipag-plastican kay Frances at kina Meddie. Nagtawanan sina Archie habang may sinasabi kay Quentin. Nilingon sila ni Clementine dahil nakisali na rin ng bahagya si Vance sa usapan. It was fascinating that Quentin can switch from being a serious professor in SLCC to being everyone’s friend after school. Halatang nirerespeto siya ng lahat ng nandidito. No one dared to mess with him when in school pero sa tuwing makakalabas na at tapos na ang klase, bumabalik ang mga estudiyante sa pagiging kaibigan niya. Clementine poured herself a shot. Nilagok niya iyon muli. She bit the lemon again. Nagtangka siyang magsalin ulit pero hinawakan na ni Quentin ang kaniyang pulso para pigilan iyon. “Tama na,” sabi ni Quentin sa kaniya. Saglit na napatingin ang mga naroon. Vance cleared his throat at binalingan si Clementine. “I think you’re tipsy, Clementine. Stop,” saway niya sa kaibigan. Masama ang mga tingin na ibinaling ni Clementine kay Quentin ang atensiyon niya. She felt everyone’s eyes on them. “Hindi pa ako lasing. Just one more shot at susunod na ako kina Frances.” sagot niya kay Quentin. Lumunok si Quentin at dahan-dahan na binitiwan ang kamay niya. Clementine drank the shot easily and smirked. “Done. I’ll go swim.” deklara niya at naglakad na papunta sa ilog. She walked until she reached the diving platform. Inakyat niya ang mga kawayang steps noon. She can see that Quentin stood up and went out of the cottage to see her clearer. Parang may kaunting kiliti na dala iyon. Ngumiti siya sa sarili. Pinapatapang ata siya ng tequila. Tiningnan niya ang malalim na ilog. She laughed. “Talon ka na!” sigaw ni Meddie sa kaniya. Clementine grinned and held the hem of her halter top. Gaya kanina, ang mga mata mula sa cottage ay nakadikit sa kaniya. Vance was clearly smirking at her but she did not care. She will definitely give them a show. Ipapakita niya ang katawan niyang mas maganda kay Frances. She lifted her top and removed it. She’s now wearing a white tube swimsuit bra. “Ang ganda mo girl!” sigaw ni Wendy at sumipol pa. Ngumisi siya at kinindatan ito. Kinalas na rin niya ang butones ng kaniyang shorts at hinayaan itong malaglag sa sahig na kawayan. Nag-angat siya ng tingin. Seryoso at hindi kumukurap si Quentin na nakatingin sa kaniya. Ang puti niyang swimsuit ay talagang mas pinaliwanag pa ng maputi niyang balat. Ngumisi siya sa binata at hinanda ang sarili sa pagtalon. She jumped and dived to the water. Hindi agad siya umahon dahil mas nag-enjoy siyang masdan ang mga maliliit na isda sa ilalim. When she felt that she’s losing oxygen, umahon siya at nabungadan na nasa mas malapit na si Quentin at mukhang nag-aalala sa kaniya. Pinunasan ni Clementine ang mukha at tiningnan ang binata. Naka-diin ang mga panga nito, halatang nagpipigil ng galit o ano mang emosyon na nararamdaman niya dahil sa ginawang iyon ni Clementine. “Kuya,” Angela called. Nilingon siya ni Quentin. Saglit na nagkatitigan ang magkapatid. Hindi nagsalita si Quentin at bumalik na sa cottage pero ang mga mata ay para pa ring agila na nakatingin sa kaniyang target. Clementine looked away. Napansin niyang nakatayo si Frances sa gilid ng ilog habang kuryusong nanonood sa kaniya. Nagpatay malisya na lamang si Clementine at nakisali sa basaan ng tubig na nilalaro nina Meddie at Wendy. Natapos ang inuman ng boys dahil napagpasyahan nila na sumali sa paglalangoy. Clementine just watched them. Hinila kasi ni Alisa si Vance na pinagpipiyestahan na ng ibang mga babaeng kasama. Napatingin na lamang si Clementine nang may isa pang sasakyan na dumating doon. Bumaba roon si Korics kasama ang ilan niyang kaibigan. “Sina Korics ba ‘yun?” tanong ni Alisa. Nagtatawanan ang mga ito ay may mga nakasabit din na towel sa balikat. Saglit na napatingin si Korics sa kanila at tumango na lang. Nilingon ni Clementine si Quentin. Ganoon din ang ginawa ni Quentin kaya nagkatinginan sila. “Huy! Korics, dito rin pala kayo?” tanong ni Meddie at umahon na para batiin ang grupo nila. Hindi gaya noong nakaraan, may ilang babae na silang kasama. Hindi pa nakikita ni Clementine ang mga iyon sa school at sa pormahan pa lamang, mukhang hindi taga rito sa bukid. “Oo. Sinasamahan ko kasi mga pinsan ko na galing sa Manila.” sabi ni Korics. Simpleng napatingin si Korics kay Clementine at