Mag-isa ako sa pribadong kwarto ng ospital na 'to habang kumakain ng paborito kong chicken joy. Kanina ay nandito si Blade pero umalis din para bayaran ang bill. Panibagong salary deduction na naman ang gagawin sa akin ng boss ko. Kagat-kagat ang manok ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto. Walang pakundangan si Lindsay na pumasok kasama ang dalawang babaeng alipores nito. Tumayo sa harapan ko at humalukipkip nang mataray. Ibig sabihin ay nakalusot na naman ang ginawa niya sa batas? Gaano ba kayaman ang bruhang 'to. "Lumabas kayo, hindi ako tumatanggap ng bisita," saad ko at nagpatuloy sa pag-kain. "How dare you ruin my name! Kung akala mo kaya mo ako nagkakamali ka," lumapit ito at binaliktad ang maliit na lamesang kahoy na nakapatong sa higaan ko. "Hindi ko sinira ang pan

