“Katana Figueroa, my daughter. The Heiress of Leviathan Group!” Sigabong na palakpakan ang kasunod kong narinig nang ipakilala ako ni Aiko sa lahat. Lumunok ako at akmang aatras nang itulak ako ni Bill papunta sa maliit na stage kung saan kasalukuyang nakatayo ang aking Ina. Wala akong nagawa nang titigan ako nito nang masama kaya nagpasya na lang akong umakyat at sundin siya. I’m wearing a sexy long black dress with plunging neckline. The slit on the side is exposing my leg whenever my foot took a step. Ang mamahaling kwintas sa aking leeg as kumikintab at talagang masasabing hindi dapat maliitin ang presyo. Ngayong gabi nga ay ipinakilala ako ni Aiko Yumeko sa kaniyang mga business partners o business partners nga ba ang tawag doon, bilang Heiress ng Leviathan. Tumabi ako sa kaniya at

