Kumunot ang noo ko nang marinig ang balita sa malaking TV sa sala. Napaawang ang aking labi at nabitawan ang hawak kong tray na may lamang lunch ko sana ngayon araw. "Katana!" bulalas ni Rhian nang makita akong nanonood. Mabilis niyang pinatay iyon at lumapit sa akin. Nagtawag pa siya ng maids para linisin ang nabasag kong mga gamit. Iginiya niya ako paupo sa mahabang sofa. "Bakit mo pinatay?" tanong ko sa kaniya at akmang bubuksan ulit iyon nang harangan niya ako. "You're still recovering from your trauma, Katana and hearing that kind of news is not good for you." Huminga siya nang malalim. Isang buwan na ako sa bahay ni Nana para magpagaling at sa susunod na araw ay ang lipad namin sa Japan. Matapos ang ilang araw na counseling ay masasabi kong kahit papaano ay gumaan ang aking di

