"I'm sorry but the baby didn't make it." Awtomatikong tumulo ang luha ko nang marinig ang sinabi ng doktor. Hindi ako nagsasalita at nakatitig lang sa puting kisame. Wala akong ibang nararamdaman kundi sakit at galit. "You need one to two weeks for physical recovery. Your period will resume four to six weeks," saad ng doktor. Hindi ko magawang maglabas ng emosyon. Nakatitig lang ako sa kawalan at unti-unti akong sinasakop ng lungkot. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumango si Nana. Saglit pa siyang nakipagusap sa doktor bago ito umalis. Naiwan ako kasama si Rhian, Nana at Kuya Syd sa loob ng isang private room. Tinulungan ako ni Rhian na maupo at nakangiti akong tinanguan. "We'll stay here for a few days and you will continue your recovery in my house," saad ni Nana. "Hin

