"Our flight is five hours from now, so you have plenty of time." "Opo, Nana. Babalik po agad—" "Sulitin mo ang saglit na oras para ipaliwanag sa kaniya ang totoo, Katana." Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Paano kung hindi niya po ako naiintindihan?" "Then, let him drown with his own stupidity." Ngumiti ako bilang sagot. "Baba na po ako." "Don't beg, okay?" Nilingon ko si Nana na nakangiting tumango sa akin. Bago ako bumaba ng kotse ay huminga muna ako nang malalim. Naglakad ako hanggang sa harap ng gate ng bahay ni Blade. Tulad ng sabi ni Nana ay gagawin niya akong protégé niya. Hindi ko pa alam kung ano klase o kung paano. Ngayon na ang flight namin matapos ang dalawang araw kong magpapahinga at magiisip. Japan. Iyan ang destinasyon namin kung saan naroon ang mga si

