Ten months later.. Huminto ako sa harap ng isang coffee shop at pinatay ang engine ng motor ko. Saglit ko pang tinitigan ang pangalan kung ito ba ang tagpuan namin ni Gail. Nang masiguro ay tinanggal ko ang aking helmet at ginalaw ang aking ulo para umayos ang nagulo kong buhok. Bumaba ako ng aking Ducati at ipinatong ang helmet. Tinanggal ko ang susi at dinukot ang cellphone sa bulsa. "Hello?" sagot ko nang saktong tumawag si Gail. "Don't tell me, late ka na naman?" "Sorry na, girl. 'Yong target ko kasi biglang nabaril." Napailing ako. "Fine." Tumingin ako sa aking wrist watch at nakitang alas singko pa lang ng hapon. "Thanks, Katana!" Ibinaba ko ang tawag at inilagay ang cellphone at susi bulsa ng pants ko. Ang dalawa kong kamay naman ay ipinaloob ko sa bulsa ng sout kong itim na