nilipat ang tingin kay Quentin. Hindi pinansin iyon ni Clementine. He have a warning from school at siguro pagkatapos noong nangyari, hindi na siya magtatangka pa na lumapit kay Clementine. Nagpaalam si Korics para pumunta sa cottage na in-assign sa kanila. Malayo iyon sa kanilang cottage. Kinuha ni Vance ang pagkakataon para lumayo kina Alisa at lumapit sa kaniya. “Okay ka lang?” tanong ni Vance. Tumango si Clementine. “Oo naman,” sagot ni Clementine at ngumisi sa kaniya. Tumango si Vance. Nagtatawanan na sila. Clementine felt that she have to pee kaya tiningnan niya si Vance. “I will just go to the toilet.” bulong niya at umahon na. Mabilis ang lakad ni Clementine papunta sa direksyon ng toilet. Diretso lang ang tingin niya dahil kailangan niyang dumaan sa table ng grupo ni Korics. Pero napansin din naman niya agad na wala iyon doon kaya naibsan kahit papaano ang iritasyon niya. Pumasok siya sa toilet para umihi. Matapos iyon hinugasan niya ang kamay at nagawa pang i-ponytail ang buhok niya. Pagkalabas niya ng banyo ay siya ring paglabas ni Korics mula sa changing room. Topless na ito ngayon at nakatingin sa kaniya. Lalampasan na niya sana ito pero nagsalita ang binata na nakapagpatigil sa kaniya. “Hey,” bati nito. Tumigil si Clementine sa paglalakad at tumingin sa binata. “I am sorry the other day.” he said. Seryosong tumango si Clementine. “I really do feel sorry. Gusto ko lang naman makipagkaibigan. But I guess it’s gone wrong, Clementine.” sabi pa ni Korics. “Buti alam mo,” simpleng sagot niya sa binata, “You really creeped me out.” Tumawa si Korics. Clementine did not realized that she smiled. Nilahad ni Korics ang mga kamay niya sa dalaga. “Then, let’s do it again” he said, “I am Korics, you are?” Tiningnan ni Clementine ang kamay ng binata at hinawakan iyon. “I am Clementine. Nice to meet you,” she said. Ngumiti si Korics. Nagpaalam na rin si Clementine at balak na bumalik na nang makita niya si Angela na nanonood sa kanila. Korics nodded at her, "What's up, Pres?" he asked, smiling. Wala itong reaksiyon pero titig na titig ito sa kanilang dalawa ni Korics. Nilampasan lang ni Clementine ito. Nang mapadpad sa cottage ay biglang sumulpot sa tabihan niya si Quentin. Umiinom ito ng alak. “Saan ka galing?” tanong nito. Umirap si Clementine. “Why do you even care?” tanong ni Clementine at nagsalin ng tequila. Quentin immediately threw the shot on the ground. “Ano ba! Sayang! Bakit mo tinapon?” naiinis na tanong ni Clementine at nagsalin ulit. “Stop drinking, Senyorita. Mapula na ang dibdib mo sa alak.” sabi ni Quentin at inagaw ang bote ng tequila. Hindi na nagsalita pa si Clementine at agad na nag-walk out doon. Lumublob siya sa tubig at naligo na lang, umaasa na baka mawawala ang inis niya para sa pangingialam ni Quentin. Natapos ang oras ng swimming. Nagligpit na sila ng mga gamit. Si Meddie, Alisa at Wendy naman ay sasakay kay Vance dahil on the way iyon papunta sa bahay nila. Ang mga boys, may mga dalang motor. “Si Frances, sasabay na lang kina Quentin kasi madadaanan naman ang bahay nila,” sabi ni Meddie, “Ipapasabay ko na rin kasi si Archie sa sasakyan ni Vance since ang mga boys naman may mga motor.” sabi pa niya. Gusto na lamang umirap ni Clementine sa suggestion na iyon ni Meddie pero mabilis niyang napigilan ang sarili. Namula naman si Frances. “How about you?” tanong ni Vance, “I could squeeze one more kung ‘di ka kumportable?” bulong ni Vance sa kaniya. Akmang ilalagay ni Clementine ang gamit niya sa sasakyan ni Vance nang agawin iyon ni Quentin. “Sa akin siya sasakay,” aniya. Vance threw his hands on the air and smirked at Clementine, "Sure, pare." he said. Umismid si Clementine at hindi na lang pinahalata ang inis. Nawala naman ang ngisi ni Frances habang pinapanood na kinakarga ni Quentin sa likod ng pick up ang bag ni Clementine. “Sumakay ka na, Frances.” biro ni Wendy na binuksan ang pintuan ng pickup. “N-Nakakahiya naman. Baka si Angela talaga diyan.” sabi ni Frances at nilagay ang buhok sa likuran ng kaniyang tainga. “Asus! Nahihiya pa kunwari gusto rin naman. Sige na! ‘Di ba, Pres?” tanong pa ni Meddie kay Angela at pinagtulakan si Frances na umupo. “Bahala kayo. Okay lang sa akin.” nakangiting sinabi ni Angela at bumaling kay Clementine na may ngisi. Clementine looked away dahil tuluyan nang nakaupo roon si Frances. Hindi naman namalayan iyon ni Quentin dahil abala siya sa pagkakarga ng mga gamit sa likuran. Umikot na lang siya at nakitang nakaupo na si Frnaces sa unahan habang nakatayo pa rin si Clementine sa tabihan ni Vance. “Ayan! Okay na! Halika na, Vance?” tanong ni Alisa at inangkla pa ang braso niya kay Vance. “See you around, Clementine.” sabi ni Vance at hindi na lumaban pa sa patianod ni Alisa. Lumunok si Clementine at tumango. Naiwan siya at si Quentin na nasa labas. Nakapikit si Angela sa backseat at nakadungaw naman si Frances sa kanilang dalawa. “Do you want me to—“ Hindi na naituloy ni Quentin ang itatanong niya dahil walang salitang umikot si Clementine para sumakay sa backseat. Tahimik ang iritado siya. Siya lagi ang umuupo roon sa una kaya labis ang iritasyon at galit niya dahil si Frances ang nandoon. Habang nakatanaw sa labas, pilit niyang pinapaniwala ang sarili na ganoon ang nararamdaman niya dahil feeling niya natatapakan ang ego niya. Sumusulyap sa rear view mirror si Quentin pero mabilis din na inaalis iyon sa tuwing titingin pabalik si Clementine. Pumikit na lang siya para matigil na iyon. Tumigil sila sa tapat ng compound kung saan nakatira si Frances. “S-Salamat, Q-Quentin.” nahihiya niyang sabi. Tumango si Quentin. “Walang anuman." simpleng sagot nito. "Mag-iingat kayo." sabi ni Frances at nag-blush pa. Kumaway si Frances kay Clementine. Ngumiti lang siya ng tipid at tumingin na sa unahan. Tumingin si Quentin sa rear view mirror pero hindi iyon ginantihan ni Clementine ng sulyap. She just looked at the sunset on her window. Tinuloy ni Quentin ang biyahe nila. Madilim na nang makarating sila sa mansiyon. Angela went inside. Naiwan naman si Clementine na tamad na tamad na kinuha ang gamit niya mula sa likuran. Hinawakan niya ang strap ng bag niya pero hindi inaasahan na ganoon rin ang ginawa ni Quentin. Nagkahawak sila ng kamay. Nahigit ni Clementine ang kaniyang paghinga. “Ako na,” sabi ni Quentin at kinuha ang bag. Clementine did not move. Ramdam niya mula sa likuran niya ang init ng dibdib ni Quentin. Kinuh rin ni Quentin ang gamit niya. Matapos iyon, inaakala ni Clementine na aalis na ang binata pero hindi nito iyon ginawa. Nanatili itong nakatayo sa likuran niya at parang kinukulong si Clementine sa pagitan ng sasakyan at ng katawan niya. “Are you mad?” seryosong tanong ni Quentin. “Hindi.” sagot niya at handa nang umalis pero mabilis na nilagay ni Quentin ang magkabilang braso niya. “Galit ka nga, Senyorita…” bulong pa ni Quentin. Parang may napatid sa pagtitimpi ni Clementine at mabilis niyang hinarap si Quentin. “Bakit naman ako magagalit?” tanong niya sa binata, nanlilisik na ang mga mata. Ngumiti si Quentin at tumikhim. “Hindi ko rin alam. Sabihin mo sa akin,” aniya na halos pabulong na. Clementine can smell the alcohol on his breath. She sighed. Pareho silang nakainom. She just wanted to go inside and rest. “Ewan ko sa’yo. Umalis ka nga.” aniya at tinulak ang binata sa kaniyang dibdib pero mabilis na sinalo ni Quentin ang kaniyang palad at pinisil iyon. Hindi na maiwasan ni Clementine ang magulat. Their faces were inches apart. “Stupid dare,” bulong ni Quentin habang nakatitig sa kaniyang labi. “Stop it, Quentin! Ang baho ng hininga mo!” aniya ng medyo pagalit pero walang epekto iyon kay Quentin. Sinubukan ulit itulak ni Clementine ang binata pero mabilis na kinabig ni Quentin ang kaniyang ulo para sa isang halik. Clementine froze. Tumagal iyon ng limang segundo. Pagkatapos noon, binitiwan siya ni Quentin na halatang nagulat rin sa inasal. “s**t,” mura ng binata na parang nahimasmasan. Tiim ang bagang niya. “What the hell am I thinking?” tanong pa nito sa sarili gamit ang isang malamig na tono. Lumayo ito sa kaniya na parang nandidiri. Kinuha nito ang gamit niya at iniwan si Clementine na nakatayo roon. Namutla si Clementine habang pinapanood si Quentin na pumasok sa loob. Alam niyang nakainom ito pero tila ba na malakas na sampal iyon sa kaniya. It's like he regretted kissing her. Para bang nandidiri siya sa ginawa niyang iyon. Naiwan si Clementine doon na may mabigat na loob. Hindi niya in-expect na pandidirihan siya ng kahit na sino. Lalo na ng isang kagaya ni Quentin Blanco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD